CHAPTER 3: Rare Magic

41 5 0
                                    

Hindi na sila nag-aksaya pa ng oras, sinimulan na kaagad nila ang laban. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na maglalaban sila nang isa laban sa apat. Sa nakita ko kasi kanina, lahat sila ay malakas at may kani-kanilang liksi at bilis. Kaya ngayon, nagtataka ako kung paano niya ito lalabanan.

Sabay-sabay na umatake ang apat, at papagitnaan nila si Tyrone. Pero sa isang iglap lang, parang isang kidlat na nawala ito, at isa-isang inatake ang kaniyang team mates. Kung mabilis silang apat sa kaninang laban nila, mukhang triple pa ang bilis ng team captain nila. Hindi nila ito mapantayan. Kaya hindi na nakakapagtaka kung siya ang napili nilang leader.

Sinubukan pa rin nila itong labanan, pero ni daplis ay hindi nila nagawa. Kaya natapos ang laban nang hindi man lang nila nahahawakan si Tyrone. Napatumba silang apat ng isa. He stared at me and I saw him smirk, but he still had no emotions.

"Iyan ang team captain namin!" sigaw nilang apat.

Matapos ang makalaglag-pangang training na iyon, nagpahinga muna ang ilan. Hindi pa kasi tapos ang training, mayroon pa silang gagawing pag-eensayo kasama ang ibang teams gamit na ang special abilities nila. At hindi ko maintindihan, pero naeexcite akong masaksihan iyon. Bago lang kasi sa paningin ko ang makakita nito, at hindi naman lingid sa kaalaman ko na mayroon silang kapangyarihan na wala kami.

Nagpahinga lang sila saglit at maya-maya ay nagpasya nang kumain. Inaaya nila ako pero tumanggi ako. Hindi na nila ako pinilit pa. Ayaw ko kasing may masabi na naman ang ibang estudyante rito lalo na at isa akong outcast. At ang isang outcast ay hindi nabibilang dito.

"Come with us," iyon na naman ang malalim at malamig niyang boses.

"Hindi na. Okay lang ako. Kumain na rin naman ako kanina. Hindi pa ako gutom," pagtanggi ko sa alok niya.

Hindi siya umimik, at bigla na lamang siyang umalis. Hindi na ako nabigla pa sa iniasta niya kasi ganoon ang nakikita kong personality niya. Siya iyong tipo na hindi na pinapahaba pa ang diskurso. He's as cold as ice.

Ang totoo niyan, gutom na rin talaga ako kaso ayaw ko lang talagang sumama sa kanila kasi baka may masabi na naman ang iba. May trabaho akong dapat atupagin dito, at hindi ko na dapat sila pag-aksayahan pa ng oras.

Lumabas ako ng training center ng Black Team, at balak ko ngayong puntahan si Bea. Ang laki pala talaga nito. Habang naglalakad ako, nararamdaman ko na mayroong nakamasid sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero ang lakas ng pakiramdam ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

May malawak na hardin, malaki at makulay na fountain, at malawak na oval dito. Hindi ko pa ito kabisado kaya parang namamasyal ako sa kawalan. Saan ko kaya hahanapin si Bea?

"Alvira!" boses ni Bea.

Nilingon ko siya, at nakita ko na nasa canteen siya. Open area ang canteen dito sa 16th floor. Napakapresko ng paligid kasi napapalibutan ito ng mga puno, halaman, at naiilawan mula sa sikat ng araw. Maganda sigurong makita ang sunset dito.

"Alvira, kain na tayo rito," dagdag pa niya nang makalapit ako.

"Sige gutom na rin ako eh," saad ko naman.

Pumunta kami sa pwesto niya at nagulat ako nang makita kung sino ang mga kasama niya. Kasama niya ang Black Team. Diba orange ang team na naka-assign sa kanya? Bakit niya kasama ang mga 'yan?

"Hinahanap kita kanina, sakto namang nakasalubong ko sila kaya tinanong ko kung nasaan ka, tapos ayun inaya na nila akong kumain kasi pupunta ka rin naman dito," paliwanag niya. Hindi naman ako umimik dahil nahihiya ako. "Gutom ka na diba? Kuha ka lang nang marami doon."

Eukrania AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon