Chapter 19

28 1 0
                                    

Nagising ako ng 8 ng umaga. Mahigit 14 hours rin pala ang naitulog ko. Tumayo na ako at umupo muna sandali sa kama ko. Ramdam ko na mabigat ang ulo ko, dahil ito sa sobrang tulog. Bumuntong hininga ako bago tumayo na.

Lunes ngayon kaya naligo na ako at nag bihis. Pag baba ko nandon silang lahat sa dining.

Anak ng. Nandito parin sila hanggang ngayon? dito ba sila natulog?

"Ziahna kumain kana." Lumapit sa akin si Akirill at inaya ako papontang lamesa.

Tumingin ako kay Akilex na nasa tabi ko. "Good morning." Bati ko. Ngumiti naman sya. "Goodmorning too Noona."

"Hindi ko alam na nag aaral kana pala ulit?" Napatingin ako kay Ligaya ng tanongin nya iyon.

Hindi sya nakatingin sa akin pero alam kong ako ang kinakausap nya.

"Akala ko ba pinasusundan mo ako? bakit parang hindi mo alam na nag aaral ulit ako? ang hina naman ng mga tauhan mo." Iling iling na saad ko.

"Akiziahna." Mahinang suway ni Kuya Martin kaya kumunot ang noo ko.

Bakit? wala naman akong ginagawa para suwayin nya. Sinagot ko lang ang tinatanong nya ah.

"Why? I didn't do anything."

Tumikhim naman si Dad. "D-dito mona kami titira sa pilipinas kaya doon ka titira sa mansyon, Ziahna. Kasama mo sina Hyunbaek at Jaegoo."

Tumango nalang ako para wala ng gulo.

"P-pumapayag ka Ate?" Tanong ni Naziah.

Tumango ulit ako. "Oo. Hindi naman ako nabibigyan magdesisyon dito sa pamilyang ito." Pagkasabi ko non ay natahimik sila.

"I'll drive you, Ziahna." Saad ni Akirill. Tumango ako at tumayo.

"Tara. Kaurat kumain kasama sila." Aya ko at lumabas.

Ramdam ko ang pagsunod nya sa likod ko. "Paghinatid mo ako kailangan sunduin mo rin ako." Sabi ko.

"My pleasure." Sagot nya.

Habang nag dadrive sya ay tahimik lang ako. "Are you mad at me?" Pagbasag nya sa katahimikan.

"Huh? pinagsasabi mo? pagod lang talaga ako." Maang-maangan ko.

"I'm not stupid Ziahna. Iba ang trato mo sa akin kesa sa dati. Malamig ka na nga noon naging mas malamig ka pa pagbalik." Wika nya.

Bangkay na ba ako? bakit sobrang lamig ko daw?

Sumeryoso ako at tumingin sa bintana. "Oo galit ako sayo. Galit ako sa inyong lahat. Tuwing makikita ko kayo naaalala ko yung pinag daanan ko sa inyo." Mahinang sabi ko sapat na na marinig nya

"I'm sorry." Usal nya.

No Kuya. Don't be sorry. Ako ang may kasalanan. Sarili ko ang may kasalanan at hindi kayo. Kung sana lang ay nag isip ako ng mas mabuti ay hindi mag kakaganito ang lahat. Ngayon ay pati kayo maaaring mapahamak pa.

Nang makarating kami sa school ay nagpupumilit syang ihatid ako hanggang classroom kaya wala ring akong nagawa. Dinig na dinig ko pa ang mga bulungan ng estudyante habang nag lalakad kami.

"Sino yang kasama nya?"

"Boyfriend nya ba iyan?"

"Ang malas naman ng lalaki kung ganun dahil naging girlfriend nya iyan."

"Ang pogi ng lalaki!"

"Baka inahas rin ni Naziah yan gaya ng ginagawa nya ngayon sa president nila."

Umakbay sa akin si Akirill at dalawa naming hindi pinansin ang mga bulungan. Huminto lang kami sa tapat ng room. Bahagya syang sumilip sa loob.

"Ikaw lang ang babae?" Tanong nya.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon