Chapter 10

42 2 0
                                    

-Memard's POV-

"Nung una ay maayos ang pakikitungo nya sa akin lahat ng kailangan ko ay ibinibigay nya. Hindi rin katagalan naging possessive sya sa akin at yung mga lalaki kong kaibigan ay pinalalayo nya. Ikinukulong nya rin ako sa bahay nya. Hinampas ng tubo sa ulo dahil matigas daw ang ulo ko." Inis na sabi nya at bahagyang tumingin kay Ryuiichi.

"ABA TANG INA NYA AH!" Galit na sabi ni Christ.

"Hindi dapat sinasaktan ang mga babae!" Si Rhys.

Tinaasan sya ng kilay ni Naziah. "Wow ha? kayo pa talaga ang nagsabi nyan."

"Nantritrip lang kami ng babae pero hindi namin kayang gawin ang ginawa ng nga ex mo." Nakangusong ani ni Zedrick.

Sumeryoso si Naziah. "Nananakit parin kayo. Nananakit ng feelings ng mga babae." Pagkasabi nya non tumahimik silang lahat.

They averted their eyes and only Christ was able to look at Naziah. Tss. Malamang si Christ lang naman ata ang inosente sa amin dito, e.

"Eh yung pang lima mong ex?" Christ Asked.

Kita kung napatigil si Naziah at kita ko rin sa peripheral vision ko na bahagyang tumingin sa kanya si Ryuiichi.

Sana mali ang iniisip ko.

Isa ba sa mga ex ni Naziah si Ryuiichi?

Nah. I don't think so.

"H-he died." Basag na boses na sabi nya. Napalingon kami sa kanya.

"H-he died because of my 4th ex." Mahinang sabi nya.

Yun ba ang dahilan kung bakit nakita ko syang umiiyak sa loob ng room. Biglang nag flashback sa akin lahat nung mga sinabi nya sa loob ng room na iyon.

"Mahal ko yun...sobra. Sya lang yung taong naniwala sa akin na kaya ko. Sya lang yung nakakaintindi sa akin." Wika nya at bahagyang yumuko. Gumalaw ang mga balikat nya at rinig namin ang mahinang paghikbi nya.

Tinapik tapik naman ni Ryuiichi ang balikat nya. Kita ko ang pag iwas nila ng tingin. Hindi nila kayang makita na umiiyak si Naziah.

"He wanted to live." Saad nya kaya napatingin ulit kami sa kanya. "And I wanted to die...But in the end, he died for me."

I don't know what the real happen pero kita kong napektuhan talaga sya non.

"And I lives for him."








-Ziahna POV-

Hanggang ngayon nananatili pa rin sa akin yung sakit. Hindi pa din pala nawawala 'yon hanggang ngayon. Nag durusa pa din ako ng pasikreto.

Hindi ko matanggap na sa sobrang pagmamahal nya sa akin nagawa nyang isakripisyo yung buhay na pinaka iingatan nya.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko inaangat ko ang ulo ko lahat sila nakatingin sa akin. Ang mga mata nila ang nagsasabi na nalulungkot rin sila.

Pero bakit?

Naiinis tuloy ako sa sarili ko dahil pagdating sa kanila hindi ko kayang magsinungaling sa tunay kong nararamdaman.

Pagdating sa section 5 ay hindi ko kayang magtago ng nararamdaman.

"Okay ka na ba Naziah?" Tanong ni Jeff at lumapit sa akin para punasan ang luha ko.

No I'm not okay. And I'll never be okay.

"Oo. O-okay na ako. H-hindi ko pa 'man tanggap, pero okay na ako." Pagsisinungaling ko at bahagyang ngumiti.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon