Chapter 28

31 1 0
                                    

"Ibaba nyo nga ang mga baril nyo." Utos ni Memard pero walang sumunod sa kanya. Matalim ang tinginan namin sa isa't isa.

"Kayo ang mauna." Matigas na utos ni Mikaza habang nakatutok ang baril sa kapatid.

Napangisi ako. Nakatatak parin talaga sa utak ni Mikaza na walang kapatid o kapamilya kung kalaban mo sa Yakuza.

"Paano mo natututukan ng baril ang kapatid mo?" Tanong ni Rosie at ibinaba ang baril.

Ngumisi si Mikaza at ibinalik ang baril sa bulsa. "Walang kapatid kapatid sa Yakuza. Kung kalaban mo kalaban mo. Right, Kuya?" Pangangasar nya.

Mag kapatid nga talaga sila dahil parehas silang maputi. Korean sila ngunit lumaki sa Japan. Parehas silang malayo sa pamilya kaya naisipang maglayas.

Nakita kong sumulyap si Kayle sa lapida ni Marjohn at ng mabasa nya ang pangalan tumingin sya sa akin.

Humarap ako sa mga kasama ko. "Mauna na kayong bumalik. Mikaza hintayin mo ako sa kotse." Utos ko at tumango sila. Sumunod rin naman ang mga kasama ni Kayle kaya kaming dalawa nalang ang nandito.

"Sya ba yung boyfriend mong namatay?" Tanong nya.

"Ex- fiance." Pag tatama ko kaya napatingin sya sa akin. "He broke up with me bago sya mamatay. Imagine how much it's hurt for me right?" Tumingin ako sa kanya.

Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko si Kayle tila gusto ng katawan ko na mag kwento sa kanya. Na para bang sa dami ng sasabihin ko sa kanya kailanman hindi nya ako huhusgahan.

Umiwas sya ng tingin. "Tanging kasiyahan at kaligtasan ko lang ang mahalaga sa kanya. Ako dapat ang tatamaan ng mga bala na iyon pero sinalo nya lahat." Pagkwekwento ko sa kanya.

"Alam mo maski sa panaginip ko ay sinasabi nyang magmahal ulit ako dahil mapapanatag lang daw ang loob nya kapag nakita akong makasal at mag karoon ng pamilya sa iba."

"Sa tingin ko napakasakit iyon sa kanya pero wala syang magawa dahil tanging kasiyahan ko ang hangad nya. He's so selfless pag dating sa akin." Pinunasan ko ang mga luha ko at pinagmasdan ang pangalan ni Marjohn.

Tumingin ako kay Kayle na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. "Pwede mo ba akong tulungang magmahal ulit?" Tanong ko na nag pagulat sa kanya.

Maya maya ay lumapit sya sa akin at niyakap ako. "Hindi mona kailangang pang tanongin ako becaude I will Ziahna. I will." Bulong nya at mas hinigpitan ang pag yakap sa akin.

Pag tapos naming mag usap ni Kayle ay umalis narin ako kasama si Mikaza. Kaya pala nandon sa sementeryo sila dahil binisita ni Kayle ang mga magulang nya. Gusto nga nya sana akong isama roon pero ayoko. Naguguilty ako.

"Saan ba tayo poponta Master?" Tanong ni Mikaza habang nag kakape. "Exlusive bar." Simpleng sagot ko.

Nandon ang mga business man mga nag tratrabaho sa gobyerno. Doon mag lalabas ng mga libido nila.

Inihinto ko ang kotse sa tapat. Inihagis ko kay Mikaza ang isang backless na dress kulay red ang sa kanya at black naman ang akin. Inilugay ko ang mahaba kong buhok at pinakulot ito.

May ibinigay akong litrato kay Mikaza na mga magiging target namin. "Ang mga iba dyan ay nasasangkot ng illegal business. Ibig sabihin marunong rin makipag laban."

Ngumisi sya. "Easy, Master."

Pagpasok namin ay naghiwalay kami at hinanap ang mga target namin. Maingay ang mga paligid at nakakahilo ang mga ilaw rito. Ngumisi ako ng makita ang isa sa mga target ko.

Nagsasayaw sya kaya nilapitan ko at kunyaring sumasayaw rin ako. Ng nasa likod na nya ako inilapit ko pa ang sarili ko sa knya. Humarap sya sa akin at ngumiti. "You're beautiful."

Ngumiti ako ng malandi. "Thank you." Hinawakan nya ako sa bewang at inilapit ako sa kanya. Ramdam ko ang pag tayo ng kung ano sa gitna ko.

Ang tangina. Horny na horny ah.

"Do u feel it? hmm?" Tanong nya at hinalikan ako sa tenga kaya inilayo ko sya. "Let's go in a vip room." Aya ko at pinag laruan ang necktie nya.

Ngumisi sya at inakbayan ako.

Pagdating namin sa vip room tinulak nya ako sa kama at agad na pumaibabaw sa akin. Hinalikan nya ako sa leeg kaya nandiri ako. Kinapa ko yung kutsilyo sa tagiliran ko. Ng makuha ko iyon agad kong isinaksak sa ula nya.

Tinulak ko sya palayo at bumangon ako. Pinasadahan ko ang katawan nya sa kama na umaagos ang dugo.

Pinaputukan ko ang ulo nya ng sunod sunod. Walang emosyon kong pinagmasdan ang buo nyang katawan. Nakadapa ito sa kama habang labas na ang utak. Dahan dahan akong tumalikod at lumabas na parang walang nangyare.

Pagbaba ko nagkatinginan kami ng isang lalaki. Napamura ako at dali daling tumakbo ng makilala ko sya. Nakita kong sinundan nya ako.

"Azi, hindi ka makakatakas sa amin!" Sigaw nya. Bahagya akong lumingon habang tumatakbo at pinakyuhan sya.

Ng makalayo layo ako ay nag tago ako sa isang basurahan. Nag tagal ang tingin ko sa isang maliit na karton ng makita kong gumalaw ito.

Binuksan ko ito at nanlaki ang mata ko ng makita kong sanggol ito. Napakaliit pa nya at mukhang wala pang isang linggo bago ito isilang. Balot rin na puro puti ang katawan nito.

Tumayo ako syaka tumalikod na. Naglakad ako ng normal na parang walang nakita.

'Huwang na huwang mong kukunin yan. Sa oras na hawalan mo iyan Ziahna mapapahamak at madadamay sya' sabi ko sa isip ko.

Pero napahinto ako nung marinig ko ang iyak nito. Damn it!

Padabog akong bumalik at kinarga ito ng dahan dahan. Ng makita ko ang mukha nya ngumiti uto na nag pahinto sa akin. Kaya sya umiyak marahil ay naramdaman nya ang pag alis ko.

Tumingin tingin ako sa paligid baka nandito pa ang ng iwan non pero wala na akong makita. Ng maamoy ko ang taong humahabol sa akin hindi na ako umalis sa kinatatayuan ko at inabangan nalang sila. Ang kaliwang kamay ko ay may hawak na baril at ang kanan ko naman ay hawak ang sanggol.

Bago pa lumiko ang tingin ng mga taong humahabol sa akin pinag babaril ko na sila. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mikaza.

"Maayos ka lang ba?" Tanong ko.

["Ikaw na ang hinahabol ako pa talaga ang kinakamusta mo. Pero oo ayos ako. May pulis na sa labas ng bar at iniimbistigahan ang nangyare."]

"Pomonta ka rito."

Binabaan ko sya at inantay sya. Nagulat pa sya ng makita akong may hawak na sanggol. Nag tagal ang tingin nya sa bata.

"Kanino iyan?" Tanong nya. Nagkibit balikat ako. "I don't know. Nakita ko lang ito sa basurahan."

"Eh anong gagawin mo dyan?" Tanong nya ulit. "Dadaan ako sa presinto at mag babakasakali na makita ang pamilya nito. Kung wala may popontahan ako." Tumango sya.

"Balik na ako sa basement, master." Paalam nya.

Tinignan ko ulit ang sanggol. Mahimbing na syang natutulog sa bisig ko. Sa paraan ng pag tulog nya parang komportable sya sa piling ko.

Bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa batang ito?

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon