CHAPTER 22: The Training

43 3 0
                                    

"Alvira, may training nga pala tayo mamaya," paalala sa akin ni Alice.

"Oo nga pala. Muntik nang mawala sa isip ko. Salamat, Alice."

Sabay kaming pumunta sa classroom. Ang mga kaklase namin ay abala sa kanilang mga ginagawa. Ang iba ay nagpapatugtog ng music sa cellphone nila. Ang iba ay nagbabasa ng libro. Ang iba naman ay abala sa pagkukwentuhan.

Hindi na ganoon ka-big deal para sa kanila ang presensiya ko sa klase. O baka iyon lang ang akala ko. Feeling ko natatakot lang sila na magsalita o gumawa ng masama sa akin dahil lagi kong kasama ang Dark Noxis. Hindi ko naman sila mapipilit na magustuhan ako. Mababa ang tingin nila sa akin dahil isa akong outcast. Pero hindi ibig sabihin noon ay mababa na rin ang tingin ko sa aking sarili.

Natutunan ko sa aking lola kung paano pahalagahan ang aking sarili. Lagi niyang sinasabi sa akin na mahalin ko ang aking sarili gaya ng pagmamahal niya sa akin. Ganoon niya ako kamahal, at napakaswerte ko sa kanya.

"Hey, Alvira," biglang tumabi sa akin si George. "Ready ka na ba mamaya?"

"Medyo kinakabahan ako kasi isang beses pa lang yata ako nakapag-training. Tapos marami pang nangyari sa loob lamang ng ilang linggo. Baka nakalimutan ko na kung paano."

"Hindi 'yan. Magtiwala ka lang palagi sa sarili mo," nakangiti niyang sabi.

Tumango na lamang ako at ngumiti sa kanya. Natutuwa ako na bumalik na siya sa personality niyang iyan. Iyong puro positive outlooks in life, good vibes, at masiyahin. Ilang araw na rin mula noong birthday niya. Hindi na siya pinilit ng mga magulang niya na magpakasal kay Francine, basta hiwalayan niya lang daw ako. Masyado raw kasing panira ang pakikipag-relasyon niya sa isang outcast na kagaya ko sa reputasyon ng pamilya nila.

Hindi siya pumayag noong una, pero sinabihan ko siya na sundin na lang ang kagustuhan ng mga magulang niya. Tutal nakuha naman namin ang gusto niyang mangyari. At doon na nga natapos ang kasunduan naming dalawa. Masaya ako dahil nakatulong ako sa kanya. Hindi naman natuwa ang ate niya dahil boto raw siya sa akin. Pero dahil sinabi naman ni George na wala pa ang pokus ko sa mga ganyang bagay, natawa na lamang ang ate niya.

Maya-maya ay dumating ang professor namin sa Philosophy. Mahahalata mo na inaantok ang aking mga kaklase sa subject na ito dahil ang ilan sa kanila ay pasimpleng humihikab, tumutungo, at bumabagsak ang ulo. Ganoon din ang mga kagrupo ko. Ako lang yata ang interesado sa pakikinig sa kanya.

"What do you think is the importance of having philosophical views in life? Anybody from the class?" he asked.

Walang nagtangkang sumagot sa tanong niya. Hindi sila nagpapakita ng interes sa topic, at pawang mga inaantok. Sinubukan ko namang magtaas ng kamay na ikinabigla ng ilan.

"Yes, Miss Hawthorne?" tila nagningning ang mga mata niya.

"Sir, for me, it is absolutely essential for us to have our own philosophical view in life as it greatly affects how we live as an individual. Our actions, philosophy, and principles in life could impact the people around us. Hence, it could be in a positive or negative way. And like what these known Western philosophers had contributed to our society today, I think that living your life knowing that you have somehow influenced and inspired others could give you the satisfaction, and that you will probably feel the significance of your life in this world."

A moment of silence has enveloped us.

Then, I heard all of them clapped their hands.

"What a great answer indeed, Miss Alvira Hawthorne," he delightedly said. "Thank you for that meaningful answer."

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ang klase namin sa kanya. Pumunta na rin kami sa cafeteria kasi break time na.

"Ang galing mo kanina, Alvira. Hindi ko alam na matalino ka pala," Erica complimented me.

Eukrania AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora