CHAPTER 1: The Start

68 5 0
                                    

Nakasakay ako ngayon kasama ang iba pang outcasts ng La Mahika Boundary, na nasa mahigit isandaan, sa isang malaking sasakyan na parang truck ngunit may upuan sa magkabilang gilid. 

The community of outcasts was named as Harthwaite Town, and I live here.

Hindi ko alam kung ano ang mismong pupuntahan namin. I've never been there before. Wala akong ideya sa kung ano ang itsura ng lugar na ito. The only thing I know is that it is more civilized than ours.

Nadaanan namin ang Cappadocia Market kung saan kami lagi namamalengke ng lola ko. Dito rin idini-deliver ang mga kahoy na nabangkal namin. Napadpad din kami sa Palperoth Academy kung saan ako nag-aaral. It's just a simple school for outcasts like me. Nothing special.

Marami pa kaming nadaanan bago namin natunton ang pinakaboundary ng La Mahika gaya ng Penrith Park kung saan ako lagi tumatambay kapag may vacant time ako sa school kasi matatanaw mo rito ang Harthwaite River kung saan hinango ang pangalan ng bayan namin.

Isang saglit lang ay tumawid na kami sa Harthwaite Bridge.

"Hakina Zipaya," bati ng isang tagabantay sa driver ng sinasakyan namin. Isa itong uri ng pagbati. Maihahantulad sa 'Magandang Araw' o 'Magandang Umaga'.

Nandito na pala kami sa boundary ng mga Elites at Outcasts. Sinilip kami ng tagabantay, sinuri saglit. Maya-maya ay nagsimula muling umandar ang sasakyan. Mahaba-haba rin ang biyahe. Sumilip ako sa bintana, sa tabi ko. Natatanaw ko ang mga nagsisitaasang gusali, taliwas sa mapunong lugar sa amin.

Minsan naitanong ko sa aking sarili,

Bakit lagi na lang may diskriminasyon?

Bakit hindi na lang kami biniyayaan lahat ng kapangyarihan?

Bakit lagi na lang may hindi pagkakapantay-pantay?

Pero kahit ano pang isipin ko, wala na rin naman akong magagawa. Ganito talaga ang buhay. I have to accept my fate, and make the best out of it.

"Maaari na kayong bumaba," wika ng lalaking nakasuot ng itim na uniporme, at masasabi ko na mas mataas ang posisyon niya kumpara sa mga kasama niya dahil sa pin na may nakaukit na limang moon symbol malapit sa collar niya.

Ngayon ko lang napansin ang mga kasamahan ko. Ang ilan sa kanila ay bata, nasa hustong edad, at matatanda na. Hindi ko lubos maisip kung ang lola ko pa ang nasa sitwasyon ko ngayon. Ayaw na ayaw kong nakikita siyang nahihirapan. Hangga't makakaya ko ay gagawin ko alang-alang sa kanya.

Isa-isa kaming bumaba ng truck na sinakyan namin. Nahuli na akong bumaba dahil halos magsiksikan sila sa pagbaba.

"Welcome to the Elite Society of La Mahika. It must be an honour to each and everyone of you to stand your feet in our world," seryosong wika ng isang babaeng nasa mid 20s na nakasuot ng formal attire.

Namangha ako sa ganda ng lugar na mayroon dito. Napakamoderno at nakamamangha ang lahat ng bagay na nakikita ko ngayon— mga nagsisitaasang gusali, malawak na hardin, mga modernong kagamitan, at iba pa.

"By the way, I am Ms. Helefina. I assess everything about La Mahika— Elite and Outcast Society," wika niya sa pormal na pamamaraan. "At inaasahan ko na sa isang linggong pananatili niyo sa Elite Society ay magagampanan niyo nang maayos ang mga nakaatas na trabaho sa inyo. Maaasahan ko ba ito?"

Hindi kumibo ang mga kasamahan ko. Natatakot yata. Naghihintay naman si Ms. Helefina ng sagot mula sa amin.

"Makaaasa po kayo," ako na lang ang sumagot. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Good. Okay, Arthur, guide them to their dormitories," pumitik lamang siya sa ere at kusa na siyang nawala. Literal akong napanganga sa ginawa niya. Batid kong maging ang mga kasamahan ko ay namangha rin sa nakita, dahil wala namang ganito sa lugar namin.

Eukrania AcademyΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα