Chapter 05

80 2 2
                                    

Bumalik ako sa reyalidad ng makarating ako sa hospital agad na sinalubong kami ng mga nurse at inasikaso si Naziah. Tinawagan ko naman si Tita Cassa gamit ang phone ni Naziah.

Tita Cassa: Hello Naziah? Nasaan kana?

Me: Nasa ospital ngayon si Naziah call her parents.

Yon lang ang sinabi ko saka pinatay na yung tawag. Hindi nya ako pwedeng makilala. Pabalik-balik ako ng lakad dito sa pasilyo ni hindi kona magawang umupo dahil sa matinding kaba na nararamdaman. Hindi rin katagalan nakita ko na sina Tita Cassa kasama sina Akirill, Ligaya, at Dad.

Sinuot ko na ulit yung sumbrero ko pati yung shade saka nagtago. Nakita ko sila sa tapat ng operating room. Nandito ako sa likod ng pader habang pinagmamasdan silang lahat.

Hindi ko maiwasan titigan si Ligaya. Sobra sobra ang pag aalala nya. Kung ako kaya ang nandyan sa sitwasyon ni Naziah? mag aalala kaya sya?

Tuwing tinititigan ko sya galit na ang nararamdaman ko dahil naaalala ko kung papaano nya ako palakihin.




-FlashBack-

I'm an grade one student at ako ang nakakuha ng pinakamataas na grado pero kahit kailan ay hindi nya ako nagawang puriin.

"Mom! Look i have 100 in my grade!" Masayang saad ko sa kanya at itinaas ang card ko. Tinignan nya lang ako nun at buong ngiting tinanong si Naziah.

"How are you Naziah my daughter?" Tanong nya. Yumuko naman si Naziah. "I only got 93 Mom."

Tinapik naman ni Mom ang balikat nya at hinalikan sya sa noo. "It's okay. You can do better next time gaya ni Ziahna."

Hindi ko alam. Kambal kami pero yung pagtrato sa akin parang hindi ako anak.

Naglalakad ako nun ng biglang nasanggi ko yung vase na pinaka iniingatan ni Mommy. Binili nya ito sa france kaya alam kong sobrang mahal nito.

"Ziahna what did you do?" Kinakabahang tanong ni Akirill.

Yumuko ako. "I-im sorry. I-i didn't meant it." Saad ko. Rinig ko ang mga yapak ni Mom paponta rito. "What the hell?! sinong bumasag nito?!"

"I-im sorry Mom." Mahinang sabi ko.

Bago nya pa ako mahigit pumagitna na si Kuya. "Mom I did it. Hindi si Ziahna. Stop hurting her." Napatingin ako sa kanya.

Pero hindi nagpatinag si Mom at pinalo ako. "Napaka tanga mo talagang bata ka!" Sigaw nya.

Dalawang araw makalipas nun ay nakabasag rin si Naziah pero imbis na pagsabihan nya ito ay tinanong nya pa ito kung mayroon bang sugat ang Kapatid ko. Kita ko pa ang pag-aalala sa mukha nya.

Bagay na hindi nya ginawa sa akin.

Ramdam ko ang tingin nila Akirill sa akin pero yumuko ako para maitago ang sakit na nararamdaman ko. Ayokong kaawaan nila ako.

Nung tumungtong ako ng high school doon na nag iba ang lahat. Doon na ako namulat na magkaiba talaga ang pakikitungo sa akin ni Ligaya. Na baka nga hindi talaga ako mahal ni Ligaya, na unfair talaga ang pagpapalaki nya sa amin.

Ang tingin saakin ni Ligaya ay kakompetensya ni Naziah.

High school ko narin natutunang magrebelde. Kung ano anong pinag gagawa ko sa school. Nandon yung sinapak ko yung teacher dahil sa pagiging maldita nya sa akin. Madalas nya rin akong ipahiya noon sa klase. Hindi ko na makayanan kaya sinapak ko sya non, kakaiba din ang mga kaklase ko sa Japan dahil imbis na mabigla nag tawanan pa sila.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon