Chapter 43

42 1 0
                                    

Hindi ko namalayan na 3k+ words na pala 'to, hahatiin ko sana kaso sabi ko huwag nalang. HAHAHA kaya mapapansin nyo masyado 'tong mahaba.

_________

MIKAZA POINT OF VIEW

Tatlong araw ng tulog si Master. Tsk. Tsk. Tsk. Ang haba talaga ng tulog ng babaeng 'to. Hindi ko nga alam kung binabawi nya ba ngayon yung pagod na naramdaman nya kaya hanggang ngayon tulog pa din, e.

Naramdaman kong pumasok ang Mommy ni Master ngunit hindi ko manlang ito nilingon. Pinakiramdaman ko sya ngunit alam kong na kay Master pa din ang atensyon nya.

Hindi ko alam kung mang-hihimasok ba ako sa gulo ng pamilya nila o tumahimik nalang pero habang iniisip ko ang mga na pagdaanan ni Ziahna pakiramdam ko kailangang malaman na ng pamilya nya.

Gusto kong malaman nila kung gaano nag hirap si Ziahna, hindi lang sila. Alam kong wala akong karapatan para sabihin lahat 'to pero kaibigan ko 'to, sawa na akong makita sa mga opinyon ng ibang tao na masama syang tao.

Because she didn't.

Huminga ako ng malalim. "Nawalan sya ng anak at para sa kanya iyon na ang pinakamasamang nangyare sa buong buhay nya. Hindi mo ba alam 'yon?" Bakas ang gulat sa kanyang mukha ng aking sabihin iyon ngunit maya maya ay nag umpisa na syang lumuha.

Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa mata ko at tumingin kay Ziahna. Basta kapag si Ziahna, napapalambot nya yung mga taong kasing tigas ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito na ang pasakit na narandaman nya sa mundong ito. She doesn't deserve this.

Ang tanging gusto lang naman nya ay sumaya...

Bakit hindi maibigay sa kanya iyon?

"Kahit na-rape sya gusto nya pa ding alagaan at mahalin ang anak nya, kaya naaalala ko pa din ang tanong nya nung kaming dalawa lang. Sinabi nya na bakit hindi ako magawang mahalin ng nanay ko kahit anak nya ako sa lalaking mahal nya? habang ako sa batang ito hindi magkamayaw na masaksihan na makita sya sa mundong ito." Pagkwento ko.

"M-masyado na siguro akong natakot na makuha sya sa akin ni Cassandra sa akin at hindi ko namalayan na nasasaktan ko na sya." Rinig kong sambit ng Mommy ni Ziahna.

"I went to far and I still didn't notice it." Umiiyak na dagdag nya.

Napangiwi ako. Kainis mukhang pinaiyak ko pa ata. Baka bigla nalang gumising si Master at barilin ako dahil pinaiyak ko ang Mommy nya.

Humarap ako rito. "Huwag na ho kayong umiyak hindi rin gugustuhin ni Ziahna na makitang umiiyak ang Nanay nya." Pagpapatahan ko.

Mas lalo syang naiyak. "H-hindi naman ako ang Nanay nya—" Agad ko syang pinutol.

"Nanay ka nya, Nanay ang turing nya sa iyo." Wika ko at tinapik sya sa balikat bago lumabas.

Pag labas ko ay nakasalubong ko ang isa sa mga kaklase ni Master, naka wheel chair ito at may kalong kalong na pagkain habang tinutulak nya ang sarili.

I think he's name is Rhys.

Sumabay ako sa kanya at mabilis na kinuha ang chitchirya na kalong nya.

"Ano ba akin na yan!" Inis na singhal nya.

Itinaas ko ang hawak ko. "Abutin mo muna." Pangangasar ko.

"Hindi nga ako makalakad bulag ka ba!" Sigaw nya sa akin.

Nawala ang ngiti ko at huminto na ako sa pag lalakad at pinagmasdan na lang sya na pumasok sa isang kwarto. Galit na galit talaga sya sa akin ng malaman nyang ako ang may gawa ng pagka bangga nila. As if naman na may choice ako 'no.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon