Chapter 09

47 1 0
                                    

-Ziahna POV-

Nandito kami ngayon sa classroom matapos ang naging gulo namin ni Mae. Nakita kung papalapit sa akin si Vincent pero biglang tumunog yung cellphone ko kaya nabaling roon ang paningin ko.

Tumayo ako syaka lumabas at sinagot ang tawag. It's Mikaza.

Me:Mmm?

[Mikaza: We need you tonight. Are you going with us?]

I chuckled. Kahit naman na may iniisikaso ako ngayon hinding hindi ko iiwan ang taong nakasanayan at nakasama ko ng matagal.

Me: I'm the leader at bakit ko naman kayo iiwan.

[Mikaza: We thought you're busy with your personal problem.]

Gusto kong matawa sa sinabi nya. Nagseselos ba sila dahil mas nakakasama ko na ang mga taong hindi ko naman talaga kilala which is section 5.

Me: Oh, common Mikaza don't be jealous sa inyo parin ako uuwi. Matapos ko lang itong si Mae at Lorenzo ay babalik na ako sa inyo.

[Mikaza: Baka naman hindi na dahil mas nasisiyahan ka na sa kanilang kasama. Purket wala na si Leader M ay ganyan kana ah. Anyway sige aantayin ka namin mamayang gabi  6:50pm.]

Me:Wag kayong gagawa ng kahit anong gulo habang wala ako.

Paalala ko sa kanya bago ibaba ang phone ko. Pagharap ko tulad ng inaasahan ko ay ang mukha ni Vincent ang nakita ko. Naramdaman kong sinundan nya ako palabas ngunit hindi ko pinahalata.

"Oh Vince kanina ka pa dyan?" Kunyareng tanong ko. Nakakunot lang ang noo nya at tila pinag aaralan ako.

Umayos sya ng tayo. "Wag kang magpanggap na hindi mo manlang ako naramdaman." Nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ko pinahalata.

"Anong kailangan mo?" Walang emosyon kong tanong. Alam ko namang napag tagpi tagpi nya na kung anong nangyayare ngayon.

"Who's the real Naziah." Tanong nya.

"How did you know?" Natatawa kong tanong. Ngumisi naman sya sa akin. "I have a smart brain."

Ngumiti ako. "I'm Naziah ofcourse. Ang nakausap mo ay ang Ate ko." Pinagmasdan ko ang mukha nya na maguluhan, natawa ako. Smart brain pala, huh?

Tinignan ko sya ng matagal habang nakapamulsa. "I'm her twins. My name is Akiziahna Nicoleyn Oinoma." Pagpapakilala ko.

"Where's Naziah?" Nginitian ko sya ng may kahulugan. "Bakit crush mo?" Tanong ko kaya umiwas sya ng tingin.

"Hindi mo na kailangang sumagot dahil base sa mukha mo ay makikita na ang sagot na hinahanap ko." Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat nya.

Obvious naman kase, the way na tanongin nya ako kanina kung sino ang tunay na Naziah.

"Dont tell this to anyone. Ayoko nang masangkot sa ibang buhay ng mga tao." Sabi ko sa kanya at pumasok na sa loob.

Bwisit talaga na Naziah na iyon. Nag iingat nga ako sa ikinikilos ko rito dahil ayokong may makakilala sa akin tas sya papetiks petiks lang sa Japan nabuking pa agad.

Lumapit sa akin si Christ at sumandal sa balikat ko kaya medyo napaatras ako. Hindi lang talaga ako sanay na may ganito kalapit sa akin ang mga lalaki.

Hindi naman nya ata napansin iyon. "Naziah sama ka sa amin, kakain kami sa korean restaurant." Aya nya sya akin pero umiling ako.

"Diba half korean ka? magugustuhan mo roon." Pamimilit nya pero umiling pa rin ako. "Di pwede Christ may popontahan ako."

"Where?" Biglang tanong nung kung sino pag tingin ko si Kayle na nakatingin sa aming dalawa.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon