Chapter 15

302 9 4
                                    

Chapter 15

Nakatanga lang ako habang nasa labas ng bintana ang tingin. Kanina pa ako kinakausap ng driver namin pero wala akong naging sagot dahil wala din naman akong naiintindihan. My mind is preoccupied by what happened earlier at the clinic.

Kalat na kalat na buong school ang ginawa ni Abraham, iyong pagtatanggol niya sa akin at pagbuhat papuntang clinic. Marami ngang nagtatanong sa akin sa kung ano daw ang relasyon ko kay Abraham, pero yumuyuko lang ako at iniiwasan sila. I don't know what to say.


Hindi ko nakita sila Cedric at Laxus buong maghapon, I tried to call and text them but I got no response from them. For sure ay alam na nila ang nangyari. Hinatid ako ni Abraham kanina sa classroom ko, na siyang mas nagbigay nang atraksyon at hinala sa lahat, kaya alam kong nakarating na ito sa kanila. Kaya nga ngayong pauwi na ako sa bahay ay ganito nalang ako ka-lutang.


"Nasa bahay niyo na ang Mommy at Daddy mo, mukhang may importante silang sasabihin sa'yo."  Sabi pa ng aming driver.

Napakurap-kurap ako at alanganing tumango sa kaniya. Parang di parin kayang gumana ng utak ko dahil sa nangyari kanina. Pero alam kong dapat mag-move on na ako sa nangyari at baka mabaliw pa ako.


Bigla kong naalala ang papel na binigay ni Eureka, kinapa ko ang bulsa ng suot kong palda. Napabuga ako ng hangin ng mapagtantong ibang palda na pala ang suot ko. Ano kaya iyong binigay ni Eureka? Para saan iyon? Kanina galing?


Nagsisi tuloy akong di ko binasa ito kaagad. Pero siguro naman ay di ipinatapon ni Abraham iyong uniform ko diba?

I composed myself before I finally got out from our car, narinig ko ang boses nila Mommy at Daddy galing sa loob. Ewan ko pero, di na ako sanay na maaga silang umuuwi ngayon.

"Mommy, Daddy." Tawag ko sa kanila.

Napahinto sila sa pag-uusap at nakangising nilingon ako. Pinigilan ko ang sarili kong pangkunutan ng noo, there's something on their smiles that makes me uncomfortable.

Nilapitan ako ni Mommy at niyakap, kahit na naguguluhan ay niyakap ko siya pabalik. Naramdaman ko ang paghalik neto sa aking buhok. Tinapunan ko ng nagtatanong na tingin si Daddy, ngunit ngumiti lang ito sa akin.


"Balita ko ay dinala ka ni Abraham sa kanila para maglunch?" Magiliw na sabi pa ni Mommy.

Tumango ako, bahagya pa akong nagulat ng bigla siyang pumalakpak, dinaluhan naman siya ni Daddy at hinapit sa beywang. May binulong ito kay Mommy na siyang mas ikinalawak ng ngiti neto.


Lumapit ako kay Daddy at nagmano, ganoon kay Mommy. Hindi na talaga ako sanay. Mabilis lumipas ang panahon, at ilang buwan na silang hindi nakauwi ng ganito kaaga, kaya naman naninibago ako.

"Anak, what do you think about Abraham?" Biglang tanong ni Daddy sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Napatingin ako kay Mommy na nag-aabang nadin sa sagot ko. Pinagpatuloy ko ang pagnguya sa pagkain ko at inabot ang aking juice para inumin ito.

"He's... good." I reply and drank the whole glass of my juice.

"Really? Hindi mo ba siya gusto, nak?"

Binaba ko na ang walang laman na baso at binalingan na si Daddy. Ang weird nila.


"G-gusto ko po siya. Actually, I... I've been liking him for some quite time now."

I want to tell them that I just don't simply like the man, I want to confess how I really feel towards Abraham. That I love him. But there's something inside me that stopped my own mouth from getting any further. Pakiramdam ko, hindi dapat.

He never Cried (ASHLEY 8) ☑Where stories live. Discover now