Chapter 33

30 1 0
                                    

ZIAHNA POINT OF VIEW

Nang makapasok kami sa kwarto ko inilock ko agad ito kaya napataas ang kilay nya, tumingin sya sa doorknob.

"Nakaugalian ko." Sabi ko.

Umupo ako sa kama kaya't tumabi din sya sa akin. Inihiga ko si Jandrik na natutulog ng tumingin ako sa kanya nakita ko na may pinagmamasdan sya.

Ang gitara ko.

"Marunong kang mag gitara?" Tanong nya at tumango ako at kinuha iyon.

"Gusto mong kantahan kita?" I asked him.

Tumango sya. "Okay. Yung kantang kakantahin mo bukas." Bukas na pala yung pagkanta ko.

Late na kase nilang sinabi sa akin dahil kinakabahan daw sila na mag sabi sa akin. Bakit naman sila kakabahan? Sigurado naman akong mananalo ako.

~Somebody told me you were leavin, I didn't know. Somebody told me you're unhappy but I't doesn't show.

~Somebody told me that you dont want me no more so you're walkin out the door.

Tinignan ko si Kayle habang kumakanta. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Nung una ay akala ko hindi na ako muling iibig pa, kase nga nastock na ako sa nakaraan ko na napaka hirap kalimutan.

Para sa akin yun na ang pinaka the best na nangyare sa buhay ko, maaari man akong mapahamak ngunit alam kong sa sarili ko na naging masaya ako.

Ngunit ngayon...Pakiramdam ko masaya ako tuwing kasama ko si Kayle, tuwing nasa tabi ko sya pakiramdam ko hindi ako mapapahamak. Na proprotektahan nya ako.

He's my safe place.

~Nobody told me you've been cryin everynight. Nobody told me you'd been dyin' but didn't want to fight.

Nang pagtingin ko sa kanya ay nakatingin na rin sya sa mga mata ko. Ngumiti ako sa kanya at onting onting nilapit ang mukha ko sa mukha nya.

Pumikit ako at hinalikan sya, naramdaman kong hinawakan nya ang likod ko at mas nilapit sa kanya. Ang isang kamay nya ay kinuha ang gitara at inilapag sa kung saan.

Dahan dahan akong humiga sa kama habang hinahalikan namin ang isa't isa. Ang halik nya ay sakto lamang para sa akin. Marahan ngunit marahas. I love it.

Dumagan sya sa akin at ramdam kong kinagat nya ang ibabang labi ko dahilan para bumuka ito at ipinasok ang dila nya. Napahinto lang kami ng marinig namin ang pag iyak ni Jandrik.

Nagkatinginan kami ni Kayle at sabay na natawa. Bumangon ako para kunin si Jandrik. Inilibot ko pa si Kayle bago namin naisipang bumaba. Nakangisi ako dahil sa nangyare kanina.

"Manonood kami bukas, Ziahna." Wika ni Dad habang kumakain.

Tss. Si Naziah lang naman ang panonoorin nila.

"Naziah napractice mo na ba ang galaw mo para bukas? kararating lang rin pala ang gown na susuotin mo. Taga europe ang designer nun." Nakangiting saad ni Ligaya.

"Tss. Baliwala ang gown na iyon kung palpak sa question and answer. Iyon ang mas pag tuunan nya ng pansin." Mahinang sabi ko habang hindi nakatingin sa kanila.

Tumingin sa akin si Naziah. "Pinaparinggan mo ba na hindi ko kaya ang modeling, Ate?" Baling nya sa akin.

Tinignan ko sya ng seryoso. "Wala akong sinasabing ganun, Naziah. Saka maaga kang pumasok bukas dahil last iyon na pasok ninyo huwag puro Kayla." Paalala ko kaya nainis sya.

"Bakit nadamay na naman si Kayla?! wala naman syang ginagawang masama. Hayaan mo nalang akong makipag kaibigan sa kanya!" Inis na sabi nya kaya tumango ako.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon