Chapter 38

33 1 1
                                    

ZIAHNA POINT OF VIEW

Kinabukasan ay pumunta ako sa bahay ni Memard.

"Where's Memard?" Tanong ko kay Manang.

"Nasa taas po kasama si Jandrik." Sagot nito at nag tungo ako sa sala. Idinikit ko sa gilid ang maliit na hidden camera pati sa likod ng painting rito.

Inilabas ko ang phone ko at nag text.

To: Unknown Number
Ginawa ko na ang sinasabi mo. Pakawalan mo na si Mikaza.

From: Unknown Number
Bumalik ka muna rito. Saka ko lang sya papakawalan kapag nandito ka na.

To: Unknown Number
You mother fucker! Give me 3 days. I'll spend my days to my family.

Mabilis kong itinago ang phone ko ng makita na pababa na si Kayle. Ngumiti ako sa kanila at hinalikan sa pisngi si Kayle at ganun din si Jandrik.

Kinuha ko si Jandrik at nilingon si Kayle. Natawa ako sa kanyang reaksyon ng makita ko na nakatulala sya at tila gulat na gulat sa aking ginawa.

"HAHAHA why?" I asked.

"Did you just kissed me?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

"Oo. Mag asawa tayo diba saka may isa na din tayong anak." Itinuro ko si Jandrik na ngayon ay pinaglalaruan ang daliri ko.

Ngumiti si Kayle. "Naayos ko na ang papers. Ako na ngayon ang magulang ni Jandrik. Walang nag claim na magulang kay Jandrik isang buwan na ang makalipas." Tumango ako.

December 5 na. November 2 ng madaling araw ko nakita si Jandrik. At siguro November 1 nandon na sa basurahan ang sanggol.

"What will be his name? Jandrik Serano?" Tanong ko.

"Ikaw? Ano ba ang gusto mong ipangalan sa kanya? They say mother knows best." Napatalon ako sa tuwa sa sinabi nya.

"Gusto ko sana syang pangalanan na Aki Jandrik Serano. Ang Aki ay nagmula sa lolo ko sa father side who died 15 years ago. His name is Aki Oinoma and my father's name is Akirames. Gusto ko kase sanang mapanatili yung pangalan ng lolo ko." Pagkwento ko.

Tumango sya at hinalikan ako sa noo. "Then yan ang ilalagay ko sa birth certificate nya kung ganun." Napangiti ako.

Bigla akong may naalala. "Kayle bukas mag one month na si Jandrik sa atin, gusto ko sanang handaan natin sya kada months na darating hanggang sa mag 1 year sya." Dagdag ko.

Tumango ulit sya na para bang okay na okay sa kanya ang lahat ng sasabihin ko.

"Good idea. I'll tell section 5 about this. And I will buy a cake."

Ngumuso ako. "Pakilagay 'happy one month old baby Jandrik.' from Mama at Papa." Doon na sya natawa na tila ba nakakapagpasaya ang sinabi ko.

"Noted wife." Ngumisi ako sa sinabi nya at mabilis syang hinalikan sa labi at tumakbo paakyat.

NAZIAH POINT OF VIEW

Paggising ko ay naligo agad ako dahil pupunta ako sa bahay nila Memard. One months na kase ngayon si Jandrik. May dala akong lechon na dala dala ng bodyguard namin.

"Where are you going Naziah? Bakit nag pabili ka pa ng lechon?" Bungad ni Mommy sa akin.

"One month old na po kase ni Jandrik gustong maghanda ni ate kaya ambagan kaming buong section 5." Natawa si Mommy. "Pakisabi nalang kay Memard na pumunta sya rito sa bahay para mapag-usapan namin ang binyag na darating." Tumango ako.

"Oh, saan pupunta ang anak ko?" Kakalabas lang ni Dad galing sa cr at basa pa ang buhok.

"Kila Memard, Dad." Sagot ko.

"Wala ba kayong pasok?" Si Kuya.

"Absent kaming lahat. Nag paalam naman kami kay Teacher Carl." Tumingin si Kuya kay Mom.

"Siguro ay sa iba nalang kayo mag plano sa binyag ni Jandrik. Huwag na dito Mom. Sa bahay nila Tita Cassandra hayaan mong tumulong sya." Sabi ni Kuya kaya bahagyang kumunot ang noo ko ngunit hindi na nagsalita pa.

*******

Pagdating ko sa bahay nila Memard ay nandon na ang lahat at ako nalang pala ang kulang. "Nandito na si Naziah!" Anunsyo ni Nikko.

"Wow, may lechon." Si Christ na tuwang tuwa. Lumapit ako kay Ate at niyakap sya. She's wearing a black dress at ang buhok nya at nakalugay at may flower headband.

Nang humiwalay ako ng yakap nakita kong nag katinginan sina Ate at Arjay kaya kumunot ang noo ko, ngunit mabilis ding nag iwas ng tingin si Ate at nag kunyaring walang nangyare.

Kakaiba yung tinginan nila. Hindi ko alam kung para saan iyon.

Nahagip ng paningin ko si Vincent na pinagmamasdan si Arjay na nakikipag asaran kay Zedrick at Jeff. Nang tumingin sya sa akin ay ngumiti sya at lumapit. Did he see it too?

Niyakap nya ako at hinalikan sa noo. "I love you." Rinig kong usal nya.

Niyakap ko din sya pabalik. "I love you too." Sagot ko.

"Daming langgam." Napatingin kami kay Nikko ng sabihin nya iyon at nag tawanan sila ni Justine habang nakatingin sa aming dalawa.

Lumapit kami sa direksyon nila Memard at Jandrik at nilaro ang baby. Nakahiga sa crib si Jandrik habang pinagmamasdan ang kanyang ama.

He look confused while staring at his Dad. God, he's so cute.

"Ninang ako, ha." Paalala ko.

Tumingin sa akin si Memard at ngumiti. "Of course."

Nakakatuwa ang pagdating ni Jandrik sa section 5. Mas lalo nyang binigyang kulay ang pagsasamahan namin. Dati nong unang kita ko sa kanila mga hindi sila nakangiti at para silang mag siga sa tondo kung umasta. Yung iba may mga sugat at pasa pa sa katawan at mukha. 

Ngunit unti-unting nag bago iyon, mas nag bago pa nung dumating ang baby na ito.

Pagtapos naming kumain ay napagpasyahan naming uminom. Si Memard naman ay umakyat na sa taas para patulugin si Jandrik dahil hapon na.

"Sa pasko anong gagawin nyo?" Tanong ko habang pumapapak ng lechon.

"Syempre uuwi kami sa mga pamilya namin. Yung iba ay uuwi ng probinsya nila." Si Jeff.

"Ako sa bahay lang." Nagtaas ng kamay si Christ.

Tumingin si Vincent kay Arjay. "How about you? Anong gagawin mo sa darating na pasko?" Tanong nito.

Nag isip si Arjay. "Going to my girlfriend's house. Wala naman akong pamilya kaya doon nalang ako mag papasko." Sagot nito at uminom ng alak.

Ngumiti si Vincent at tumango. Nakita rin iyon ni Ryuiichi ngunit nag iwas lang sya ng tingin.

Ano bang nangyayare? Bakit ang weweird ng mga tao ngayon?

"Mabuti naman at nag kaayos na kayo. Gawin mo ang lahat para wag lang syang umalis sa iyo." Sabi ni Ate habang nakatingin kay Arjay. Seryoso ang mukha nya habang sinasabi iyon.

Ngumiti si Arjay ng pilit at nag iwas ng tingin.

Pakiramdam ko ay may tinatago silang sikreto. Bakit ako nadidismaya o naiinis? Ganito ba ang nararamdaman ng isang taong pinagtataguan ng sikreto?

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon