CHAPTER 28: Troubled Mind

33 2 0
                                    

Ilang minuto lang ang ginugol namin sa pagpunta sa bayan kung nasaan ang mga kilalang establisyemento sa Aurelius District. Ngayon lang ako nakarating dito. Maganda ang lugar na ito, kaya hindi ko mapigilang mamangha.

Mayroong mga nagsisitaasang building: malls, restaurants, companies, at iba pa. Buhay na buhay ang siyudad na ito. Nagpark si Tyrone sa harap ng plaza. May mga shop dito na pinipilahan talaga ng mga tao. Doon kami pumunta sa isang restaurant na halos walang tao.

"Good morning, Sir and Ma'am. Please come in," inalalayan kami ng isang staff papasok sa loob. Pumwesto kami sa bandang gitna, sa gilid. Gawa sa salamin ang paligid kaya kita namin ang mga taong naglalakad sa labas, at ang mga sasakyang dumaraan. Inabot niya sa amin ang menu.

"Thank you," sabi ko.

Tiningnan ko ang menu at halos malula ako sa presyo ng mga nandito. Kaya siguro kaunti lang ang nandito kasi halos kapresyo na ng ginto ang mga pagkain at inumin dito. Tumingin ako kay Tyrone.

"What's the matter?" aniya.

"Tyrone, wala akong pambayad nito. Hanap na lang tayo ng iba?"

"It's my treat. Order ka lang ng kahit anong gusto mo," he smiled.

"Busog naman talaga ako eh. Okay na sa akin ang tubig," mahina kong sabi.

"Don't think about the price. It's our time together that matters," seryoso niyang saad.

Sumang-ayon na lang ako sa sinabi niya. Masyado siyang seryoso eh. Sinabi ko na lang na kung ano ang sa kanya, ganoon na lang din ang sa akin. Naghintay kami ng ilang minuto.

Nakagugulat ang biglaang pagdami ng mga customer sa restaurant na ito. Kanina kasi, lima lang kaming customers ang nandito. Kami ni Tyrone, at iyong isang mag-anak. Tapos ngayon, halos mapuno na rin ang loob. Meron pa sa labas.

Dumating ang pagkain namin. Ang coffee namin ay napunta sa pagkain. Marami siyang inorder. Mga bago sa aking paningin.

"Hindi ko ito mauubos lahat," wika ko.

"Kaunti lang 'yan. Mauubos mo 'yan. Hindi naman tayo nagmamadali," nakangiti niyang sabi.

"Ang usapan kasi kape lang. Bakit tayo napunta sa restaurant?" pagrereklamo ko.

"Mag-gagabi na rin naman. Eto na ang hapunan natin," aniya.

Hindi na ako nagsalita pa, sa halip ay sinimulan ko na ang pagkain. Unti-unti na ring dumidilim ang paligid. Sa kabila ng paglamon ng kadiliman sa buong lugar, tila muli itong nabuhay dahil sa mga ilaw.

Nagtagal kami roon nang kalahating oras. Nagpasalamat sa amin ang staff na nag-assist sa amin kanina.

"Thank you, Sir and Ma'am. Dahil po sa dala niyong swerte, dumami ang customers namin ngayon."

Tumango na lang ako at nagpasalamat din. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"May swerte ka raw na dala," ani Tyrone.

"Ako? May dalang swerte? Paano?"

"Napansin mo naman yata na biglang dumami ang customers nila noong pumasok tayo kanina."

Natawa ako. "Ikaw ang may dalang swerte, hindi ako."

"Para walang away, tayong dalawa ang may dala ng swerte. Kaya dapat, lagi tayong magkasama."

Napahalakhak ako. "May tinatago ka rin palang kalokohan."

Natawa na lang din siya. Naglakad kami sa plaza. Maraming batang naglalaro rito. May mga magkasintahang nakaupo sa mga bench. May mga mag-anak din na pumapasyal.

Eukrania AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon