Chapter 04

71 3 0
                                    

Pagdating ko sa roon nagkalat silang lahat, may mga baseball bat at mga kahoy pa akong nakita na hawak nila. Nag uusap din sila kung ano at mga plano nila na hindi ko maintindihan.

"Dating gawi si Memard ang lalaban kay Lorenzo, and the rest bahala na kung saang section." Rinig kong sabi ni Rhys.

Tumingin ako sa kanila. "Saan kayo poponta? sama ako!" Nagulat sila ng makita ako. Umiling naman sina Nikko at Christ. "Bawal. Bawal babae doon."

"Bakit naman bawal babae? Pwede yan!" Pamimilit ko pa.

"Hindi nga pwede. Mapapahamak ka." Sabi pa nila.

"Kaya ko self defense 'no."

"Tss. Huwag na makulit."

Hindi narin ako kumibo at umupo nalang. Susunod ako sa kanila kaya hindi ko pwede ipahalata na may plano ako ngunit nakahalata ata si Memard dahil ang sama ng tingin nya sa akin.

"Subukan mong sumunod malilintikan ka talaga sa akin." Pananakot nya pero ngumiti lang ako sa kanya.

"Naziah makinig ka nalang." Sabi ni Vincent. Tumango naman ako.

Pero wala talaga akong planong makinig sa kanila. Buo na ang desisyon ko gusto ko talagang malaman kung anong meron sa parking lot na iyan.

Nagsimula na ang klase kaya nakinig na rin ako.

Discuss.

Discuss.

Discuss.

Lunchtime.

Sabay-sabay kaming naglakad papontang cafeteria. Si Memard at Vincent ang kumuha ng order namin at kani naman ay naghanap ng upuan.

Nakakahiya ang pinag gagawa ng mga kaklase ko, pinaaalis nila yung mga babaeng nakaupo. Kaya yung mga nakaupo tuloy na kumakain na walang nagawa kung hindi tumayo. Wala ba silang respeto?

Mga barumbado pala itong kasama ko.

Si Arjay kinuha yung burger nung nerd na babae at pinaglaruan ang buhok nito.

Si Nikko na kinuha yung pitaka ng babae at mukhang nag hahanap ng pera na makukuha.

"Naziah dito tayo!" Kumaway sya sa akin at tinuro ang upuan na bakante na ngayon dahil sa pagpapaalis nya sa mga nakaupo.

Nahagip ng paningin ko si Ryuiichi na pinanonood yung ginagawa ng mga kaklase namin. Dito nalang ako umupo dahil tahimik lang naman syang tao at tanging sya lang ang walang ginawa.

Nang mapatingin sya sa akin umirap sya saka lumipat ng upuan.

Ano namang problema ng isang to?



-Memard's P.O.V-

"Ano kayang problema ni Ryuiichi kay Naziah ano?" Takang tanong ni Vincent. "May past kaya sila?"

I looked at him. "Why are you jealous?" Biro ko pero umiwas lang sya ng tingin.

So? hes really jealous.

Tinulungan kami ni Jeff at Zedrick sa pag kuha ng order namin. Napansin kong puro gulay ang inorder ni Naziah, yung drinks nya ay pineapple juice habang kaming lahat ay softdrinks.

"Naziah vegetarian ka?" Tanong ni Vincent. Napansin nya rin siguro.

"H-ha? hindi. Yung pamilya kase namin parang nakasanayan na namin na kumain ng gulay. Kaya nasanay narin ako." Kwento nya.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon