CHAPTER 30: The Eanverness Forest

34 2 1
                                    

Sa isang linggong nakalipas, wala namang masyadong nangyari, maliban na lang sa tensyong patuloy na namamagitan kina Tyrone at George. Tila nagpapaligsahan sila sa panliligaw sa akin, at nahihiya ako dahil saksi hindi lang ako at ang mga kaibigan ko, kundi ang buong Eukrania Academy. Kahit anong pigil ko sa kanila, hindi pa rin sila tumitigil.

"Ano bang gayuma ang ginamit ng babaeng iyan para pag-agawan siya ng dalawang lalaking hinahangaan ng lahat sa campus natin?"

"Oo nga, nang magamit ko rin para sa crush ko hihi."

Ilang beses ko nang sinabi sa kanila na itigil na ang ginagawa nila dahil gaya nga ng sabi ko noon, wala pa rito ang isip ko. Hindi pa pumapasok sa aking isipan ang pakikipag-relasyon, bagay na hindi nila maunawaan. I am not sure kung totoo ba talaga ang nararamdaman nila o baka nagpapataasan lang sila ng ego.

"Alvira, flowers for you," inabot sa akin ni George ang isang bouquet of flowers. Assorted ang mga bulaklak.

Tinanggap ko ito.

"George, please, itigil niyo na ito. Nauunawaan ko na may gusto kayo sa akin, gaya ng paulit-ulit niyong sinasabi sa akin, pero sana maintindihan niyo rin na wala pa ito sa aking isipan," sinabi ko iyon nang nakangiti.

"Alvira, pasensya na kung naiipit ka sa aming dalawa. Pero kasi, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sundin ang tinitibok ng puso ko, kaya sana hayaan mo na lang ako," nakangiti niyang wika. Nararamdaman ko ang sinseridad doon.

Batid ng nakararami na tutol ang mga magulang niya sa akin ⎯ ang ate niya lang siguro ang nakasuporta sa kanya. Noong una, natatakot siyang suwayin ang kanyang mga magulang, pero ngayon, tila wala na siyang pakialam sa kung anong iisipin at mararamdaman nila.

Sabay kaming kumain ni George sa cafeteria. Nakahiwalay kami sa aming grupo dahil ito ang napagkasunduan naming tatlo. Gumawa kami ng schedule para makaiwas sa gulo. Tuwing Monday and Wednesday kasama ko si Tyrone; Tuesday and Thursday naman ay kasama ko si George. Ngayon ay Thursday kaya si George ang kasama ko. Tuwing Friday naman ay magkakasama kami bilang isang team.

Hindi ito ang gusto kong set-up para sa aming lahat, pero wala na akong naisip na ibang paraan para maiwasan ang alitan nila. Naintindihan naman iyon nila Erica, at sobrang nahihiya na ako para sa kanila. Parang hindi makabubuti sa aming grupo na nagkakawatak-watak kami.

"Alam mo bang hindi ako makatulog kagabi kaiisip sa'yo, Alvira. Sa tuwing sasapit ang araw ng Lunes at Miyerkules, hindi ako makapaghintay na dumating ang araw ng Martes at Huwebes para makasama ka nang tayong dalawa lang," nakangiti niyang saad.

"George naman," hindi ko mapigilang matawa. "Lagi naman tayong nagkikita sa dorm at classroom. Lagi naman tayong magkakasama lahat."

"Iba pa rin kasi kapag tayong dalawa lang. Sobrang saya ng puso ko kapag kasama ka," sabi niya nang nakangiti.

Ngumiti ako. "Masaya rin ako kapag kasama ka, kasi kaibigan kita. Masaya ako kapag kasama ko kayong lahat."

"Aray, ang sakit naman nun. Na-friendzone lang ako," sabi niya na may aktong nakahawak pa sa dibdib niya.

Hindi ko mapigilang mapahalakhak. "Ano ka ba, George. Itigil mo nga 'yan. Baka isipin ng iba na sinaktan kita."

"Bakit? Hindi ba? Sinaktan mo ang puso ko," sabi niya na umaktong nagpupunas ng luha kahit wala naman. "Hindi, biro lang. Gusto lang talaga kita patawanin. Lalo ka kasing gumaganda kapag nakangiti at tumatawa ka."

Eukrania AcademyWhere stories live. Discover now