Chapter 13

34 1 0
                                    

-Memard's POV-

I'm here at the hospital with Vincent. Panay lang ang tutok nya sa cellphone samantalang ako ay hindi na mapakali.
Nasa loob na ng operating room si Naziah. Napatayo ako ng makita ko si Jhermi na tumatakbo paponta rito.

"Where's my s-cousin?!" Galit na tanong nya at kwinelyuhan ako.

"Ikaw ang presidente obligasyon mong pangalagaan sya!" Sigaw nya.

Tumayo si Vince para awatin sya. Hindi ako nakasagot at yumuko na lamang. I felt guilty. Totoo naman ang sinabi nya. I'm the president, dapat pangalagaan ko ang mga kaklase ko.

Lumipas ang tatlumpong minuto (30) ngunit hindi parin lumalabas ang doctor. Tumayo si Jhermi at may dinial sa phone nya.

"Hello ma...Si N-naziah, nasa ospital...Sige intayin ko kayo rito." At ibinaba nya ang phone.

Bumaling sya sa amin. "Darating ang lolo at lola ko, umayos kayo pag tinanong kayo." Sabi nya.

"Anong pake namin sa pamilya ninyo?!" Inis na tanong ko. Sinamaan nya lang ako ng tingin syaka naglakad paalis.

"Magbihis ka na mona kaya Mard? puro dugo na rin ang uniform mo." Napatingin ako sa uniform ko.

Umiling lang ako bilang sagot. Hindi ako aalis rito hanggat hindi ko nalalaman na maayos na si Naziah. I'm worried at mawawala lang lahat ng pag-aalala ko kapag nalaman kong okay na sya.

It wasn't long before Jhermi came again with his family. May dalawang matandang naunang naglalakad.

Saktong pagkarating nila ang paglabas ng doctor. "Kamusta po ang pamangkin ko?" Tanong nong mama ni Jhermi. Lumapit rin ako kakaonti para marinig ang pinag uusapan nila.

"May isang bala kaming nakuha mula sa pasyente, mukhang tinahi mismo ng pasyente ang sugat nya kaya nahirapan kami ng kaonti sa operasyon." Napakunot ang noo ko. Bala?

Saan naman nanggaling ang bala eh nakipag away lang naman sya kay Mae?

"Ibig sabihin dalawang bala ang mayron sa kanya?" Nakatulalang tanong ni Jhermi sa sarili kaya napatingin ako sa kanya.

Mukhang may alam si Jhermi at tanging pamilya nya ang wala.

"How's her Doc?" Martin asked. He's wearing a glasses mukhang kakauwi nya lang galing opisina.

"Maayos na sya ang tanging kailangan nalang ay intayin ang paggising nya."

"Thank you Doc." Tumango ang Doctor at nagpaalam na.

"Sesanghe! kakauwi lang namin at ganito ang makikita ko sa apo ko?!" Galit na saad nong lola ni Jhermi.

"Mahigit tatlong taon syang nawala at ito ang una naming makikita sa kanya?!" Sabi rin ng lolo ni Jhermi.

3years?

"H-hindi namin alam kong anong pinasok ng batang iyan. Umalis sya kahapon at hindi namin alam kong anong oras bumalik." Naiiyak na sabi ng mama ni Jhermi.

Bumaling sa kanya ang matandang babae. "Sayo sya nakatira Cassandra! obligasyon mong alagaan at pangaralan sya!" Galit na sigaw nito.

Nakakatakot magalit ang lola nila. Kahit din siguro ang mga kasama ko ngayon biglang natakot sa nakita. Ganun nalang siguro kaimportante sa pamilya nila si Naziah kaya ganito sya ngayon.

"Wala kang pinag kaiba kay Ligaya. Hindi kayang alagaan ang mga anak." Dissapointed na sabi nito.

Nahagip ng paningin ko ang lolo nila na nakatingin sa akin. "Kaano ano ka ng apo ko?" Biglang tanong nito kaya kinabahan ako.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon