Chapter 27

4.1K 117 44
                                    

Chapter 27

Sir POV:

Kamot dito,
kamot doon.

Ang paulit-ulit kong ginagawa sa loob ng aking kwarto.
Kinakamot ko ang binti, braso at pati mukha ko dahil sa kati na aking nararamdaman.

Nag-umpisa na ring magkaroon ng mga pula ang balat ko.

Awtomatikong napapunta ako sa malaking salamin, para tingnan ang aking sarili.

And FUCK!
Shit!

Kumalat na nga ang kulay pula na naging sanhi ng pagkamaga nito.
Nawala tuloy ang pagkagwapo ko dahil sa allergy ko sa sili.

Napasabunot ako ng wala sa oras buhat na rin ng galit.

Narinig ko naman ang malakas na katok ni Ms.Samonte habang tinatawag ang pangalan ko.
Pero wala akong balak na buksan 'yon.
Kapag inaatake kasi ako ng allergy, parang nawawalan ako ng confidence na makiharap sa tao.

Nagmukha tuloy akong chubby sa sobrang pamamaga at pamumula. Tsk.
Isama mo pa na maging ang braso ko ay namamanhid na rin.

Umupo ako sa kama habang patuloy kong hinahawakan ang aking mukha.
Kaso gayon na lamang ang aking gulat nang biglang bumukas ang pinto. Nakita ko agad si Ms.Samonte na tila naaawa sa akin.

"Ano bang pinunta mo rito ha?! Pwede bang lumabas ka na ng kwarto!", sigaw ko sa kanya pero sa halip na matakot ay lumapit siya sa akin.

"Nathan naman eh. Sorry na. 'Di ko naman alam na may allergy ka pala sa sili at sorry kung pinagtawanan kita. Sorry na ohh!", ngusong bigkas nito.

"Ngayon magsosorry ka dahil nakita mo ang kalagayan ko. Damn Ms. Samonte! Wag mo akong tingnan na parang awang-awa ka sa akin dahil naiirita ako!",
Sa sinabi kong 'yon, hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako.

"H'wag ka namang ganyan Nathan. Hindi ako sanay na tinataasan mo ako ng boses.", mahinang saad ng dalaga.

"--Nasaktan lang naman ako kanina kaya nagawa ko 'yon sayo. Kaya sorry na, sorry na Nathan.", muling sambit niya.

Kaagad kong inalis ang pagkakayakap at malamig siyang tiningnan.

"Lumabas ka na.Magpapahinga na ako.",

"Hindi. Hindi ako lalabas. Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganyan. Kasalanan ko kung bakit inatake ka ng allergy mo. Kaya dapat lang na andito ako para gamutin ka.", pagmamatigas na wika nito.

"Hindi ko kailangan ang tulong mo. I can take care of myself. So go out!", mariing saad ko.

"Pero Nathan--",

"Fuck Ms.Samonte! Hindi ka ba marunong umintindi? I said, GO OUT! Lumabas ka na!", galit kong turan.

"S-sige lalabas na ako. Pero kung kailangan mo ng tulong, tawagin mo lang ako ha?", yukong sabi niya at saka naglakad palabas.

'I'm sorry Ms.Samonte',
ang tanging naisambit ko sa sarili.

Gusto ko lang muna mapag-isa sa mga oras na 'to.

Ipinikit ko na ang aking mata kasabay ng paghiga ko sa kama.

____________________

Ms. Samonte POV:

Lumabas na ako sa kwarto ni Nathan na may lungkot sa aking puso.
Nakakapagsisi ang ginawa ko sa kanya.
Tila nabaliktad tuloy ang sitwasyon naming dalawa.
Parang kanina lang, ako yung galit sa kanya. Tapos ngayon, siya na. Hayss.

"Paano ko sosolusyonan ang ginawa ko?", tanong ko sa aking isipan habang hindi ako mapakali.

Nakita ko kasi kung paano nag-iba ang itsura ni Nathan dahil sa allergy na natamo niya sa sili.

Hindi tuloy ako makatulog.
Hindi ako makatulog dahil sa maling ginawa ko.

OH GOD! Help me please!

______________________

Sir POV:

5:30 a.m.
Saktong oras na 'yon, biglang tumunog ang alarm clock sa may side table ko.
Medyo okay na rin ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na rin makati ang binti at braso ko.
Pero wala pa ring pinagbago dahil namamaga pa rin ang aking mukha.

Gusto ko sanang magliban sa klase, kaya lang naalala kong may test pala akong ibibigay sa mga estudyante.

Kaagad na akong bumangon para maligo.
Hindi nagtagal, sinuot ko na ang uniporme kong pang-guro.

Lumabas na ako ng kwarto at isa lang ang nahagilap ng mata ko.
Walang iba kundi si Ms.Samonte. Nakangiti siya sa akin sabay sabing,

"Goodmorning Nathan. Halika at mag-almusal ka na.Niluto ko 'yan para sayo. 'Wag kang mag-alala, wala itong sili.",

"Hindi na. Sa canteen na lang ako mag-aalmusal.",

"Huh? Pero masyadong maaga pa para--",

Hindi ko na pinatapos pa ang pagsasalita niya dahil tinalikuran ko ma siya.

I know na nasasaktan siya dahil sa inaasta ko.
Pero eto lang ang tamang paraan para makontrol ko ang aking sarili.
Baka kasi makasabi pa ako ng masakit na salita sa kanya.

At higit sa lahat, nahihiya akong humarap sa kanya na ganito ang itsura ko.

Alam kong napakababaw ng dahilan ko.
But to be honest, gusto kong lambingin ako ni Ms.Samonte.

Yes. Gusto kong magpalambing sa kanya.
Para kahit papano, maging okay na kami.

Kahit naman lalaki ako, gusto ko pa rin yung binibaby ako.

___________

Ms.Samonte POV:

Sayang ng mga niluto ko.
Hindi man lang kinain ni Sir.
Siguro natakot na siya.

Hays. Eto na sana yung naisip ko kagabi pero 'di man lang niya pinansin.

Hindi ko na tuloy alam kung paano niya ako mapapatawad.

Medyo malamig na kasi ang pakikitungo ni Nathan sa akin.

"Magandang buhay sayo!  Hello? Anong drama 'yan at parang nakabusangot ang labi mo Ms.Samonte?", sulpot ni Bhie sa aking harapan.

"Ah'Bhie, ikaw pala. Ahm, hehe wala ito.",

"Wala? Weeh? Yung totoo? Anyare?",

"Ehh si Nathan kasi. Hanggang ngayon, galit pa rin siya sa akin.", kamot na sabi ko.

"Yan ba ang pinoproblema mo?", she asked.

"Oo eh. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.",

"Ano ka ba Ms.Samonte. Ang simple lang kaya ng solusyon dyan sa problema mo.",

"Huh?",

"Alam mo, 'yan si Nathan,masyado yang pabebe. Ang gusto niya yung binibebe siya.", wika nito.

"Anong ibig mong sabihin?",

"Hindi mo gets? Well, explain ko sayo ha? Binebebe means nilalambing. For example, gusto nyang halikan siya, yakapin, pagsilbihan, kantahan. At higit sa lahat, gusto niya yung long sweet messege.",

"Seryoso ka?",

"Yah. Seryoso ako. Halata ba sa mukha kong nagjojoke ako?",

"Hindi naman.", tugon ko.

"Yun naman pala. Naku, naku! Napaghahalataan tuloy na HINDI KA PA NAGKAKASHOTA.",

Tsk. Grabe si Bhie! Ang harsh masyado.

Pero teka, gagawin ko ba yung sinabi niya?

____END OF CHAPTER 27___

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon