Chapter 24

34 1 0
                                    

ZIAHNA POINT OF VIEW

Kagigising ko lang at napag pasyahan kong tawagan si Jerome.

[:Yes, Master?]

"Kamusta? ano ng balita?"

[:Hahaha maayos naman. Parang gago to.]

Kumunot ang noo ko. "Minumura mo ba ako?"

[:Hahaha, hala gagi hindi. Si Jasmine at Mikkaella kasi Master sabi nila hindi na daw ako magkaka boyfriend.]

Yes. Jerome is a gay. Pero feeling ko naman hindi talaga sya bakla. Nakasanayan at nakalakihan nya na rin kasi na puro mga babae ang nakapalibot sa kanya. Nakita ko na rin yung thing nya sa baba nya. Malaki kaya sigurado akong lalaki talaga sya.

[:Master ponta ka nga rito tas barilin mo itong dalawang malanding to. Kainis inagawan ako ng lalaki kagabi.]

"Nandyan naman si Mikaza sya nalang ang utusan mong bumaril. Saan ba kayo pomonta kagabi?"

[:Night club lang Master. Wala pa tayong mission na iniutos sa itaas eh.]

Bahagya akong umubo at hininaan ang boses ko. "Ano ng balita sa Red Organization?" Tanong ko.

Hindi mo na sya nakasagot at rinig ko ang paalam nya sa mga kaibigan namin. Rinig ko ang pag sarado ng pinto marahil ay pumasok sya sa kanyang kwarto.

[:Maraming sumasali Master. Mahigit billion ang nakukuhang pera sa loob lang ng isang araw. Para sa proteksyon ay handa silang mag bayad ng kalaki.]

Tumango ako. "Okay. Tatawagan nalang kita---"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makitang bumukas ang pinto ko na nakalock naman at bumungad si Ligaya na galit na galit.

Ano na namang problema nito? palalayasin na ba ulit ako?

Ibinaba ko yung telepono. Napapikit na lang ako ng may tumilapon sa akin na bagay. Pag tingin ko school uniform. May nakaburda na Ziahna sa kanang balikat nito.

"Maligo ka at isuot mo iyan. Mag aaral ka ulit hindi bilang Naziah kundi bilang ikaw." Utos nya.

Tumalikod ako ng higa at hindi sya pinansin. "Ayoko ng mag aral, Ligaya. Pressure lang at Depression ang iaabot ko dyan." Pag papaintindi ko.

Nagulat ako nung marahas nya akong hinila patayo kaya medyo nahilo ako. Anemic pa ata ako, bwesit.

Hinila nya akong patungong cr at tinulak paloob. "Mag aaral ka ulit. Maligo ka at kukuha ako ng tuwalya." Isinirado nya ang pinto kaya napabuntong hininga ako.

Bakit ba wala akong sariling desisyon sa pamilyang ito?

Pag tapos kong maligo ay isinuot ko ang uniform ko. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang sarili ko sa salamin.

Bahagyang kumunot ang noo ko ng mapansin kong maikli ang palda ko. Naalala ko nong nag aaral pa ako ay sobrang ikli ng palda ko dahil nga may pagka malandi ang mga damitan ko noon.

Si Ligaya pa ang laging pumupuna ng palda ko at sinasabing ayaw nya non. Pero ngayon ay pasusuotin nya ako ng maikling palda na ayaw nya?

Umupo ako sa kama at sinuot ang black boots ko. Itinali ko ang buhok ko na high bun gamit ang yellow na ribbon. Naglagay rin ako ng lip gloss. Pinasadahan ko ang sarili ko, bakit parang bumalik lang ako sa dati?

Gantong ganito ako pumorma nong nag aaral pa ako.

Bigla akong nainis ng maalala ko iyon. Guguluhin ko na sana ulit ang suot ko ng pumasok ulit si Ligaya na nakabihis na rin at may dala dalang bag sa kamay.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon