Chapter 26

296 11 11
                                    

Chapter 26

Bago ko pa man maitulak si Laxus ay kusa na itong lumayo sa akin, my eyes are still on Abraham. Nag-iwas na ito ng tingin sa akin at lumabas na sa cafeteria pero nasa kaniya parin ang mga mata ko... nakakatanga pero, gusto ko siyang habulin.



Laxus held my shoulder and made me face him, I don't have a choice but to look at him. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Why do I have this urge to explain to Abraham? To run and chase him? Why do I feel guilty all of sudden.




"Heart..." tila nahihirapan niyang banggit.




I stared at him, panay ang huli ko sa malikot niyang mga mata. I want to ask him why he kissed me, but I know his answer... will only ruin our friendship. Ayaw ko ng ganoon. Kaya handa akong gawin ang lahat para wag mangyari ang ayaw ko. Hanggat may magagawa ako, gagawin ko.




"It's fine, Laxus. Alam kong nadala ka lang, hindi naman iyon big deal." Sabi ko nalang.




Saka pa siya tuluyang tumingin na sa akin, kaagad akong nag-iwas ng tingin ng makita ko ang sakit sa mga mata niya. Siya na mismo ang nag-alis sa kamay niyang nasa ibabaw ng balikat ko, umatras siya. He frustratingly combed his hair using his fingers, batid kong may gusto siyang sabihin pero di niya masabi-sabi.





The bell rang, nagkatinginan kami ulit. I forced a smile, hinigpitan ko ang pagkakahawak sa strap ng aking bag.





"M-mauna na ako, Laxus. Kita nalang tayo ulit mamaya, gusto ko rin sanang puntahan si Cedric. Pwede mo ba akong samahan?" I said, trying to lift the tension between us.




He sigh and nodded, still staring at me intently. "Sige, kung yan ang gusto mo."





Alam kong may iba pa iyong kahulugan. And I am not oblivious that I am hurting him, but I want him to understand. That he is risking our friendship, and I don't want that. Iilan lang silang kaibigan ko, kaya ayaw kong mawala sila.




Nauna akong umalis sa cafeteria. Gustong gusto ko siyang lingunin para masigurong okay lang ito, pero di ko magawa, naduduwag ako sa di ko malamang dahilan. Noon pa man napapansin ko na ang kakaibang kinikilos niya, hindi ako manhid para di maramdaman iyon.




At dahil alam kong maari kaming masira dahil dun ay hindi ko na ito masyadong binigyan ng pansin, hoping that my message will reach him. Na ayaw ko, na hindi kami pwede, na hindi pareho ang nararamdaman namin. Hindi ko matandaan, kung ano ba ang ginawa ko para magkaganoon siya. Kahit na sa simula palang ay alam niyang may mahal na akong iba.





Pero ganoon din naman ako diba? Pinipilit ko ang sarili ko sa taong may mahal naring iba. Laxus and I were the same, we chase, not minding the fact that the person we're into are already in love with someone else. The only difference is, Laxus and I are friends, he is risking the years, moments and experiences we had being friends.





Hindi ba niya naisip iyon? Hindi ba siya manghihinayang kung sakali? Dahil ako, iniisip ko palang nasasaktan na ako. Ayaw kong umabot sa punto kung saan hindi na kami magpapansinan sa tuwing nagkakasalubong kami sa isang daan, kung saan iniiwasan na namin ang isat-isa, kung saan hindi ko na siya pwedeng lapitan at kausapin gaya ng nakasanayan kong gawin dahil sa nararamdaman niya.





"Totoo ngang nandito na siya ulit."



"Hala, diba friends siya nila Gail at Resy before?"




"Basta si Resy parin ang gusto ko para kay Laxus."




"Diba, rebound lang naman si Resy?"





He never Cried (ASHLEY 8) ☑Where stories live. Discover now