Chapter 17

29 1 0
                                    

-Memard's POV-

Kita ko ang panginginig ng mga kamao ni Naziah. Hindi ko alam kung papaano sya pakakalmahin kaya wala akong nagawa kondi ang yakapin sya.

Nang mayakap ko sya mas lalo kong hinigpitan. Ramdam ko ang pagtigil nya ngunit hindi ko binitawan ang pagkakayakap sa kanya.

Napatingin ako kay Arjay na inaalalayan ni Nikko at Christ na makatayo. Bigla akong natulala sa kalagayan ni Arjay ngayon. Hindi na makilala ang mukha nya.

Napakalakas sumuntok ni Naziah. Babae ba talaga sya?

Kinausap ni Vincent ang babae tumango naman ito, tinignan mo na nya si Arjay pero hindi manlang syang magawang tignan nito. Mabilis na nag lakad yung babae paalis dito.

"N-nadala lang ako sa emosyon ko. Sorry." Rinig kong sabi ni Naziah.

Hinawakan ko yung buhok nya at hinawi iyon habang nakasubsob parin sya sa dibdib ko.

"I know." Sagot ko.

"O-okay lang ba si Arjay? H-hindi ba natanggalan ng ngipin?" Gusto kong matawa sa tanong nya pero ng tignan ko si Arjay ay hindi ko kaya.

Marahil ay umaalog ang ngipin nya dahil kanina nya pa ito hinahawakan.

Hinawakan ko ang kamay ni Naziah at tumingin kay Vincent. "Sumunod kayo sa bahay. Doon natin gamutin si Arjay." Utos ko at hinila si Naziah pasakay sa kotse ko.

Pagsakay ko sa kotse ko pinaandar ko rin ito. Nakatulala lang sya sa bintana at tila malalim ang iniisip. I wonder if what she's thinking.

"Ang lakas mo palang sumuntok?" Pagbasag ko sa katahimikan.

"N-nag aral kase ako ng mixed martial arts. At meron akong blackbelt sa taekwondo k-kaya minsan hindi ko na  macontrol ang pagsuntok ko." Sagot nito.

"Matindi ang galit ni Arjay sa tatay nung babae hindi ko alam kung bakit at hindi ko narin inalam pa dahil may kanya kanya kaming buhay. Niligawa ni Arjay yung babae at sinakyan habang magkarelasyon sila. Pinagpustahan kong kailan makukuha ang v-card nito. Hanggang sya narin ang nakipag break, marahil ay natauhan ang gago." Pagkwento ko.

Yon lang ang tanging nalalaman ko dahil ayoko nang makisama sa gulo ng pamilya nila. Hanggang school lang ang responsibilidad ko at hindi sa buong buhay nila.

Kumunot ang noo nya. "Sino ang mga kasama nya na magpustahan? wag mong sabihing kayo rin." Galit na tanong nya.

Inis naman akong tumingin sa kanya saka umiling. Ganun ba talaga ang tingin nya sa akin? ngumuso ako.

"Barumbado kami pero hindi naman kami ganun kasama." Sagot ko.

"Eh sino nga?!"

"Yung pinsan mo. Si Jhermi."

"H-ha papaano?" Tumingin ako sa kanya ng seryoso. "Barumbado rin si Jhermi dati. Kung ano anong pinapasok na gulo. Hindi ko alam kung bakit ngayong pasukan ay biglang tumino, marahil ay dumating ka sa kanila." Saad ko.

"Bakit ganon ka kung maka react sa ginawa ni Arjay." Mahinahon kong tanong. Pakiramdam ko may rason sya.

Umiwas sya ng tingin at tumingin sa bintana. "D-dati rin kase sa akin ginawa ng Ex- boyfriend ko."

"Yong Andrei?" Nagulat ata sya sa tinanong ko. Marahil iniisip nya kung papaano ko nalaman ang pangalan.

Dahan dahan syang tumango. "Secret lang yong relasyon namin non pero masaya na ako don. Pero pag sa maraming tao na pinahihiya nya ako at laging sinasabi na hindi nya ako minahal. Binabawi nya naman iyon pagkaming dalawa nalang." Mahinang bulong nya.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon