Chapter 15

35 1 0
                                    

Mahigit 2 hours na kaming nag lalakad at nag tanong sa mga taong nakakasalamuha namin dito sa kalsada.

Samantalang si Kayle ay wala namang ginagawa tanging dala dala lang ang shoulder bag ko na gucci habang nakasunod sa likod namin. Ni hindi din sya nag sasalita.

"Nagugutom na ako Naziah."  Pagmamaktol ni Nikko saka umupo sa sahig. Lumapit naman sa akin si Kayle at iniabot ang cellphone ko.

"Someone's calling you." Napakunot ang noo ko.

Lumayo ako kakaonti sa kanila. Wala naman akong ine-expect na may tatawag sa akin, nang tignan ko iyon it was Mikka.

Me: Hmm?

Mikkaella: I see you with 2 guys.

Tumingin ako sa direksyon nya. Kanina ko pa ramdam na may sumusunod at nakatingin sa amin. Naaamoy ko rin ang pabango ni Mikka. It sweird right? nararamdaman ko kahit malayo pa ang nakatingin sa akin, naaamoy ko rin at the same time.

Dati kase nung bata ako ay nawalan ako ng pang amoy akala ko kahit kailan ay hindi na ito babalik dahil mahigit ilang buwan din iyon. Pero nong bumalik naging mas weird.

Me: I know.

Mikkaella: Sino yung kasama mo? kilala ko yung isa Master.

Kinabahan ako bigla.

Me: Mga kaklase sila ng kapatid ko. And Its not what you thinking Mikkaella.

Mikkaella: Oh...I though..Hahaha

Napapikit ako sa inis at bahagyang tumingin sa dalawa. Hindi naman sila nakatingin sa akin.

Mikkaella: may hawak ako ngayong poster mula sa inyong dalawa. Sino yung babaeng ito?

Me: Mother of one of my classmate. Find her.

Mikkaella: Kaya mo namang hanapin ito ng walang tulong na kahit sino. Hahhaha.

Kainis rin kausap to minsan. Laging tumatawa kahit wala namang nakakatawa. Kaya pag nagsama sina Jerome at Mikkaella ay sobrang ingay ng paligid.

Me: Hindi ako makakilos ngayon, andami kong problema. Maraming mga mata ang nakatingin sa akin.

Mikkaella: Okay, Hahaha. I have to go nandito na si Mikaza.

Me: Nagnanakaw nanaman kayo?

Mikkaella: Luh! Hahaha. No! nag sho-shopping lang kami.

Binabaan ko na sya ng tawag matapos sabihin nya yon. Humarap ako kela Kayle. "Tara kain mona tayo sa malapit na karinderya dito." Aya ko sa kanila.

Nag lakad kami kaonti para humanap ng karenderya na makakainan. Pumasok kaming tatlo sa isang karenderya na malapit sa hinintuan namin kanina, masyadong maraming tao dahil tanghaling tapat.

"It is safe to eat her?" Mahinang tanong ni Kayle habang iginagala ang paningin sa loob.

Sa sobrang yaman nitong lalaking to I'm sure na hindi manlang nakakain ito sa karenderya.

"Safe ang pagkain rito Master. At saka mas masarap kumain rito kesa sa restaurant." Saad ko.

Tumingin sya sa akin at katagalan dahan dahan ding tumango. Ang bilis nyang maniwala ano? Yong pag may sinabi ka maniniwala agad sya.

Lumapit sa amin yung nag titinda. "Ano pong order nyo?" Tanong sa amin.

"Chicken kare, fork adobo, sisig. Adobong sitaw." Saad ko tumingin ako kay Nikko. "Sayo?" Tanong ko.

"Sinigang na baboy lang." Tumingin ako sa nagtitinda. "Limang kanin na rin."

Nang mailapag ang mga order namin itinapat ko kay Kayle ang mga inorder ko. "The best yan. Tikman mo Master." Nakangiting alok ko.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon