Chapter 45

975 39 0
                                    

Chapter 45

Sir POV:

Sobrang kasiyahan ang naramdaman ko sa araw na 'to.

Plano ko kasing isama at idala ang babaeng mahal ko sa isang resort na ipapamana sa akin nila mom at dad.

Yes. Ipapamana nila 'yon sa akin pag-gusto ko na raw magpamilya.

At gusto kong si Ms.Samonte ang s'yang una at huling babae na ipupunta ko roon.

Siya na kasi ang babaeng pinangarap kong maging asawa at maging ina ng mga anak na ibubuo namin.

Oh well, sa ngayon ay pinsan ko muna ang siyang nagbabantay sa resort dahil busy ang magulang ko sa ibang bagay.

Hindi ko na rin inalam pa kung ano 'yon. Because I don't have time anymore.
___

Nakita ko namang nagpalit na ng damit si Samonte, dahil yung kaninang suot niya ay sobrang iksi. At ngayon ay mahabang damit na ito na parang pang-madre.

"Pfftt.", pagpipigil kong tawa.

"Ohh? Ayos na? Okay na? Hindi ka na ba malilibugan sa akin? Hindi ka na titigasan ha?", paniniguro nitong tanong.

"Hmmm-maybe.", tipid na tugon ko.

"Maybe? Tsk. Ang jeje mong kausap supot.",

"Okay lang na jeje. At least gwapo.", pagyayabang niya.

Pero umakting lang ito na tila nasusuka.

"Hahaha. Tara na nga baog.", tanging bigkas ko at inakbayan siya para tumungo sa kotse.

Ako na rin ang nagdala ng gamit niya gamit ang kaliwa kong kamay.

Pinasok ko na yung bag sa likod ng kotse, at nang matapos na ako do'n, pumasok na rin ako para sana magdrive.

Ang kaso nga lang, naalala kong nasa kwarto ko pala yung susi at pitaka.

"Shit! Nakalimutan kong kunin sa room yung wallet at susi.", inis kong turan.

"What? So naiwan mo?",

"Malamang.", bigkas ko sa dalaga.

"Pilosopo! 'Yan kasi, masyadong excited, tapos hindi pa pala ready. Napaghahalataan tuloy na matanda ka na supot.", wika nito para pikunin ako.

"Hays! Ang daldal mo. Kunin mo na nga lang.", pag-uutos ko sa babae.

"Inuutusan mo ba ako?", she asked me.

"Yeah.",

"Abah! Kapal! Ikaw kumuha. Ikaw 'tong nakaiwan.", asar nitong sabi.

"Ikaw na. Tinatamad na akong maglakad.", saad ko rito.

"Fine.", pagpayag nito na tila napilitan.

At ngayon, abot-tingin ko na lamang siya habang papasok muli sa bahay.

____

Ms.Samonte POV:

Kahit ayokong kunin yung susi ay pumayag na ako para 'di na matagalan at makaalis na kami.

So heto, nasa loob na ako ng kwarto ni Supot.

Buti na nga lang, at nakita ko agad sa kama yung Susi at wallet.

Kaso nang kukunin ko na 'yon, ay nakita ko yung ATM niya na nasa labas lang.

Kaya ang ginawa ko, kinuha ko ito at binuksan ko ang wallet para ilagay ito sa loob.

Pero dahil medyo chismosa ang mata ko ay nahalata ko ang isang bagay na medyo curious sa paningin ko.

Hindi ko alam, pero kusang gumalaw ang aking daliri at kinuha ang isang plastik na hugis square ang lagayan.

At shet!

Halos malaglag ang aking mata ng mabasa ko kung ano 'yon.

"BANANA FLAVOR! Condom?!", malakas kong sambit.

What the hell?!

GUMAGAMIT SI NATHAN NG CONDOM?!

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Where stories live. Discover now