CHAPTER 4: The Upper Class

39 3 0
                                    

I am here in our dormitory lying in my bed, while Bea is sitting on the couch beside me.

"Grabe! What happened earlier was fantastically amazing!" hindi niya mapigilang sabi. "They are too powerful, na hindi na tinuloy at tinapos pa ang Survival Game dahil kitang-kita naman kung sino ang karapat-dapat magrepresenta nitong academy nila. Just wow lang talaga."

Yes, you heard it right. Hindi na tinapos pa ang competition dahil wala nang natirang dark creatures para sa ibang team.

Tyrone Calix— the team captain of Dark Noxis, possessing one of the rarest abilities in the entirety of La Mahika, which is Dark Magic that has the power to control dark aspects of this universe, mainly fear and death. He also has the ability of Creature Control in which he is able to control any magical creature.

Hindi na talaga nakakapagtaka kung bakit ganoon na lamang siya ka-cold, at mararamdaman mo talaga ang higher authority sa bawat kilos niya. He totally deserves the position.

A knock in our door interrupted us.

"Ako na magbubukas," agad tumayo si Bea para pagbuksan ang taong kumakatok sa labas.

"Uh. Hi, Bea," wika ng pamilyar na boses. George.

"Hello. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" yumuko pa siya para magbigay galang sa Dark Noxis.

"No need to do that. We're not kings nor queens," he laughed.

Mukhang hindi lang siya ang nagpunta rito, kundi ang buong team nila. Tumayo ako para salubungin sila. Doon ko napagtanto na kulang sila ng isa, ang team captain nila.

"Hi, Alvira," masigla niya ring bati sa akin.

"Hello. Bakit pala kayo naparito? May kailangan po ba akong gampanan na tungkulin sa inyo?" nakangiti at magalang kong tanong sa kanila.

"Isa ka pa, don't use "po" again when we talk, nakatatanda masyado," pabiro niyang wika. "By the way, we're just here to invite you guys to come in our mini victory party mamaya, you know simpleng celebration lang sa pagkapanalo namin kanina. I saw you guys supporting us, so wala naman sigurong masama kung iimbitahan namin kayo, right guys?" tanong pa niya sa mga ka-team mates niya.

"Oo naman. We will be glad if you will come tonight," Erica cheerfully stated.

"Yes, we will definitely come, right Alvira?" Bea asked me, or rather forcing me. Ngumiti na lang ako nang pilit dahil paniguradong mangungulit lang din sila. Masaya silang umalis, as if sobrang importante naming bisita para sa party nila.

6 o'clock ng gabi ang usapang kitaan sa gate ng academy. Hindi ko inaasahan na makalalabas kami sa unang pagkakataon mula noong pumasok kami sa academy na ito.

Dark Noxis is allowed to come in and out the academy whenever they want, clearly showing how privileged they are. I wonder anong feeling ng ganoong sitwasyon nila. Magiging masaya ba ako kung nandoon ako sa posisyon nila ngayon?

It's exactly 6 p.m. and we're already here at the gate. Guards were not allowing us to go outside, they strictly told us to just stay inside. Sinabi ko nga rito kay Bea na huwag na lang tumuloy. Hindi naman siguro kami kalaking kawalan sa pagtitipon nila. Isa pa, sa rami ba naman ng bisita nila, malamang hindi na kami maaalala ng mga iyon.

"Ano ka ba? We need to trust them. Plus, ito ang unang pagkakataon na makakaattend tayo sa isang pagtitipon ng mga Elite. I think we should consider them as friends now," ani Bea.

Yeah right. Should I call myself lucky then? I didn't even want to be here in the first place.

"You know what, we're too priviliged to enter their world. We're outcasts, and we should be lucky to be friends with them knowing that they are elites, not just elites but the strongest team in the well-known Eukrania de Aurelius Academy," mahaba pa niyang dagdag.

Eukrania AcademyWhere stories live. Discover now