Chapter 42

31 1 0
                                    

NAZIAH POINT OF VIEW

Nang makaalis ang mga tao sa bahay ay mabilis akong lumabas sa kwarto ko. Naabutan ko pa si Mom and Tita Cassandra, kahit naman na tunay ko syang ina hindi na ata mawawala na Tita ang turing ko sa kanya.

Ang hirap banggitin na mama or mommy ga'yong nakasanayan kong mag panggap na Tita ko sya dahil sa kalagayan ni Ate.

Mabilis na lumapit si Mommy sa akin ng makita ako agad nya akong niyakap ng mahigpit. Habang si Tita at Dad naman ay pinagmamasdan lang kami. Ang tingin ni Tita ang tumatak sa akin.

Kailan ko kaya sya matatawag na Mama? Yung walang halong pagkailang.

"G-gusto ko lang po sanang mag pahangin. Excuse me." Yumuko ako at lumabas na.

Tinawag pa nga nila ako ngunit hindi na ako lumingon pa.

Pero ang totoo talaga susundan ko sila Kuya. I want to help Ate. Mabilis akong sumakay sa kotse at kinuha ang cellphone ko, may pinindot ako at mabilis kong natrack ang phone ni Kuya Akirill.

Lumipas ang ilang oras na byahe ay nakarating ako sa lumang mansyon. Nakita ko sa gilid ang kotse ni Kuya at sigurado akong pinag uusapan nila kung anong gagawin ngayon.

Naisipan ko na mauna ng pumasok sa loob, masyadong mabagal ang kilos nila at baka mahirapan pa kaming maligtas si Ate. Inakyat ko ang nag lalakihang pader sa gilid ng mansyon. Ngayon ko lang napatunayan na pwede pala akong maging akyat bahay.

Flexible ang mga paa ko, kahit gaano mataas siguro pwede kong akyatin.

Pagbaba ko ay mabilis akong nagtago sa malaking puno dahil andaming mga bantay sa labas at loob ng mansyon. Ang lalaki pa naman ng mga katawan, wala pa din akong laban. Patalinuhan lang ang kaya ko.

Pumasok ako sa loob ng maingat at walang nakakahalata, kailangan kong mahanap si Ate. Hinawakan ko ang baril na nasa tagiliran ko, nakita ko lang 'to sa loob ng bahay kaya kinuha ko na.

Dahan dahan akong huminto sa isang silid at ang pinto non ay parang selda. Nanlaki ang mata ko at napatakip ako sa bibig ng makita ko na nasa loob non ay si Mikaza at puro bugbog ang katawan.

Nakahiga sya sa sahig at nakaluhod nasa harap nya si Ate at mukhang pinapakain sya.

"Pasensya na at ngayon lang ako nakapunta, kinakailangan ko pa kaseng mag ingat dahil kinukuha ko pa ang tiwala ni Marky." Rinig kong sabi ni Ate.

"How's Section 5? Ang mga girlfriend nila? Pasensya na at ikaw ang gumawa 'non. Hindi ko talaga kayang gawin iyon sa kanila." Yumuko si Ate matapos sabihin iyon.

"M-maayos naman sila, y-yung dalawang babae nasa ligtas na lugar na ako lang ang nakakaalam." Nahihirapang sagot ni Mikaza.

"Good. Just wait okay? I have my plan. It will work." Si Ate.

Tumango naman si Mikaza. "I trust you." Sagot nya dito.

"Love what are you doing there?" Naistatwa ako ng marinig kong may nag salita sa likod ko.

Dahan dahan akong humarap at nakita ko sya. Nakita ko ang ex ni ate na may malaking atraso sa kanya. Humigpit ang kapit ko sa laylayan ng aking damit.

Bakit pakiramdam ko gusto ko syang patayin? Nanginginig ang kamay ko na barilin sya.

Umayos ako ng tayo. "Gusto ko lang makitang maayos ang tulog ni Mikaza." Sagot ko at ngumiti.

Pinilit ko din na maging malakas ang boses ko at hindi makikitaan ng takot, ganun kase ang boses ni ate.

Lalapit na sana sya sa akin ngunit ako na ang lumapit dahil baka makita nya si Ate. Inakbayan nya ako at naglakad kami paalis. Naramdaman ko pa ang paghalik nya sa aking ulo habang nag lalakad kami.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon