Chapter 02

102 4 0
                                    

Pagod akong umupo sa sala sa bahay kakauwi ko lang. 6:30 na ng gabi at naglakad lang ako pauwi. First day pa lang ngunit daig ko pa ang third grading dahil sa pagod na nararamdaman ko.

Nakita ko si Tita sa kusina kaya tumayo ako at lumakad patungo sa kanya ng marahan, niyakap ko sya habang nagluluto kaya napaiktad sya sa gulat dahilan para ngumiti ako.

"Oh nakauwi ka na pala? asan na si Jhermi?" Tanong nya.

Kumalas ako sa pagkakayakap. "Wala pa po ba rito? alam ko po nauuna silang pinapauwi dahil nga section 1 sila." Takang tanong ko.

Huminga naman ng malalim si Tita. "Baka nandon nanaman iyon sa parking lot at nakikipag away." Sabi nya kaya tumingin ako sa kanyA.

"Tita alam nyo po? tas hinayaan nyo lang?"

"Matagal ko na iyon syang pinag sabihan maski ang Kuya Martin mo, ngunit ayaw talagang makinig."

Inabutan ako ng gatas ng kasambahay namin. "Thank you po."

"Mag bihis kana don baka matuyuan ka nh pawis." Utos ni Tita kaya inilapag ko muna yung gatas ko sa lamesa bago umakyat sa taas.

Nag hot bat mona ako saka nagsuot ng pantulog na pajama. Malamig sa bahay nila Tita kapag gabi dahil bukas lahat ng aircon dito sa bahay.

Pagbaba ko nandon na si Jhermi at Kuya Martin at mukhang pinagagalitan sya. Kararating lang ata nila dahil naka uniform pa din ang Pinsan ko.

"Ano nanaman bang problema Martin?" Tanong ni Tita Cassa.

"Itong si Jhermi naabotan kung nakikipag away sa labas ng village na ito!" Inis na saad ni Kuya Martin.

Dumapo sa akin yung paningin ni Jhermi mabilis syang tumayo at kwinelyuhan ako. Nagulat pa ako at hindi agad nakapag salita.

"Ano tong nabalitaan kong nakipag away ka kay Mae?" Sigaw nya at hindi manlang pinansin sila Tita.

"Sinong Mae?" Kunyari kong tanong.

Mas lalo pa syang nainis sa sinabi ko akma nya akong susuntukin nang sumigaw si Tita. "Ano ba?! hindi ba kayo marunong magkasunod?! nasa iisang bahay lang tayo!" Sigaw nito.

Tumingin si Jhermi sa kanya at para bang hindi makapaniwala. "Nagtatago kayo ng sikreto sa isang tao at gusto nyong makipag kasundo ako dyan?!" Turo nya sa akin.

Parehas kaming hindi nakapag salita sa sinabi ni Jhermi. Tumingin mona sya sa akin ng masama bago umakyat sa taas. Naistatwa ako at alam ko lahat kami natamaan sa sinabi ng Pinsan ko. Tinignan ko si Kuya Martin na nakayuko at tila malalim ang iniisip.

"T-tara kumain muna tayo, lilipas rin ang galit non." Pagbasag ni Tita sa katahimikan. Nag pahuli akong naglakad at inilabas ang cellphone ko.

To: Kuya Akirill
Im guilty. I still hiding the truth that she need to know. :(

From:Kuya Akirill
We will tell the truth once we see her. So please, find her.

Huminga ako ng malalim. Mahigit 3 years na rin syang nagtatago hindi ko manlang alam kung anong nangyare sa kanya. Kung maayos lang ba sya. Kung nakakakain ba sya ng maayos.





---

Pagkagising ko naligo agad ako syaka nagbihis at bumaba na. Tinignan ako ni Kuya nang may pagtataka. "Nag iba ata ang routine mo. Nauna kang maligo kesa mag almusal." Sabi nya.

Tinatamad na kase akong mag blower ng buhok kaya naligo mo'na ako para habang kumakain may chance pa na matuyo ang buhok ko.

Ngumiti naman ako. "Si Jhermi po?" Tanong ko. "Nauna na syang umalis sinundo sya ng mga kaklase nya." Sagot ni Tita Cassa at inasikaso ako.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon