CHAPTER 21: To Keep

33 3 0
                                    

"... my one and only son, George Brando Jr. and his wife-to-be Francine Dela Vega."

Nagsipalakpakan naman ang mga taong naririto ngayon, kabilang na ako. Nakabibigla lang na ngayon ang tinutukoy niyang engagement party, kasabay ng birthday niya. Hindi ko talaga inaasahan ang mga kaganapang ito. Hindi man lang niya sinabi sa akin na ngayon pala ang kaarawan niya. Tumingin ako kila Erica pero binigyan lang nila ako ng isang awkward na ngiti na parang may halong konsensya. Hays.

Nabigla naman ako nang naglakad papalapit sa akin si George. Nagsimula nang magsibulungan ang mga tao. Maging ako ay naguguluhan.

"Anong ginagawa niya? Sino naman 'yan?" wika ng ilan.

"Totoo ba ang bali-balita na may kasintahan na siya?"

"Jusko! Sayang naman ang angkang pinanggalingan niya kung dyan siya mapupunta."

"Isang 'yang outcast, 'diba?"

"Oo, wala akong nase-sense na magic power sa kanya."

Hindi ko na alam kung saan ko ba itututok ang aking atensyon dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari, at medyo naguguluhan na ako.

Nang makalapit siya sa akin ay inilahad niya ang kanyang kanang kamay habang nasa likod naman ang isa.

"Do you trust me, Alvira? " bulong niya.

Ngumiti siya. Isang matamis na ngiti na walang halong pagkukunwari. Wala akong ideya kung bakit nagagawa niya pa ang mga ganito, gayong nasa ilalim kami ng isang mainit at hindi komportableng sitwasyon. Pero kahit na ganoon, may tiwala ako sa kanya. Alam ko na sa gagawin naming ito, matutulungan ko siya. May patutungahan ang aming plano, at kami ay magtatagumpay.

Inabot ko ang kamay niya, saka ngumiti. "I trust you, George."

Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga bisita. Ganoon na lang din kalakas ang kabog ng dibdib ko, pero kailangan ko itong harapin. Para sa kaibigan ko, para kay George.

Pumunta kami sa pinaka-sentro ng event kung saan naroroon ang parents ni George at ni Francine. Nakakunot ang noo ng mga magulang nila, at mababakas mo ang galit doon. Si Francine naman ay nakangiti lang sa bandang gilid, tila masaya sa hakbang na ginagawa ni George. I guess, hindi rin niya gusto ang engagement na magaganap.

"What's the meaning of this, George?" his dad asked furiously, but still maintaining his composure.

Humarap si George sa napakaraming bisita habang mahigpit na nakahawak sa aking kamay.

"I want to introduce to all of you my girlfriend, Alvira Hawthorne."

Naging tahimik ang buong paligid. Ang tanging naririnig ko lang ay ang pagtibok ng puso ko. Alam ko na anumang oras ngayon ay tataas ang tensyon sa pagitan nila.

"He's just kidding. My son is-."

"No, dad. I am dead serious. She is my girlfriend. I will not marry Francine," George said calmly, but I know how tense he was.

Natahimik ang daddy niya, at alam ko na kumukulo na ang dugo niya dahil namumula ito sa galit. Pilit man niyang itago ay halatang hindi niya nagugustuhan ang pinagsasabi ng anak niya.

"I cannot believe that you are doing this right now, George. I am so disappointed with you," may diin sa mga salitang sinabi niya. "But no. We already talked about this, and we have already settled everything. You are going to marry her, whether you like it or not," may pagbabanta sa boses ng daddy niya.

"No, tito," biglang nagsalita sa Francine na ikinabigla naming lahat. "I do not want to marry him either because I also have my boyfriend here."

Maya-maya ay lumapit ang isang matipunong lalaki mula sa crowd, at saka humawak sa kamay ni Francine.

Eukrania AcademyWhere stories live. Discover now