Chapter 29

33 1 0
                                    

Nasa tapat ako ngayon ng bahay ni Memard. Patay na ang mga ilaw at siguradong tulog na sya. 5 am na at ngayon lang ako nakauwi inereportko ang nawawalang sanggol ngunit wala naman daw bagong panganak sa village na ito.

Nag antay pa ako ng limang oras at sinabi nilang tatawagan nalang nila ako kapag may balita na sa magulang ng bata. Iuwi ko nalang daw muna dahil mahirap ilagay sa dswd dahil sobraag bata pa nito.

Pinindot ko ang doorbell ng sunod sunod. Hindi rin katagalan bumukas at bumungad ang dalawang manang.

Mag bubukas na nga lang ng gate kailangan pang dalawa. Tss.

"Akala ko naman kung sino, ikaw pala ma'am. Pasok ka." Sabi nito at pinapasok ako.

"Kaninong sanggol ang hawak mo iha?" Tanong nung isang matanda.

"Kay Memard." Sagot ko kaya nagtaka sila. "Asan sya?" Tanong ko.

"Tawagin ko lang po." Nag madali sa pag akyat ang isa sa mayordoma ni Memard.

Bumaba si Memard at napataas ang kilay nya ng makita ang sanggol. Dali dali nya itong kinuha ng dahan dahan habang walang sinasabi sa isat isa.

"A baby." Nakangiting saad nya.

Pinag masdan ko ang ngiti nya. Bakit naiimagine ko bigla ang mag karoon ng pamilya sa kanya?

Ipinilig ko ang ulo ko. "You can adopt him kung sakaling walang mag claim sa kanya bilang magulang." Sabi ko at nakapandikwatro na kaupo sa sofa nila.

"Let's adopt him, Ziahna." Sabi nya na nag patigil sa akin.

"I'm just 17." Sagot ko.

Bumaling sya sa akin. "Kaya mong pekein ang mga information mo." Sabi nya na parang napakadali lang nun.

Umiling ako. "No. Mag 18 narin naman ako this month. Ikaw ang tatayong guardian nya at ako naman ang magiging nanay nanayan nya." Saad ko at ngumisi sa kanya.

"Let's get married para ikaw na talaga ang tunay na mommy nya." Biro nya sabay tawa. Ngumiti lang ako bilang sagot.

Dito na ako natulog sa kanila sa mismong kwarto ni Kayle. Pinagigitnaan namin ang bata. Nagising ako ng 11 am at pag tingin ko wala na akong katabi.

Nasaan na ang dalawang iyon?

Humikab mona ako bago bumaba. Napahinto ako sa pag hakbang sa hagdan ng may marinig akong ingay sa sala. Pagbaba ko pa nakita ko ang buong section 5 na nandito at nilalaro nila ang sanggol na nasa crib nito.

"Ate." Pagtawag ni Naziah sa akin kaya lahat sila tumingin.

"Naks sa kwarto pa talaga ni Memard natulog." Pangangasar nila Christ at Nikko.

"Bubuo naba ng pamilya?" At nag tawanan sila.

Ngumisi ako. Sunod nalang iyon. Bata pa kami at hindi pa ako pwedeng magka anak. Marami pa akong mga bagay na kailangang tapusin.

"Ate 2 days kang nawala. Galit na galit  si Mommy bakit hindi ka daw umuwi." Mahinang saad ni Naziah. Hindi ko sya pinansin at nag tungo sa crib ng sanggol.

Tahimik silang lahat at alam nilang wala ako sa mood. Lalo na't hindi pa sa akin okay ang nangyare sa amin ni Naziah.

Pinagmasdan ko ang sanggol, ngumiti ito na nag pahinto sa akin. Tuwing pinag mamasdan ko sya lagi syang ngumingiti sa akin. Pakiramdam ko lahat ng masasakit na alaala na nararamdaman ko ay nawawala tuwing ngumingiti sya.

Sinong walang pusong magulang ang itatapon ang napaka poging bata na ito? He's literally an angel.

"2 days lang iyon, Naziah. Nakaya nya nga nung 3 years na wala ako." Ramdam ko ang pagka dismaya ng sabihin ko iyon.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon