Chapter 1

612 12 0
                                    

Chapter 1

I am not a very friendly person, di rin ako palasalita at mas lalong hindi ako gagawa ng first move nu! I am introvert, ngingitian kita kapag nauna kang ngumiti sa akin, batiin mo ako at maasahan mo ang pagbati ko pabalik.

Kaya naman hindi ko maiwasang mailang dito sa bagong paaralan ko. I was from a public school, actually mas sanay ako sa public school kasi mula kinder ay sa isang public school ako nag-aaral, and now I am Grade seven. Napagdesisyonan nila mama at papa na sa isang private school ako paaralin. Ateneo is not a bad school, actually it's a very good school kaso lang ang mahal.


I was agaisnt it, I mean even now, I am still against it. Kaso lang di ko sila kayang sawayin. Mama and Papa are trying their best for me, they are working so hard to give me the fine life they wanted me to experience. Hindi kami mayaman, siguro may kaya pero hindi mayaman.



Kontento ako sa buhay ko noon, not that I want to be humble pero kasi mas gusto ko kapag hindi mayayaman ang kasama ko, at kapag kalevel ko lang ang nasa paligid ko. Though my past classmates see me as a rich kid, mas okay na iyon kaysa naman dito na ang tingin sa akin ay dukha dahil mas nakakataas sila sa akin. Tsk.



"Ikaw si Heart?" Tanong sa akin ng isang babaeng kaklase ko.




Her skirt is shorter than mine, malaki ang hinaharap niya kaya halos pumutok na ang butones neto. Her lips are as red as rose, pero halatang di ito natural dahil medyo may lumampas pa sa linya ng labi niya. We are too young for make-ups.

Tumango ako pero halos di ko maalis ang tingin ko sa labi niya. Parang gusto kong tumayo at bigyan siya ng baby wipes para alisin ang kalat sa mga labi niya.



"I am Red, in short for Redisha." She cheerfully said.



I nodded again and tried to look at her eyes, natamaan ng sikat ng araw ang kaniyang mga mata kaya kitang kita ko ang kayumanggi netong kulay. Singkit ang kaniyang mga mata, maganda siya.


"Tomboy ka ba?" She keenly asked while having her brow arched.



Napaawang ang mga labi ko, bago ko pa man siya maitama ay pinagsigawan na niyang tibo ako. Napabuntong hininga nalang ako sa huli at tumingin nalang sa labas ng bintana.



"Tibo? Sayang naman..."


"May itsura pa naman tapos tomboy pala?"


"Sabi sa'yo eh, kapag maganda, maganda rin ang hanap."


People are so judgemental. Walang pili. Di ba nila matiis na wag manghusga? Like, shouldn't they know the whole story first before concluding things? I was born like this, tinuruan ako ni Mommy na wag madaling manghusga, iyong karamihan ba di naturuan? Bakit naman? Di ba dapat ganoon ang mga ina? Their parents might have reasons, hmm, siguro sobrang busy? O wala lang talagang time? Mabuti naman iba ang mga magulang ko, they always find time for me, kahit sobrang busy nila naiisingit nila ako.




May nabasa din ako, it says that I should learn to trust people rather than doubt them. Because many people can doubt but only a few can trust. Kung baga, doubting a person is a basic attitude of everyone. Iyon ang pagkakaintindi ko.




"Umabot sa building namin iyon, Heart! Bat di mo siya sinabihan na hindi ka tibo?"

Kung ako ay kalmado lang iba naman itong si Cedric. He looks so problematic and frustrated. Parang siya iyong naiisue dito at hindi ako. Cedric is my friend. My one and only. Magkapitbahay kami at magkaklase mula pa noong kinder, we're so close. Noon natutulog ako sa kanila at ganoon din siya sa amin. But when we graduated sa grade six, pinagbawalan na kami ng parents naming matulog na magkatabi. Walang malisya sa amin iyong mga ganoong gawain pero dahil ayaw ng parehong mga magulang namin ay wala kaming magagawa.





He never Cried (ASHLEY 8) ☑Where stories live. Discover now