Chapter 47

989 44 1
                                    

CHAPTER 47

Nathan's Mom POV:

Ngayon ko lang nalaman na meron palang ibang babae na umaaligid-aligid sa anak ko.

Tsk. Ang kapal din ng mukha niya ha?

At teke, sabi ng mom ni Angelica, yaya daw ito ni Nathan?

So it means, isang mahirap at dukha ang babaeng 'yon.

Gosh! Iniisip ko palang ang lumalandi sa anak ko, nandidiri na ako.

Pero hindi, hindi ako papayag na tumagal ang taong 'yon sa apartment ni Nathan.

I need to make a plan para paalisin siya sa buhay ng anak ko.
She don't deserve my son.

___

Nathan POV:

Nang mapagod na kami sa kakalakad, umupo muna kami saglit sa may kulay puting buhangin.

Naka-akbay pa rin ako sa babaeng mahal ko.

At ang ulo niya naman ay nakasanday o nakapatong sa aking balikat.

"Hindi mo sinagot yung tanong ko sayo kanina baby.", sambit niya sa akin.

"Ang alin ba?", turan ko sa dalaga.

"Kung bakit dito mo gustong magdate tayong dalawa? I mean, bakit dito mo ako dinala?", pagtatanong ni Samonte.

"Ah yun ba? Well, napaka-espasyal kasi ng lugar na to saken.", I said while smiling.

"Special? Pa'no mo naman nasabe 'yan?", bigkas nito.

"Special. Becuase sooner, magiging akin na 'to. Mapapasaken na 'to.", masayang saad ko.

"Luh. Seryoso? Weh? Di nga? Uyy Nathan ha, biglang humangin yata at lumamig ang ihip nito dahil sa pagyayabang mo.", hindi makapaniwalang sabi niya.

xSa tingin mo ba nagbibiro ako, baog?", balik na saad ko.

"Yung totoo nga kasi. Yung walang halong pagmamayabang.", hirit na wika nito.

"Hindi ako nagmamayabang, baby. Etong resort na to, ay pagmamay-ari ng magulang ko. At magiging saken rin ito, pagdating ng tamang panahon.", litanya ko sa babae.

"Tamang panahon? Anong ibig mong sabihin?", tanong niya muli.

"Ipapamana kasi to sa akin ng magulang ko kapag gusto ko na raw mag-asawa. At ang tamang panahon na tinutukoy ko, ay yung pakatapos ng graduation mo. Gusto ko, magpakasal na tayo baby, para naman hindi na ako mangamba na maagaw ka pa sa akin ng iba.", mahabang wika ko at tiningnan siya sa mata pababa sa labi niya.

"Loko! Bumabanat ka naman masyado dyan. But seriously, ngayon ko lang nalaman na sobra mo palang yaman noh?", manghang saad ni Angel.

"Not really. Hindi naman ako sobrang yaman. Dahil ang totoong kayamanan ko ay ikaw lang Ms. Samonte.", muli kong banat at kinindatan siya.

"Ano ba baby, 'wag ka nga dyan!", natatawa nitong sambit kasabay ng pagtapik ng balikat ko.

"Hahaha. Namumula ka na baby. Kinikilig ka na yata.",

"Oo, kinikilig na ako sa mga corny mong banat hahaha.", pag-aamin niya.

"Ikaw talaga. Minsan lang ako bumanat, tinatawanan mo pa.", saad ko habang hinahaplos ang buhok niya.
Tumingin naman ako sa malayo at minabuting tanawin ang dagat.

"Alam mo, sa totoo lang, pagnakagraduate ka na, balak ko ng umalis sa pagiging guro.", seryoso kong sabi sa dalaga

"Ano? Teka, diba kakaumpisa mo palang na maging guro this year. Tapos ngayon may balak ka na agad na umalis? Luh. Anong trip mo Nathan ha? Naka-shabu ka ba?", sunod-sunod na turan niya.

"Hahaha baby naman. Nakashabu agad? Hindi ba pwede na sobrang inlove lang ako sayo.", nakangiti kong pahayag.

"Anong connect do'n aber? Uyy Mr. Nathaniel, 'wag kang magbiro ng ganyan. Pangarap mo ang pagiging guro diba? Kaya 'wag mong sayangin ang pangarap mo. Swerte mo nga, dahil natupad mo na lahat eh.", saad niya ulit na may kalakasan sa boses.

"Oo na po Boss Angel. Ang galing mo talaga manermon sa akin baby. Kaya mahal na mahal kita eh.", I just replied.

Bahagya kong hinalikan siya sa labi dahilan para lalong mamula ang pisngi nito.

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Onde histórias criam vida. Descubra agora