Chapter 07

57 1 0
                                    

Pilit inaawat nung Kayla si Memard ngunit hindi magpa awat yung isa. Bagsak na si Lorenzo pero ayaw nya paring tigilan. Kitang kita sa bawat pagsuntok nya ang galit na nararamdaman nya.

Tumayo na ako saka naglakad papalapit, buong pwersa kong tinulak palayo si Memard kay Lorenzo saka buong lakas syang sinuntok.

Baka mapatay nya si Lorenzo kapag hindi nya tinigilan. Sa akin may kasalanan ang Lorenzo na iyan. Kaya dapat ako ang papatay, hindi sya. Aagawan nya pa ako.

"N-naziah? bakit mo sinuntok si Memard?" Nakatulalang tanong ni Nikko. Tinignan ko si Memard gamit ang blangko kung ekspresyon, yung tunay kong pagkatao. Yung tunay na ako.

Nakayuko si Memard at nakahawak sa panga nya na tila ba iniinda ang sakit ng pagkakasuntok ko. Mahina pa nga iyon para sa akin, e. Sapat lang na na pakalmahin sya. Kita ko na kumuyom rin ang kamao nya.

"So totoo pa lang nag balik na ang bago kung kaaway?" Nakangising tanong ni Mae.

Pero hindi ko sya pinansin nanatili ang tingin ko kay Memard, namumula ang mukha nya ngayon, ramdam na ramdam ko yung galit nya pero hindi nya ako magawang saktan.

Bigla akong hinawakan sa balikat ni Lorenzo kaya napatingin ako sa kanya ngunit bago ko pa sya makita mabilis nya akong sinapak. Napangisi ako pero pilit ko itong itinago, nag kunyari akong nasaktan sa pagkakasapak nya kahit wala naman talaga akong naramdaman.

Pagtingin ko kay Lorenzo dinudumog na sya ng Section 5 maski sila Christ at Rhys ay nakisali. Napatingin ako kay Mae at ngumisi sa kanya. Isang ngisi na magbibigay ng nakakakilabot sa kanya.

Lumapit ako kay Memard at pinatabi yung ex nyang Kayla ang pangalan.

Tsk. Napalakas ba ang suntok ko? bakit ganyan sya kung umasta? akala mo hindi lalaki.

Hinawakan ko yung mukha nya. "I'm sorry." Pag hingi ko ng tawad. Hindi ko talaga ugaling humingi ng tawad sa isang tao pero para sa kanya ay bababaan ko ang pride ko.

Pero tinabig nya lang ang kamay ko saka hinatak ang ex nya at lumabas sila ng cafeteria.

Napailing iling nalang ako. Napakatanga sa pag ibig.




-Memard's POV-

When I saw how Lorenzo punched and kicked Kayla my vision immediately darkened. Dali dali akong pomonta roon at pinaulanan ng suntok si Lorenzo.

Nang mapansin kung hindi na nanlaban si Lorenzo ay mas lalo ko pa syang sinuntok ng sinuntok. Napatigil lang ako ng biglang may tumulak sa akin ng malakas at buong pwersa akong sinuntok.

Hinawakan ko yung ulo ko at iniling iling yung ulo ko. Bigla akong nahilo sa suntok na iyon, isang beses lang pero ganun na yung epekto.

"N-naziah? bakit mo sinuntok si Memard?" Napakuyom yung kamao ko ng marinig ko yung pangalan ng sumuntok sa akin. Ang lakas lakas ng suntok nya kahit isang beses lang nyang ginawa iyon babae ba talaga sya?

Gusto ko man syang gantihan pero hindi ko magawa dahil babae pa rin sya. Tinuruan ako ng magulang ko na huwag patulan ang babae. Because Mom said women is maid to be a queen and not to be an enemy.

"Im sorry." Hinawakan nya yung mukha ko pero tinabig ko yun dahil napisil nya yung pasa ko. Tumayo ako at hinatak si Kayla palabas ng cafeteria.

Dinala ko sya sa likod ng school at humarap sa kanya. Napansin ko yung gulo gulo nyang buhok, may pasa rin sya sa gilid ng labi nya at namumula ang pisngi dahil sa pagkakasampal ni Mae.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon