Chapter 28

305 9 5
                                    

Chapter 28



It's been two days, hindi parin ako pinapansin ni Abraham. Madalas kaming magkasalubong sa daan, halos magkatabi lang din ang mga tables namin sa tuwing kumakain ako sa cafeteria, kapag ka-uwian naman ay nakabuntot lang siya sa akin hanggang sa dumating ang sundo ko. Though, I can't totally say that he is completely ignoring me.




We aren't talking, pero lagi siyang nakasunod sa akin. I guess he's really mad. Hindi ko nalang din siya kinakausap masyado dahil baka mas lalo lang siyang magalit. Hindi ko nalang pinipilit. Hihintayin ko nalang na siya ang mauunang kumausap sa akin.




"Heart, sino ba talaga ang boyfriend mo? Si Kuya Laxus o si Kuya Abraham?" Tanong ng kaklase kong medyo mataba.




Tumigil ako sa pagsusulat at itinuon sa kaniya ang aking atensyon. I smiled at her, even when I don't really liked her tone as well as her question.





"Wala akong boyfriend. Kaibigan ko si Laxus, since Grade eight ako."





She nodded, pero hindi siya mukhang naniniwala sa sagot ko. Madalas akong tinatanong ng mga kaklase ko, ang iba pa nga ay hindi ko talaga kilala, pare-pareho lang ang tanong nila kaya ganoon lang din ang sagot ko.





Nakaka-insulto, pero alam kong mas lalaki lang ang gulo kung papatulan ko sila, at kung di ko naman sila sasagutin ay mas lalo lang nila akong pag-iisipan ng masama. At kung hindi ako ang sasagot sa kanila, sino?






"Eh si Abraham?" Pagpapatuloy niya sa kaniyang pag-interview sa akin.







Ano nga ba si Abrabam? He's not my boyfriend, we're not friends as well. Ano ko siya? Ano kami?







"Siya ang boyfriend mo nu? Sus, wag mo nang ideny, lagi kayong magkasama at sa'yo lang dikit ng dikit si Kuya Abraham." She concluded.







Marahan akong umiling. "Hindi kami. Si Eureka ang gusto niya."






"Eureka? Sino naman yan?" Taas ang isang kilay niyang sabi.






I frown. "You don't know Eureka? Hindi ba siya dito nag-aaral?"






Ngumiwi siya at napabuntong hininga, nag-ayos narin siya ng tayo. Nakayuko kasi siya kanina sa akin habang nakapatong ang dalawang palad sa aking mesa.






"Wala namang Eureka sa School natu. Sige, ah? Lunch time na eh. Bye!"






Hindi na ako nakatugon sa kaniya dahil sa pagtataka. Paanong di niya kilala si Eureka? Hindi na ba dito nag-aaral si Eureka? Nasaan na siya?






I suddenly remembered what happened back at Davao, my encounter with her.... iyong pagpapakilala niya bilang si Jade at hindi Eureka, iyong hindi niya ako maalala...






Realization poured into me, I haven't seen Eureka around. Not even once. Posibleng wala siya dito, baka nasa ibang school siya... pero hindi rin malabong iyong naka-usap ko sa mall sa Davao ay siya. They look exactly the same. Anong nangyari?






I hope someone could give me answers already. Ang dami ko na kasing tanong na hanggang ngayon ay walang sagot, mas nadagdagan lang.






Kung hindi ko lang naramdaman ang gutom ay hindi pa ako magliligpit ng aking mga gamit at tumayo mula sa aking kinauupuan. I am still analyzing things while walking my way to our cafeteria when Resy approached me.







He never Cried (ASHLEY 8) ☑Where stories live. Discover now