Chapter 03

88 2 0
                                    

"Who's that?" Tanong ni Memard na ngayon ay nakatingin narin doon sa babaeng naglalakad.

Hindi ko alam pero parang gusto ko syang sundan, may nag sasabi sa akin na baka ito na ang huling chance na mag papakita sya sa akin, kaso malay ko bang baka kidnaper iyon at ako ang pakay.

Umiling lang ako. "Napagkamalan ko lang." Sagot ko.

Nakabalik narin kami sa room, okay narin naman silang lahat parang wala lang nangyare. Masaya na ulit silang nag aasaran na para bang hindi nag suntukan kanina.

Mga bipolar amp.

Napatingin ako kay Christ na kausap yung isa naming kaklase kaya tinawag ko sya. "Bakit?" Tanong nya nung makalapit sya sa akin.

Kinuha ko yung isa kong lunch box at binigay sa kanya. Wala pa naman kaming teacher pwede pa naman sigurong kumain. Naaalala ko na ganito din ang ginagawa ko noon nung nag aaral pa ako. Magagawa ko pa din pala hanggang ngayon hehehe.

Agad lumiwanag yung mukha nya. "Thank you Naziah!" Saka binuksan yung lunch box ko.

"Bakit hindi ka nagdadala ng pagkain mo?" Tanong ko.

Umiwas naman sya ng tingin. "Busy yung mga magulang ko sa trabaho kaya hindi nila ako naaasikaso." Sagot nya.

Sandali akong nakaramdam ng lungkot. May mga bata talaga na ganito ang nararamdaman at mararanasan nila.

Sumimangot naman ako. "16 years old kana, malaki na at bakit sa magulang mo pa ikaw umaasa?" Inis na tanong ko sa kanya.

Ngumuso naman sya. "Nasanay kase akong pinag sisilbihan eh, only child lang kse ako." Palusot nya.

Hindi nalang din ako nagsalita pa baka ano ano pang lumabas sa bibig ko at baka maoffend sya.

Discuss.

Discuss.

Breaktime.

Discuss.

Uwian.

Tumayo na ako at sabay sabay kaming naglakad palabas. Tumabi sa akin si Vincent yung kaibigan ni President. "Uhm Naziah." Tawag nya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Y-yung tungkol sa records mo totoo ba lahat yon?" Tanong nya kaya napahinto ako. Napansin ko rin na bumagal yung paglalakad nilang lahat at pinagitnaan nila ako.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka kung papaano nila nalaman yung tungkol sa record ko. Sinabi ni Kuya na hindi mababasa iyon ng ibang estudyante dahil sinigurado nya na ang mga teacher lang ang makakaalam kung saan iyon nakalagay.

Tumawa naman ako. "Bakit mukha bang hindi ko kayang gawin yon?"
Tanong ko.

"Nagtataka lang kami." Sagot naman ni Vincent.

Ako rin nagtataka kung papaano nyo nakita records ko.

"Ate ko lahat ang may gawa non." Pagsasabi ko ng totoo.

Napangiwi ako dahil alam kong hindi sina maniniwala sa sinabi ko.

"Eh pangalan mo kaya ang nakalagay roon." Sabi ni Christ.

"Medyo hawig yung pangalan namin kaya saakin ko ipinapalagay yung mga ginagawa nya." Pag amin ko.

"Ang bangis naman ng Ate mo nanunog ng paaralan." Komento ni Nikko kaya natawa ako.

"Totoo bang dinaya sya sa test nya?" Tanong nung isa naming kaklase.

Tumango ako. "Mahalaga sa kanya iyon dahil tanging doon lang binabasehan ng mommy namin kung hanggang saan ang kaya nya. Kaya nung bumagsak sya at dinaya lang pala sya hindi sya nagdalawang isip na sunugin yung paaralan na iyon. Hindi nga manlang sya nakonsensya nung pinatawag sya sa guidance eh." Kwento ko.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon