Chapter 20

36 1 1
                                    

Pinunasan ko ang mga luha ko ng marinig kong may kumatok sa pinto ko kaya't binuksan ko iyon. Tumambad sa akin si Dad na may ngiti sa labi.

Sandali ko syang pinagmasdan. Kita sa mukha nya na kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan. Bakit naman sya kakabahan sa akin?

"Pwede ba akong pumasok?" Tanong nya. Tumango naman ako.

Lumakad sya papasok at umupo sa gilid ng kamay ko at kinuha ang gitara ko.

"Narinig kong kumakanta ka kaya't alam ko na hawak mo ang gitara na ito." Wika nya.

Pinagmasdan nya ang gitara at nanatili akong nakatayo habang tinitignan sya. Hindi ko alam kung ilang taon ko na bang hindi nakita ng ganito kalapit ang mukha ni Dad. Dahil nung nakatira pa ako sa bahay namin sa Japan madalas naman syang wala sa bahay.

At sa tuwing nasa bahay naman sya ay nasa kwarto lang ako dahil pinag-initan na naman ako ni Ligaya.

"Tuwing aalis kami ng bansa ay laging dinadala ni Ligaya ang gitara na ito dahil tuwing nakikita nya ito ay naaalala ka nya." Saad ni Dad na nag patigil sa akin.

Tss. Ano na namang kasinungalingan ang papalabasin nito.

"Lahat ng gamit mo na naiwan sa Japan ay inaalagaan ng Mommy mo, ayaw nyang may kasambahay ang naglilinis ng kwarto mo dahil gusto nya sya lang mismo." Dagdag nya pa.

Umiwas ako ng tingin. Yan. Yang nga salita nila ang nagbibigay sa akin ng lakas na loob na mahal rin ako ni Ligaya. Na anak ang turing nya sa akin kahit anong masama ang ginawa ko sa kanya.

Pero hindi ko makita yung mga sinasabi nila. Hindi ko maramdaman.

"I'm not stupid, Dad. Sa tuwing titignan ko si Ligaya ay ang mga masasakit na salita nya lang ang naaalala ko." Mahinang wika ko at sunod sunod ang pag iling.





THIRD PERSON POINT OF VIEW

Habang nag uusap ang mag ama ay hindi nila alam na nakikinig pala si Ligaya sa harap ng pinto habang palihim na lumuluha.

"Don't think that Ziahna. Mahal ka ng Mommy mo." Pag papaintindi ni Rames sa kanyang anak.

Masakit rin para sa kanya na malaman na ganun na pala ang pag iisip ng kanyang anak kapag magkasama ang buo nilang pamilya.

Meron palang isa sa kanila na iniisip na hindi sya kasali sa pamilya nila.

Alam nyang marami syang pagkukulang sa kanyang anak ngunit hindi nya maiwasan na maging ganun ang trato sa tuwing nakikita ang kanyang anak na si Ziahna. Naiinis sya dahil bakit sya lang? Bakit sya lang ang pwedeng walang alam?

Tumingin si Ziahna sa kanyang ama habang umiiyak. "Wag mo akong gawing tanga, Dad! ginawa ko lahat para maging perpektong anak para sa kanya!" Sigaw nito.

"I tried to be a good daughter to her! I tried to be enough for her! and I tried to be mature to her! ginawa ko lahat para mapantayan ko yung gradong nais nya para sa akin."

Napatakip nalang sa bibig si Ligaya habang pinapakinggan ang hinanakit ng kanyang anak. Nasasaktan rin sya ngunit wala syang magawa.

"Ang tanging gusto ko lang ay ang ituring nya akong anak. Mahirap ba iyon?" Mahinang saad ni Ziahna at napaluhod nalang sa sahig dahil sa pang hihina ng kanyang tuhod.

Malakas sa pakikipag laban si Ziahna ngunit kailanman hindi naging malakas sa emosyon.

Lumapit si Rames sa kanyang anak at niyakap ito. "I'm sorry. I'm sorry because you suffer like this."

Pinunasan ni Ligaya ang mga luha nya at huminga ng malalim bago tumalikod. Pag talikod nito ay nakita nya ang kanyang panganay na anak na nakatingin sa kanya at parang awang awa.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon