Chapter 37

27 1 0
                                    

Short update. Sorry sa matagal na UD, meron kase akong series na sinusulat. Sana basahin nyo din. Love lots.



-----------

AKIRILL POINT OF VIEW

It's already 8pm ng matapos ang competition na iyon. I heard Friday iaanounce ang mga nanalo.

We are all here at the mansion to celebrate. I folded my arms while watching Ziahna who was now laughing and teasing her classmates.

Something's wrong with her.

Alam kong parati namang may mali sa kanya pero ngayon iba na ang pakiramdam ko.

Ziahna looked at me and seemed to sense my gaze. She stood up and came to me. Niyakap nya ako at sumubsob sya sa aking dibdib. "Kuya I missed you." Bulong nya.

"Halina kayo, kakain na." Dinig kong ani Tita Cassandra kaya hinatak ako ni Ziahna papontang dining area.

Lahat kami nakaupo at si Ziahna lang ang hindi. She's just looking at us while have a smile on her lips.

"Hoy, Ziahna. Umupo kana. Nagugutom na ako." Rhys said. Tumawa lang ng malakas si Ziahna at umupo.

"Mom, Dad. Can you help Kayle para sa darating na binyag ni Jandrik? Gusto ko syang mabinyagan." Sambit ni Ziahna kaya napatingin sa kanya si Mommy.

Nang maramdaman nya na magagalit si Mommy ay ngumiti sya ay tinuloy ang sasabihin. "I'll be gone for a week. Tas pagbalik ko mag kakasama na tayo."  Tuluyan na kaming napatingin sa kanyang lahat.

"Do you have a problem Apo?" Tanong ni Chairman Jaegoo.

Umiling si Ziahna at ngumiti. "Nothing naman po. May tatapusin lang akong ibang bagay para mapagtuunan ko na ng pansin si Jandrik." Sabi nya.

Tumingin si Naziah sa kambal. "Ate anong gusto mo sa theme natin sa debut?" Nakangiting tanong nito.

Bahagyang tumingala ang aking Kapatid na tila nag iisip. "I want to wear a blue gown at I want many foods. Ang buong section 5 ang 18th roses natin tas idagdag si Jhermi, Kuya Martin, Kuya Akirill, Akilex, Dad, and Jaegoo." Excited na ani nito at parehas silang natawa na kambal.

After we ate, her male classmates went home, the only ones left were Jhermi and her brother and Aunt Cassandra. Memard went home because he said he had to finish something in his office.

Pinanood naming lahat ang paglalaro nila Naziah at Ziahna sa bunso namin na si Akilex. Naghahampasan na sila ng unan sa sala habang bumubungisngis.

Napatawa kaming lahat ng hampasin ng malakas ni Ziahna si Akilex dahilan para matumba ito.

"Bumabalik na si Ziahna sa pagiging mapagmahal nya sa pamilya." Ani ni Tita Cassandra.

"Kailanman ay hindi nagbago ang pagmamahal ni Ziahna sa pamilya natin. Minamahal nya tayo ng patago." Sagot ni Mommy at tumingin kay Ziahna.

I see how Jhermi rolled his eyes. "Tss. Hindi ba kayo kinakabahan? Kung nagbabalik na nga sya sa dati. Paano kapag nalaman nya ang totoo?" Maangas na tanong nito.

Minsan ko na ding iniisip ang mga sinabi nya. Paano kung sabihin ko na kay Ziahna ngunit natatakot din ako sa pwedeng mangyare. Baka tuluyan ng lumayo si Ziahna sa akin.

"Mabuti pang huwag na nating sabihin pa sa kanya. Maayos na sya." Sabi ni Mommy at sunod sunod ang pag-iling na para bang natatakot.

"Hindi kayo nakokonsensya sa kanya. Sya lang ang walang alam rito." Pahabol ni Jhermi kaya nagsalubong ang kilay ng Kuya nyang si Martin.

"Jhermi don't." Paalala nya pero umiling lang ito at padabog na umalis.

"Minsan naiisip ko na si Jhermi lang talaga ang tanging nagmamahal kay Ziahna." Napatingin kaming lahat ng magsalita si Hyunbaek.

"Hindi nya kayang makita si Ziahna na walang kaalam-alam dahil naaawa sya. Tanging pag susungit nalang ang paraan nya para pilitin ang sarili na huwag sabihin ang totoo."

"I love my sister." Mabilis kong sambit.

"Mahal ko sya Hyunbaek dahil ako ang Kuya nya." Madiing sabi ko kaya ngumiti lang sya.

12am na at tanging si Ziahna, Ako, Naziah, Akilex at Dad nalang nang nandito sa sala. Nanonood kami ng movie ngayon. Inilabas ni Ziahna ang camera nya at itinapat sa amin.

"Let's have a picture." Ngumiti ako sa camera habang hinalikan sa pisngi si Ziahna. "Hindi mo na kailangan nyan Ate. Makakasama mo naman na kami habang lumaki tayo." Sabi ni Naziah.

"Yeah." Sagot ni Ziahna at kinalikot ang camera.

Tumayo sya at iniwan ang camera. "Cr lang ako." Paalam nya at tumayo din ako para sundan sya.

Kumunot ang noo ko ng lagpasan nya ang cr at dumiretso sya sa kwarto ni Naziah. Nanatiling nakabukas ang pinto kaya kita ko ang ginagawa nya. Meron syang inilagay na maliit na black sa gilid ng kama, sa study table, pati sa cabinet.

Nag tago ako sa pinto ng lumabas sya. Sunod syang pumasok sa kwarto ko kaya sumunod na ako. Inilagay nya iyon sa gilid ng book shielf ko.

Hindi ko na mapigilang pumasok. "What are you doing here?" Napaigtad sya at tumingin sa akin.

"A-ah ano...H-hiram sana ako ng libro ng about sa disorder." Tumango ako.

"Labas na ako Kuya." Paalam nya at hindi ko na sya sinundan pa.

Nang makalabas sya ay tumingin ako sa maliit na camera. Hindi ko ito papakialaman Ziahna dahil alam kong may plano ka.

Magtitiwala ako sa iyo kahit hindi na kita kilala.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon