CHAPTER 26: Aztrakhan District

37 3 0
                                    

"Ano ba talagang nangyari?" nakakunot-noong tanong ng isang lalaking nasa mid-40s. Ini-interview niya kami sa nangyaring labanan sa pagitan ng grupo nila at grupo namin. Dahil hindi pa rin mawala ang init ng ulo ni Erica sa nakalaban namin, si Miguel na ang nagpaliwanag. Sa mga ganitong sitwasyon kasi mas capable si Erica na makipag-diskurso dahil sa self-confidence na mayroon siya. Actually, she has good communication skills.

"Nasa biyahe po kami pabalik sa district namin nang bigla nila kaming atakihin," paliwanag ni Miguel. "We asked them to stop, but they did not want to end it."

Tumingin naman si Sir Warren Salvador sa grupo ng nakalaban namin. Siya ang councilor ng district na ito. Mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ni Miguel. May hint ng doubt sa mukha niya, at hindi ko alam kung bakit.

"Totoo ba iyon, Brix?" tanong niya sa leader nila.

"Councilor Salvador, hindi ko po talaga matandaan kung anong nangyari. Wala po kaming maalala," nangangamba niyang sabi.

"Paanong nangyaring wala kayong matandaan, eh kitang-kita namin kung paano ka gumawa ng malaking fireball sa kamay mo," giit ng councilor.

"Iyon nga po ang nakakapagtaka eh. Wala talaga kaming matandaan. Ang huling alaala namin bago kami magising dito ay iyong naglalakad kami sa gubat pabalik sa dorm ng academy," paliwanag noong babaeng nagteteleport, na nagpakilalang si Raquel.

"Totoo po ang sinasabi ni Raquel. Nag-ensayo po kami sa gubat. Tapos noong pauwi na po kami ay biglang naging blangko ang lahat," dagdag naman ni Gwen, ang babaeng nakakapag-manipulate ng weather.

"Teka teka. Naguguluhan ako," halos mapakamot na sa ulo ang councilor. "So, sinasabi niyo na kumilos ang mga katawan niyo nang hindi niyo alam?"

Nagkatinginan sila. "Mahirap mang paniwalaan, pero parang ganoon nga ang nangyari."

Noong magre-release na sana si Brix ng fireball patungo sa amin, nabalutan kaming lahat ng isang parang malaking shield. Ipinaliwanag naman ni Councilor Salvador na ito ay isang magic repellent na kung saan hindi magagamit ng sinumang tao ang kanilang kapangyarihan sa ilalim nito. Ang instrumentong ito ay karaniwang nasa kamay ng mga taong nangangalaga sa kaligtasan ng mga taong naninirahan sa kani-kanilang district.

Ngayon ay nasa Daemarrel District Office kami. Na-sense raw nila ang napakalakas na enerhiya mula sa kinaroroonan namin, kaya agad-agad silang kumilos para i-check kung anong mayroon. Doon na nga nila kami namataan, at kung hindi sila dumating ay baka wala na kami ngayon. May ginamit din silang pampatulog para madali nila kaming makontrol.

"May napansin akong kakaiba. Na-absorb nila ang kapangyarihan ni Tyrone. Walang taong may kakayahang mag-absorb ng magic energy ng iba. Paano nangyari 'yun?" Alice said.

Binalot ng katahimikan ang lahat. May mali talaga sa nangyari. Oo nga, tama! May napansin din akong kakaiba.

"May na-obserbahan din ako kanina habang naglalaban ang lahat. Noong una, napansin ko na sabay-sabay silang ngumisi. Para silang robot. Naging all-black ang mga mata nila, pero mabilis ding bumalik sa dati. Akala ko namamalik-mata lang ako, pero kada umaatake sila ay nagiging buong kulay itim ang mga mata nila," paliwanag ko.

Lahat ng atensyon nila ay natuon sa akin. Nag-iisip din nang malalim.

"Hindi ko ito napansin," ani Alice na parang inaalala ang bawat eksena kanina. Hindi rin daw ito napansin nila Miguel.

"I think they were possessed," I said.

Natahimik ulit ang lahat, pero batid kong kino-consider nila ang bagay na sinabi ko. It's the same case with that guy who nearly raped me. Sinabi niya na parang may sumanib sa kanyang malakas na enerhiya, kaya halos mapatay niya na si George noong mga time na 'yun. Pero ang pinagkaiba, itong grupo na ito ay walang alam sa nangyari.

Eukrania AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon