Chapter 10

333 12 2
                                    

Chapter 10

My name is Heart not Eureka. I wanted to say that but... I smiled and walk out at the end. I feel idiotic and hurt, as always.



Di ko alam na ganito pala kasakit iyong ikaw ang nasa harap pero ibang hinahanap. Para akong sinasaksak sa puso, parang binabaril ng paulit-ulit, parang may humawak sa puso ko tapos piniga ito. Ang sakit. Sobra.

I hurriedly wipe my tears the moment our car stopped in front of the school's gate. Nagpaalam muna ako sa driver saka ako tuluyang lumabas sa kotse, I heave a deep breath and fix the sling of my bag before I started to take steps.

I am not yet ready to face him. But I know that I should. Sa akin lang naman big deal iyon eh, ako lang naman ang nasaktan, it's not like he'll feel bad about it. Hindi niya ako gusto at... okay lang, at least he gave me a chance.

I haven't slept that much last night, dahil sa sobrang pag-isiip at lungkot. Mabuti nalang at hindi halatang puyat ako, well, with the help of concealer. I am no fan of makeups before, but when I saw Eureka, I kinda feel conscious. Pakiramdam ko kailangan magpaganda ako para kahit mapantayan ko man lang siya, kahit kunti. Abraham surely have a great taste, that's why I need to try harder... to even deserve his attention.


Diretso lang ang tingin ko sa aking dinaraanan, habang ang utak ko ay ang dami ng iniisip. Sobrang dami kong tanong sa sarili ko, sobrang dami ding conclusions-- na siyang pareho ng iniisip at konklusyon ko sa gabi, at madalas... masakit.



Kung gaano karami ang nasa utak ko habang naglalakad ay ganoon nalang nablanko ito ng maaninag ko ang bulto ni Abraham sa gilid ng hamba ng pinto ng aming classroom. He is leaning on the wall, his hands are inside his pockets, his one foot is touching the wall he's leaning at.

"Abraham?" I softly called his name.

The way my tongue rolls as I say his name feels so familiar, na para bang sanay na sanay na ang dila kong banggitin ito. I never heard him call me by my name, maybe he don't know-

"Heart."

Napatigil ako sa paglalakad, at ganoon na din siguro ang paghinga ko. Saglit ay para akong nabingi. Iyong sakit na naramdaman ko kanina ay nawala dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Iyon lang, mahal na mahal ko ulit siya.

A smile crept in my lips when I realized that he knew my name, but why did he call me Eureka then? Imbes na alisin ang ngiti ko ay mas pinalawak ko pa ito.


"Hi! Goodmorning, bakit ka nandito?" I said, casually and cheerfully.

Humakbang narin ako palapit sa kaniya, I stopped when I was a meter or two away from him. He is still leaning on the wall, his posture is still the same, at dahil sa bahagya siyang nakayuko ay magkalebel na ng kunti ang aming mga mukha.

His facial expression is calm and serious like always, but unlike before, I can stare at him with him staring at me back.

"I'm here for you."

Parang may paru-parung nagwawala sa aking bituka, at halos mabasag na ata ang ribcage ko dahil sa lakas ng pintig ng puso ko.

"For me? Bakit? May kailangan ka sa akin?" Tanong ko, trying not to sound so excited and energetic.

Pero alam kong medyo halata ang tunay kong nararamdaman ngayon sa ngiti ko. I am smiling like a fool, a lovesick fool. But it's fine... mas gusto ko ngang halata ako eh, imbes na magpanggap ako o ano, para wala akong pagsisisihan sa huli.

"About yesterday..."

My smile freezes as well as my body. Biglang bumalik iyong sakit--

"I'm sorry, will you forgive me?" He gently asked.

He never Cried (ASHLEY 8) ☑Where stories live. Discover now