CHAPTER 17: Festival Of Magic (Part Seven)

25 3 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw; ito na ang panghuling araw ng Festival of Magic. Ngayong araw na rin ang final day para sa mga competition, mula sa Pageant, Magic Combat, hanggang sa Circus. Masasabi ko na mas naging kapana-panabik ang mga gawaing ito. Nakakatanggap kami ng mga good feedback mula sa faculty ng academy, pati na rin sa mga bisita.

Nakakataba ng puso ang mga natatanggap naming papuri mula sa kanila. Masaya ako na naging maganda ang kinahantungan ng paghahanda ng aming grupo. Hindi pa man lubusang natatapos, marami na ang bumabati sa amin, at karamihan ay mga propesor at estudyante ng Eukrania Academy.

Tatlong event ang mayroon sa araw na ito dahil ngayon na rin ang coronation, championship, at final performance ng mga kalahok sa iba't ibang patimpalak at pagtatanghal. Nasa top five na ang pageant na batid kong pinahirapan talaga ang mga judge sa pagpili sa kanila. Masyado kasi silang magagaling at competitive, pero hindi maiaalis na mayroon talagang mas kikinang sa kanila. Iyong magpapakita ng kakaibang galing sa lahat ng aspeto.

Sa Magic Combat naman, mayroong anim na final contenders ang natitira. Dalawa ang galing sa academy, at apat naman ang nagmula sa magkakaibang schools. Hindi ko na masyadong napanood ang laban nila dahil naging abala rin ako sa paghahanda sa Circus na gaganapin mamaya. Pero ang alam ko lang ay nakapasok sa Magic Six si Jerick, at hindi ko na kilala ang iba.

Panghuling aktibidad naman ang circus na aking iminungkahi sa event na ito. I feel excited and nervous at the same time. I did not have enough knowledge on the story line they have made, but I trust them with this thing. I guess they do not want to stain their academy's reputation as it will totally affect its business locally. The name is known by many, and it is something that should be cared for.

"Alvira, I have something to work with at this point in time. Could you manage eating alone in the cafeteria or what?" Alice said.

"Yeah. Sure. No problem," I said.

"Okay, I have to go. It's urgent," then she left the dorm.

We were all busy for this day. We had different tasks to deal with, and it was really tiring. But to see the satisfaction in the eyes of the people who were enjoying the event we have prepared for them, it somehow aided the suffering.

I had the courage to wander alone in the cafeteria. Mabuti na lang at hindi naman ako masyadong pinapansin ng mga taong nakakasalubong ko. May mangilan-ngilang napapasulyap sa gawi ko, pero ipinagpapatuloy din naman ang kanilang ginagawa.

Nang makahanap ako ng bakanteng pwesto, iyong pang-dalawahang mesa, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para umupo kaagad doon. Inilagay ko ang bag ko sa mismong table, at umorder ng pagkain. Kahit maraming kumakain ngayon sa cafeteria, hindi naman naging mabagal ang service nila. In fact, mas naging mabilis pa nga ang process ng pagkuha ng pagkain dahil dumoble ang man power nila.

Pagkarating ko sa table ay inilapag ko kaagad ang tray ng pagkain. Pasta with fried chicken at lemon juice ang binili ko. Magsisimula na sana akong kumain nang biglang umingay ang paligid. Nagtitilian ang mga estudyante, mga naghihiyawan. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil panigurado may nakita na naman silang gwapo o di kaya ay magandang nilalang.

"O.M.G. Siya iyon diba? Iyong galing sa Astrakhan Academy!"

"Oo. Siya nga iyon! Ano ngang pangalan niya? Nakalimutan ko na kaagad sa sobrang gwapo niya!"

"Ash?"

"Sana mapansin niya ako!"

"Waah! Sana ako rin!"

Nasanay na lang din ako sa ugali nila na ganiyan. Kapag nakakita ng kaaya-ayang nilalang, akala mo mga naging kiti-kiti. Hindi magkamayaw sa pagtili at sigaw. Hindi maitago ang kilig na nararamdaman.

Eukrania AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon