Chapter 7

4.4K 140 4
                                    

Chapter 7

Ms.Samonte POV:

Masaya akong pumasok sa loob ng cafeteria at iniwan na si Muse.
Natatawa tuloy ako sa reaction niya.

Nang makahanap ako ng pwesto, kinuha ko ang aking diary at nagsimulang magsulat.

"Dear Diary,

Yuhoooo!!!
Parang gusto kong sumigaw nang makita ko ang pagkainis sa mukha ni Angelica.
Anong akala niya?
Porket maganda siya, pwede na siyang magsalita sa akin ng ganon?
But wait, HINDI PALA SIYA MAGANDA!
Dahil kung kagandahan ang pag-uusapan, MAPUTI lang siya noh! At pagdating naman sa ugali, ang sama niya! Kasing sama niya pa si satanas---,"

Hindi ko na naituloy ang aking sinusulat nang biglang sumulpot si Sir sa likuran ko.

"Ms. Samonte! Mag-usap tayo sa office ko ngayon!",
'Yan agad ang narinig ko sa kanya.
Nang lingunin ko ito, SHET! Sobrang seryoso niya.

Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan.

"Sumunod ka na sa akin Ms.Samonte.",  muling bigkas ni Sir at naglakad na siya palabas ng cafeteria.

Mabilis ko namang linagay ang diary ko sa bag at sumunod na nga kay Sir.

Tsk. Sa tingin ko may lahing KABAYO siya dahil sa bilis niyang maglakad.
Kaya binilisan ko rin ang paglalakad hanggang sa nasa likuran niya na ako.
Hindi ko inaasahan na bigla siyang huminto at awtomatikong nauntog ang aking mukha sa kanyang likod.

"Aray! Ang nose ko, mafa-flat yata.", ang tanging naisambit ko.

Naglakad na muli si Sir at sumunod ulit ako.

Ilang minuto ay natunton na namin ang office niya.

"Sir, b-bakit gusto mo akong makausap?", agad na tanong ko rito.

"Nakita ko yung ginawa mo kay Angelica, Ms.Samonte.",
diretsang saad niya.

"Ah--",

"Sa tingin mo ba tamang magsalita ng gano'n sa kapwa mo kaklase?",

"Sir, wala akong sinabing masama ha? Sinasabi ko lang naman kung ano ang totoo.", pagtatanggol ko naman sa aking sarili.

"Kahit na Ms.Samonte. Mali pa rin ang ginawa mo!", wika nito.

"Okay, fine! Ako na! Ako na ang mali Sir! Oh ano, masaya ka na ba? Palibhasa kasi yung mali ko lang ang nakikita mo! Pero yung mga sinabi ni Angelica sa akin parang wala kang pake!", sigaw ko sa kanya na animo'y hindi ko nakontrol ang galit.

Matapos kong sabihin ang hinanakit ko, umalis na agad ako sa harapan niya.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.
Basta ang alam ko, gusto kong makalayo. Yung tipong malayo sa pesteng guro ko!

Nakakainis kasi siya!
Masyado niyang inaabuso ang ugali ko.

Oo, wala akong karapatan na sigawan si Sir ng ganon, pero
sobra na kasi.
Simula palang kaninang umaga ang dimunyong Angelica na 'yun ang lagi niyang kinakampihan!
Diba nakakabwisit na rin?

At teka, hindi niya ba halata na nagseselos ako kanina kaya ko 'yon nagawa?
Oh well, wala pala siyang pake sa akin.

Pumunta ako sa malaking puno para doon muna tumambay.
Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin nang sa ganon, mabawasan ang init ng ulo ko.

Hindi na rin ako nakapag-snack pa dahil nawalan na ako ng ganang kumain.
At nawalan na rin ako ng ganang pumasok ngayon.

Yeah, mag-cucutting ako.

Isinanday ko ang aking likod sa may puno kasabay ng pagpikit ko ng mata.

Muling bumalik sa isipan ko ang nangyari kanina.
Potah! Sirang-sira na ang araw ko.

Hindi ko namalayan ang oras kaya medyo natagalan ako sa kakatambay sa pwestong ito.

And I just realized na uwian na pala. Dahil nakita ko ang ibang estudyante na nagsilabasan sa kani-kanilang classroom.
Tumayo na rin ako at akmang uuwi na, kaso bigla kong nasilayan si SIR at si MUSE na MAGKASAMA.

Alam kong nakita rin nila ako dahil nginitian ako ni Angelica na nakakainsulto. Samantalang si sir naman, nakatingin sa akin ng seryoso.

Inirapan ko na lamang sila at tumalikod na sabay lakad palabas ng gate.

'Bahala kayo d'yan! Magsama kayong dalawa!'

Inis akong sumakay ng tricycle.
Hindi naman ako ulyanin, kaya mabilis kong matandaan kung saang lugar ang apartment ni Sir.

Pero SHET!
Ang bobo ko talaga!
Wala pala akong duplicate key ng apartment niya! Hays.

At dahil sa katangahan ko,naupo muna ako sa labas at naghintay sa pag-uwi ni Sir.

Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Apat.
Lima.
Anim.
Pito.
Hanggang sa makaabot ng 24 minuto.

Ganyan katagal ang paghihintay ko bago siya maka-uwi ng apartment.

"Ms. Samonte, sabi sa akin ni Angelica nagcutting ka raw.",
bungad na sambit niya sa akin.

Hindi ako umimik at hindi ko siya pinansin.

"Bakit mo 'yon ginawa Ms.Samonte? Alam mo naman siguro ang patakaran diba? Kapag nakadalawang beses kang cutting ipapatawag ang magulang mo.",

Wala pa rin akong kibo sa sinabi niya.

"Kinakausap kita Ms.Samonte.", muling bigkas nito but still, I remain silent.

Dahil nga nakaupo ako, lumuhod siya sa aking harapan para tingnan ako sa mata.

"May problema ba Ms.Samonte?", diretsang saad niya kaya iniwas ko naman ang aking tingin.

"Hey! Kinakausap at tinatanong kita Ms.Samonte.", wika muli ni Sir kasabay ng paghawak niya sa aking mukha.

Tiningnan ko lang siya pero ang aking bibig ay nakatikom lang.

"Hays. Kung dahil ito sa pagkampi ko kay Angelica kanina, SORRY Ms.Samonte.", sincere na sambit nito sa akin.
Inalis ko ang kamay niya at tumayo na ako.

"Wala ng saysay ang sorry mo kasi nakatatak na 'yon sa isipan ko.",

After I said those words, tumalikod na ako sa kanya.

Syempre, kailangan muna nating magpakipot diba?

Pero sa totoo lang, nasaktan talaga ako.
At alam kong wala namang pake si Sir sa nararamdaman ko. Dahil para sa kanya, isang hamak na estudyante lamang ako.

____End of Chapter 7____

Follow me on wattpad:
Binibining_Timoji

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Where stories live. Discover now