Chapter 14

289 13 2
                                    

Chapter 14


I want to quit, but...



"Heart, excuse ka ngayon ha? Para makapag-praktis ka sa kakantahin mo ngayong byernes." Nakangiting sambit ng aming guro, si Ma'am Fely.




Lumunok ako at wala sa sariling napatingin sa paligid, napadpad kila Gail, Resy at Kayla. They mouthed me goodluck, their expressions are telling me that they can't wait to see me perform.




"Sa covered court ka pwedeng tumambay, doon din namin pinapunta ang iba pang kasali sa contest. Pero pwede karin namang maghanap ng tatambayan, kung saan mo gusto." Dagdag pa niya.




Napakuyom ako ng kamao saka alanganing tumayo, nginitian ko si Ma'am at sinabit na sa aking balikat ang sling ng bag ko. Tiningnan ko ulit ang tatlo, nanlumo ako ng makita kong sobrang lawak ng mga ngiti nila. Sa huli ay napayuko nalang ako at lumabas na.



Ng makarating ako sa covered court ay kaagad kong hinanap ang mga iba pang kalahok, lumapit ako sa kung saan sila umupo at tahimik na naghanap ng pwesto.




Pinanood ko ang nga kasama ko, they seems to be having fun while talking to each other. I am glad to be part of them, but given with the fact that they didn't notice me, feels... sad.



"Kat, pwede mo ba akong turuan paano bumirit? Kinakapos kasi ako ng hininga kapag ka nag-a-attempt akong bumirit eh." Sabi pa nung isa na maikli ang buhok at payat.



Ngumiti ang babaeng nakaheadband na pink, na sa tingin koy si Kat. Madalas kong marinig ang pangalan niya na pinag-uusapan ng mga estudyante sa tuwing dumadaan ako sa hallway, kadalasan ay pinupuri siya dahil sa maganda niyang boses at mukha, she's quite popular.


"Sure!"



Napapikit ako ng magsimulang kumanta iyong Kat, her voice is cold and angelic. I bet she'll win. I know she will.




Biglang pumasok sa isip ko si Abraham at iyong mga sinabi niya nung huli kaming nagkita. I honestly don't understand him clearly. But one thing for sure, he don't want me to perform, he don't want me to be exposed. I wonder why? I remember him saying that he don't want any other people to hear my voice, but why exactly?




Bumuntong hininga ako at nagsimula nang mag-scroll ng aking cellphone, naghahanap pa kasi ako ng kakantahin. Marami akong alam na kanta, pero ewan ko ba kung bakit ngayon ay parang wala na. Sa tuwing may napipili ako ay pakiramdam ko ay hindi enough, hindi makakapag-satisfy ng audience at judges.




Aaminin ko, may parte sa akin ang gustong manalo, hindi para sa sarili ko kundi para sa mga taong naniniwalang kaya ko.



"For sure mananalo ka, Kat! Ang ganda mo at ng boses mo!" Puri ng isa pa naming kasama na siyang kulot ang buhok at medyo tabain.




"Naku, ano ka ba! Maganda din naman ang boses niyo." Nahihiyang sambit pa ni Kat.





At dahil wala namang nakikipag-usap sa akin ay umalis ako sa covered court ng hindi nagpapaalam. Iniwan ko nalang ang bag ko doon, hindi naman siguro iyon nanakawin? Puro libro at notebook lang naman ang nandoon. Nasa bulsa ko naman ang pitaka ko.




Naglakad-lakad lang ako sa hallway na walang tao, class hour kasi. Gusto ko sanang bumalik nalang sa klase dahil mas okay na iyon, ayaw kong mahuli o maka-miss man lang ng kahit anong quiz, kahit na five points lang. Kaso alam kong dapat ko ring pagtuunan muna ng pansin ang pagkanta ko. Lalo pat, excited na excited ang mga kaklase ko para sa akin.




He never Cried (ASHLEY 8) ☑Where stories live. Discover now