Prologue

207 7 1
                                    

What if you are living your whole life believing that you are powerless?

What if the time comes that you discover the magic within you?

Not just an ordinary power, but a powerful magic that anyone would die for to have.

How would you feel?

What will you do?

Would you use it against your will just to protect the people around you?

Or

Would you still go with what you believe is right?

~•~

I am in the midst of the night, walking without even a little light on my way, invaded by the darkness in the surroundings.

"Cogito ergo sum."

A voice keeps echoing in my brain. It's aching. It hurts. I run. I run like there's no tomorrow waiting for me.

"Alvira," isang tapik sa balikat ang gumising sa aking diwa. "Nananaginip ka yata, apo."

Panaginip. A dream that always invades my thoughts at night.

Idinilat ko ang aking mata at nakita ang pigura ng aking lola. Umaga na pala. Agad akong umupo at umunat.

"Magandang araw, La," bati ko nang nakangiti.

Umupo siya sa tabi ko at pinunasan ang noo kong basa sa pawis.

"Tila ba gabi-gabi ka na lang kinukulit ng panaginip na 'yan," pag-aalala niya. "Anong pinapakita nito sa'yo?"

"Wala po akong matandaan," pagsasabi ko nang totoo.

It is the worst thing. Hindi ko talaga matandaan kung tungkol saan ba ang panaginip na iyon. Kahit maliit na detalye, blanko.

"Oh siya, ayusin mo na ang sarili mo. Papasok ka pa sa paaralan," wika niya.

"Hindi na po ako papasok sa paaralan," nabigla siya sa aking sinabi. "Tutulungan ko na lang po kayo sa pagtatrabaho."

"Hindi apo. Kailangan mong mag-aral. Iyan na lang ang kayamanang maibibigay ko sa iyo," nakatitig siya sa akin. "Ibinilin sa akin ng mga magulang mo na patapusin ka sa pag-aaral kaya mag-asikaso ka na."

Tumayo siya at bumaba na.

Iyan ang hirap kay lola. Ako ang namomroblema sa kalusugan niya. Matanda na siya. Hindi na dapat siya nagtatrabaho. Pero wala akong magawa para pigilan siya.

~•~

"Mano po," ibinaba ko ang bag ko sa damuhan. "Tulungan ko na po kayo."

Pagbabangkal ng kahoy ang hanap-buhay ni lola, maging ng halos lahat ng mamamayan ng La Mahika. Ang mundo namin ay nahahati sa dalawa, elites and outcasts.

At kaming mga outcast ay namumuhay nang nakaayon sa kagustuhan ng mga elite.

Maituturing kang isang elite kung nagtataglay ka ng mahika. Kaya ibig sabihin, wala akong taglay na kahit anong kapangyarihan.

"Ang aga naman yata ng uwian niyo," wika ni lola habang nagbabangkal ng kahoy.

Ang nakukuhang pera ni lola sa pagbabangkal ng kahoy ay nagkakasya sa halos isang buwan naming pangkonsumo.

"Lumiban po kasi ang panghuli naming guro sa araw na ito," sagot ko habang tinutulungan si lola sa ginagawa.

Ang totoo niyan, hindi pa naman namin uwian, pero dahil nga lumiban ang guro namin, umuwi na rin kaagad ako para tumulong kay lola.

Hindi na siya nagsalita pa.

Maghahating gabi na pala. Kailangan na naming tapusin 'to.

"La, pumasok na po kayo sa loob. Ako na pong bahala rito," wika ko habang inilalagay sa kariton ang mga kahoy.

"Hindi. Ayos lang ako. Magdidilim na, sasamahan na kita."

Hindi na naman siya nagpapatalo. Wala naman akong magawa kundi respetuhin ang kagustuhan niya. Nahihirapan akong nakikita siyang nahihirapan. Kaya kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat para sa kanya.

May naririnig akong kaluskos mula sa di kalayuan. Marami sila.

"La, may paparating yata," sambit ko na hindi sigurado.

"Paano mo naman nasabi? Oh sige. Bilisan na natin."

Tinulungan na ako ni lola sa pagbubuhat ng mga kahoy para ilagay sa kariton. Pagkatapos ay ipinasok na namin ito sa loob ng balkonahe.

"La, pasok na po tayo sa loo-," natigilan ako nang makita ang mga armadong lalaki.

"Sino kayo? Anong ginagawa niyo rito?" kinakabahang wika ni lola.

"Nandito kami para kunin ang isa sa inyo. Ipinag-uutos ng nakatataas na kunin ang isang miyembro ng bawat tahanan sa La Mahika upang magsilbi sa palasyo sa loob ng isang linggo," paliwanag ng isa sa kanila.

La Mahika is a society made especially for the Elites, and outcasts live outside the boundary of it. It has six divisions that are also known as "The Six Districts of Elite Magical Society" namely: Aurelius District, Southwold District, Daemarrel District, Ruthorham District, Astrakhan District, and Garrigill District.

"Ako na ang sasama," matapang kong saad.

"Hind-," pinutol ko ang sasabihin niya.

"Ayos lang ako, La. Malakas naman po ang pangangatawan ko. Kakayanin ko po," saad ko.

Sa puntong ito, hindi ko hahayaan na magwagi na naman siya sa desisyon niya. Hindi ko hahayaang mahirapan na naman siya, dahil hindi ko makakaya kung may mangyaring masama sa kanya.

"Sumama ka na sa amin," wika ng lider nila.

"Mag-iingat ka, apo. Huwag kang magpapagutom," paalala niya. "Teka, ikukuha muna kita ng mga damit mo para makapagpalit ka roon."

Nagmadali siyang pumasok sa bahay para kumuha ng mga damit ko. Pagkabalik niya ay inabot niya ang isang bag sa akin. Niyakap niya ako at nagpaalam.

Lola, ipinapangako ko na mag-iingat ako roon at babalik akong ligtas.

~•~

Eukrania Academy
Date Started: March 08, 2020
Date Ended:

Eukrania AcademyWhere stories live. Discover now