Chapter 5

368 7 1
                                    

Chapter 5

"But he is obviously in love with Eureka." Komento ni Stacey matapos kong ipaalam sa kaniya ang nararamdaman ko.

Bumuntong hininga ako at nag-iwas na ng tingin. "Alam ko. Alam na alam."


"Alam mo naman pala, so why still him? Masasaktan ka lang."



"Ikaw nga eh, you still want Fheris to be yours. Kahit halata namang may iba na siyang mahal. We are still Grade seven, many things will happen. At baka mawala din itong nararamdaman ko... for now, sigurado akong g-gusto ko siya." Sabi ko pa habang nakatingin sa mga naglalaro sa basketball court.



She sigh and sat beside me.



It's been two days since I have comfirmed that I really like him, at ngayon ko lang sinabi kay Stacey. Cedric is still clueless about this. At baka mamaya, sasabihin ko na sa kaniya. O kundi bukas, byernes kasi ngayon kaya walang pasok bukas. At may balak akong yayain si Cedric na gumala.




Dumapo sa kay Laxus ang paningin ko, kanina pa siguro nakatingin sa akin ang lalaking ito, kaya ng mapunta sa kaniya ang paningin ko ay nakatingin na siya sa akin. He flashed a boyish smile, while dribbling the ball he's holding.



"Ayun! Kaya naman hindi nagpapaagaw ng bola eh!"


"Nagpapasikat si Valenzuela!"



Napabaling ako kay Stacey ng sikuhin niya ako. She gave me a confuse look, and she shamelessly pointed Laxus on the court. Wala akong ibang choice kundi ang hilain si Stacey palabas ng court. Akala ko kasi walang praktis ngayon eh, kaya doon ko napiling makipag-usap sa kay Stacey.



"What's with you and that basketball player?" She asked while I am still dragging her out from that place.



Saka ko lang siya binitawan ng tuluyan na kaming makalayo. Nilingon ko pa saglit ang likuran namin para masigurong walang kahit na sino mang nakasunod sa amin.



Nahahalata ko kasing sikat iyong Laxus na iyon, kaya baka kung anong gulo nanaman kung sakali. I don't want to be involve to any trouble again. Hindi natuwa ang parents ko nung nasali ako sa gulo last time, at ayaw kong bigyan sila ng sakit sa ulo, lalo na ngayong sobrang busy nila.




Hindi naman nila ako pinababayaan pero late na silang nakakauwi, at halos di na kami nagkakasabay sa hapag. I understand why they are like that, they are doing their best to gain, for me, for our future. Kaya kung sakaling masangkot ako sa kahit na anong gulo, ay tiyak na mas lalo silang ma-i-istress.


"Nagkausap kami, once. And... nasabi ko sa kaniya na may gusto ako kay Abraham."




"Wait. So mas nauna siyang nalaman ang feelings mo kaysa sa akin?" Nahihimigan ko ang tampo sa boses niya kaya kaagad kong hinawakan ang kamay niya.



Maybe we met in a very, ahm, unexpected way, in a very unique consequence. But she's my friend other than Cedric. I'm not good with handling a relationship, dahil nasanay akong nandyan si Cedric. Siya ang laging umiintindi sa akin, habang ako ay wala lang.



And I know Stacey is far different from Cedric. Stacey is not that kind, but she's my friend. Takot ako sa Kuya niya pero hindi sa kaniya. And I don't think I can find someone like her anymore.


"Hindi ganoon, okay? It just happened that he was there at the moment. Ni di ko nga alam kung bakit ako napaamin eh."



Ngumiwi siya. "From now on, you'll tell me everything, okay? At sasamahan kita kung gusto mong puntahan si Abraham, just like what you always do to me whenever I'll go to Fheris."



He never Cried (ASHLEY 8) ☑Where stories live. Discover now