Chapter 01

160 4 0
                                    

-Akinaziah's P.O.V-

Nagising ako sa pag gising sa akin ni Tita Cassa "Naziah umaga na, baka malate ka sa First day of school." Gising nya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya syaka niyakap yung bewang nya. Nakasanayan ko ng yakapin sya sa tuwing gigising ako. Malambing ako kay Tita dahil napaka sweet nya sa akin. Siguro dahil wala syang anak na babae kaya ganito ang trato nya sa akin nung dumating ako dito.

"Opo tita." tinapik nya yung balikat ko.

"Hihintayin kita sa baba, nakahanda na ron ang almusal nyo." Sabi nya bago tuluyang bumaba.

Tumayo na ako syaka nag ina't inat. By the way i'm Akinaziah Mae M. Oinoma, 17 years old, Half Japanese and Half Korean. Marunong akong mag tagalog dahil nung bata ako ay nag poponta kami dito sa Pilipinas. Bumalik lang ulit kami sa Japan dahil doon naman talaga kami nakatira at nandon ang bahay namin.

2 months na akong nakatira sa pilipinas, sa tita ko ngayon ako nanunuluyan. Mabait naman sila maliban nalang sa 'bunso kung pinsan' hindi ko alam kung bakit galit sya sa akin hindi ko na rin naman na inalam pa.

Sa tuwing mag kakatinginan kase kami lagi syang iirap, ganyan na talaga ang ugali nya noon pa ngunit nakakainis minsan. Pati ba naman mga pamilya nya sinusungitan nya.

Pagbaba ko nasa hapagkainan na si Kuya Martin kasama si Jhermi at Tita.

"Good morning every one!" Masayang bati ko sa kanila.

Tumingin lang sa akin si Kuya Martin syaka nagbasa ulit ng dyaryo. Mahilig mag basa si Kuya Martin ng dyaryo kapag umaga, nag mumukha tuloy syang matanda kahit wala pa naman syang girlfriend o asawa.

Samantalang umirap naman si Jhermi at binilisan ang pagkain. As usual.

"Section 5 ka, last section." Umubo si Kuya bago nagpatuloy. "Mga barumbado ang mga lalaki roon kaya iwasan mong masangkot sa gulo nila."

Okay lang naman sa akin. Makikipag close na lang ako sa mga babae roon.

"Eh barumbado rin naman yan Kuya." Mahinang sabi ni Jhermi.

"Jhermi." Suway sa kanya ni Mommy.

"Pangako hindi na ako masasangkot sa ano mang gulo." Nakangiting saad ko.

"Wag lang basta mangako Naziah. Gawin mo kahit para lang sa amin." Mahinang sabi nya at tumingin sa akin.

Kumunot yung noo ni Jhermi syaka padabog na tumayo. "I lost my appetite, hindi ko kayang makasabay ang babaeng yan." Inis na sabi nya.

Napayuko ako syaka ngumuso. Sinundan ni Kuya si Jhermi sa taas sigurado akong tatadtarin ng sermon iyon. HAHAHA.

"Pagpasensyahan mo na iyong si Jhermi hindi kase sanay yan na may babae sa bahay." Sabi ni Tita.

"Okay lang po iyon Ta." Sagot ko.

Nasanay na din naman ako sa dalawang buwan ko dito, hindi na bago. Minsan nga nakikipag away pa sya sa akin kapag parehas namin gusto ang pagkain na nasa refrigerator, e.

Pagtapos kung kumain nagmadali na akong maligo, inayos ko yung necktie ko saka ngumisi sa salamin. Pero napangiwi rin ako nung mapansin ko kung papaano ako maglakad at gumalaw.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon