CHAPTER 6: Intruders

35 3 0
                                    

Agad akong napabalikwas ng tayo sa aking pagkakahiga nang tatlong beses na magkakasunod na katok ang aking narinig. Pumunta ako sa pintuan para buksan ang pinto.

Nakahiga lang naman ako sa aking higaan at nag-iisip nang malalim dahil may bumabagabag sa aking isipan, at hindi ko mawari kung ano ito.

"Hi. How are you?" nabigla ako sa presensya niya, at nakapagtatakang mag-isa lang siyang pumunta rito.

"Okay lang naman ako. Bakit ka pala naparito?" sabi ko, na sana hindi rude ang dating sa kanya.

"Hindi mo ba ako patutuluyin?" natatawa niyang wika.

Masyado kasing mahigpit ang pagkakahawak ko sa doorknob at parang walang balak na bitawan. Siya ang una kong pinapasok sa loob ng silid, sumunod naman ako. Maliit lamang ang kwartong ito, sapat na sana sa amin ni Bea kaso wala na siya. Kaya sa tingin ko, higit na ang laki nito para sa isang katulad ko.

"Okay ka lang ba rito? Baka gusto mong doon na lang sa dorm namin nila Alice tumuloy. May isa pa namang bakante roon," aniya habang pinagmamasdan ang bawat espasyo ng silid.

"Hindi na. Okay na ako rito. Salamat na lang," nakangiti kong sambit.

"Magpapadala na lang ako ng mga bagong kagamitan dito para mas maging komportable ang pananatili mo rito sa academy," anunsyo niya.

"George, salamat, pero hindi mo na kailangan pang gawin ang bagay na iyon. Okay na ako sa kung anong mayroon dito. Isa pa, maayos naman ang mga kagamitan at sanay naman na ako," matapat kong wika.

"Oh. Sige, sumabay ka na lang sa amin sa pagkain mamaya. Pumunta k-," pinutol ko ang sasabihin niya.

"Hindi na, George. Ayos lang talaga ako. Atsaka busog pa ako, kakakain ko lang din kasi. Salamat na lang," sabi ko.

Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. "Alvira, I have to go. If you need something, just tell me or them, okay?"

Tumango na lamang ako para hindi na tumagal pa ang usapan. Nagpaalam siya at agad na lumabas. Mukhang may importanteng bagay siyang kailangan gawin.

Napahinga ako nang malalim habang iniisip ang mga bagay na nagawa ng Dark Noxis para sa amin. Kaunti pa lamang iyon kung tutuusin, pero sobra-sobra na ito para sa akin.

Isinarado ko na ang pinto, at humiga na sa kama. Magdamag akong nag-isip kanina kaya hindi ko namalayan na gabi na pala. Katulad nga ng sinabi ko kay George, kumain na ako. May baon kasi akong kamoteng kahoy, inilagay pala ito ng lola sa bag ko kaya ganoon na lamang ang bigat nito nang buhatin ko.

Nabigyan ko pa si Bea bago siya umuwi sa kanila. Hindi ko na kasi siya naayang kumain nito noong nandito pa siya kasi lagi siyang nag-aaya na kumain sa cafeteria. Kaya ito na lang ang kakainin ko ngayon. Paborito ko kaya ito, lagi nga akong nagpapadala nito kay lola bago siya umuwi ng bahay. Imbes na kumain ng kanin at ulam, kamoteng kahoy ang kinakain ko.

Pinikit ko ang aking mga mata, at sinubukang matulog. Ilang minuto ang lumipas, pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi maganda ang pakiramdam ko.

Lumabas ako ng dorm, at naglakad sa hallway. The lights are dim. Wala akong naririnig na ingay, sobrang tahimik lang ng paligid. Patuloy lang ako sa paglalakad nang may marinig akong dalawang estudyanteng nag-uusap habang naglalakad papunta sa gawi ko, kaya nagtago ako sa isang sulok kung saan alam kong hindi ako makikita.

"Sigurado ka tol? May nakapasok na kalaban sa La Mahika?" wika ng lalaking estudyante.

"Oo, pre. Kinuwento sa akin ng class president namin, huwag ko raw ipagsasabi pero mukhang kalat na rin naman sa buong academy. Hindi raw pang-karaniwan ang mga halimaw na ito. Mapinsala ang mga nilalang na iyon, at pumapatay din," sagot naman ng isa.

Eukrania AcademyWhere stories live. Discover now