Chapter 9√

4.3K 142 6
                                    

Chapter 9

Ms.Samonte POV:

"Sige pare, uuwi na ako.", pagpapaalam nito.
"--But I'm glad to meet you, Ms. Samonte.", baling na sambit niya sa akin kasabay ng pagkindat.

Ito ang huling katagang narinig ko sa binata.
Kahit papano, gumuhit ang matamis kong ngiti sa aking labi.
Kaso nga lang, malakas na sinara ni Sir ang pinto ng apartment at pumunta siya sa kanyang kwarto.

'Kung makapagreact ang lalaking 'to, akala mo naman nagseselos.', inis na bigkas ko.

Babalik na sana ako ng kusina pero bigla siyang lumabas.
Ngayon ko lang napagtanto na may kabilisan si Sir sa pag-galaw.

Lumapit naman ito sa aking harapan at tiningnan ako ng seryoso.

"Halika na Ms.Samonte.", pag-aaya nito.

"H-huh?", kunot-noong tugon ko.

"Sabi ko halika na at kakain tayo sa labas.", pag-uulit niya.

"Kakain tayo s-sa labas? T-teka, magdedate ba tayo?", tanong ko sa binata.

"Yah, lalabas tayo dahil baka sabihin mong tinitipid kita sa pagkain. Pero HINDI DATE ang tawag do'n.", paglilinaw nito at talagang pinitik niya pa ang noo ko.

Dahil sa sinabi ni Sir, hindi na lamang ako umimik pa.

Kaya lang nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking braso.

"Palitan mo muna ang damit mo Ms.Samonte.",

"Palitan? Pero okay naman 'to Sir.", saad ko naman rito.

"Kapag sinabi kong palitan mo 'yan. Palitan mo. 'Wag ka ng umangal pa.", matigas na sabi niya.

"Eh, bakit ba Sir? May mali ba sa suot ko?", ngusong tanong ko.

"H'wag ka ng madaming tanong Ms.Samonte. Ayoko lang na may tumingin sayong lalaki na ganyan ang suot mo. Gusto ko, AKO LANG.", wika nito na diretsang nakatingin sa mata ko.

Sumagi tuloy sa isip ko yung inakto niya kanina kay pogi.

"Ayieehh, kaya ba pinaalis mo si gwapo dahil sa suot ko? Tama ba Sir?", I asked him na may pilyang ngiti.

"Tsk.",

"Uyyy aminin,nagseselos ka.", sundot ko sa kanyang tagiliran.

"Tsk.",

"Sabi na nga ba, gusto mo ako.", saad kong muli.

"Hindi ko sinabing gusto kita. Kaya 'wag kang mag-assume Ms.Samonte.", agad na bigkas nito sa akin kaya napatigil ako sa pang-aasar.

"Okay, fine!",
"Pero pwede ba, 'wag mong ipakita o iparamdam sa akin na parang gusto mo ako, para hindi ako mag-ssume!", tanging sabi ko at umalis na sa harapan niya.

Sa pangalawang pagkakataon, nainis na naman ako!

Dear Diary,

Hindi ko alam kung ano bang nangyayari kay Sir. May oras kasi na pakiramdam ko, gusto niya ako. Sa bawat kilos niya at sa bawat pananalita niya, naguguluhan ako. Nagiging malabo tuloy ang lahat para sa akin. Pero dahil sa sinabi nito kanina, wala palang meaning ang lahat ng 'yon. And I'm so stupid dahil umasa ako sa mga pinakita niya.
~~~

Habang nagsusulat ako sa aking diary, bigla namang kumatok si Sir sa pinto.

Tsk. Bahala siya sa buhay niya! Manigas siya d'yan!

"Ms.Samonte! Buksan mo 'to!", sigaw niya sa labas ng aking kwarto.

"Wala akong naririnig. Lalalalalala.", pagkakanta ko para kunwari'y hindi ko narinig ang sinabi niya.

"Ms.Samonte!",

"Lalalalalalalala.",

"Pagnakabilang ako ng tatlo Ms.Samonte at hindi mo pa 'to binuksan, sisirain ko ang pinto na 'to!", pananakot niyang bigkas.

"Lalalalalalalala. As if naman gagawin mo.", bulong na sambit ko.

"Isa..",

"Abah nagbilang talaga.", mahinang wika ko.
"Lalalalalala...", pagpapatuloy ko sa kanta.

"Dalawa..",

"Lalalalala.",

"Dalawang may kalahati.",

"lalalalalalalalalalalalal--",

"Tatlo!", bulyaw nito at sinipa ng malakas ang pinto.

Napatigil naman ako sa pagkakanta nang makita ko kung paano nasira ni Sir ang pinto ng aking kwarto.

OMO!
Ginawa niya talaga!

Napalunok na lamang ako ng laway habang lumalapit si Sir sa aking gawi.
Wala ring ekspresyon ang mata niya kaya medyo natatakot ako.
Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto niyang iparating sa akin.
Feeling ko tuloy parang kakainin niya ako ng buhay.

"Bakit di mo ako pinagbuksan ng pinto Ms.Samonte?", malamig na tanong nito sa akin.

"Ah, -eh-ih-oh--uh--",

"Hindi ako nakikipagbiruan Ms.Samonte.", muling saad niya.

"Ehh-",

"Ilang minuto kitang hinintay sa labas dahil akala ko papalit ka ng damit.", wika ni Sir at nagsasalubong ang kanyang kilay.

"ano kasi-- ",

"Hindi mo ba alam na nakakapagod maghintay?",

"Kasi-",

"Tapos hindi mo pa ako pinagbuksan ng pinto. Sigaw ako ng sigaw kanina pa.",

"Ehh pano kasi--",

"At nagawa mo pang kumanta ng walang kwentang lalala na 'yan.",

"Ehh kasi Sir--",

"Kasi ano?", cold na tanong niya.

"Kasi nakakainis ka! Naiinis ako sayo!", biglang sigaw ko rito.

"Masyado ka kasing pa-fall! Pinaparamdam mo sa akin na parang gusto mo ako, pero hindi pala! Kaya natatakot tuloy ako na baka pagna-fall ako sa'yo, hindi mo ako saluhin.", wika ko sa kanya.

Ewan ko ba pero maging ako ay nagulat nang sambitin ko 'yon sa harapan ni Sir.

Tiningnan ko naman ang mukha niya at bakas dito ang pagkagulat.

Pero ilang minuto ang nakalipas bago siya nagsalita.

"H'wag kang matakot Ms.Samonte. Dahil kung ma-fall ka man sa akin, handa akong saluhin ka. Basta ba sa akin ka lang mahulog.",

'Yan ang katagang narinig ko mula sa labi niya dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon