CHAPTER 12: Festival Of Magic (Part Two)

39 3 0
                                    

Pagkagising ko ay agad akong naligo at nag-ayos ng sarili. Sabay-sabay kaming nag-umagahan, as in kumpleto kaming lahat kasama ang team captain. Nakakapanibago pero mas okay na ito para naman maramdaman namin na isa kaming grupo rito.

Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ni Alice ang aming mga pinagkainan. Nagulat ako noong sabihin nilang magkakaroon kami ng schedule sa paghuhugas at paglilinis ng bahay. Masasabi ko na bukal sa kanilang kalooban ang ginawang desisyon dahil makikita sa kanilang mata ang genuineness at sincerity.

Eyes could tell what you rarely hear about.

Nakakataba ng puso na gagawin nila ang isang bagay na never pa nilang ginawa sa tanang buhay nila sa kadahilanang iyon ang aking ginawa. Naimpluwensiyahan sila ng napakaliit na bagay na ginawa ko kagabi, at masaya ako para roon. Kung tama ang aking interpretasyon, inilalagay nila ang sarili nila sa sitwasyon kung saan ako namulat.

And I love them for that.

Mabilis na lumipas ang oras. Buong klase ay excused kami dahil nag room-to-room operation kami sa pag-aanunsyo ng Festival of Magic sa academy. Marami ang natuwa sa ibinalita namin, at hindi magkamayaw sa pagsigaw. May iilan na parang wala lang, pero mas marami ang nae-excite sa event na ito. Ito ang kauna-unahan naming nagawa being the organizers of this awaited event, to inform all the students, personally. I hope this will lead to a success. I want all of them to be satisfied.

Then after class, we had a training; they trained me physically. It all went awesome. I indeed learned a lot from Miguel who was in-charge of my training sessions.

Nandito kami sa dorm para magpalit ng damit dahil magmi-meeting kami sa isang bahay na nakalaan lang para sa Dark Noxis. Ito ang kinuwento sa amin ni George noong nagkaroon sila ng party sa place ni Tyrone, iyong nanalo sila sa local competition. Sa Aston Park and Villages kung hindi ako nagkakamali at kung tama ang pagkakaalala ko. Pagkatapos naming magbihis ay agad kaming lumabas dahil naghihintay na sila George sa sasakyan. Bale kaming tatlo nina Alice at Erica ang naglalakad ngayon patungong parking lot. Kami na ang pupunta sa kanila para hindi na sila maghintay pa sa amin sa tapat ng building, at baka makaabala pa sila ng ibang tao.

"Iyong ideya pala ng pagkakaroon natin ng sched sa paghuhugas at paglilinis ng dorm ay nanggaling kay Tyrone," saad ni Erica habang naglalakad kami.

"Yeah, and it's kind of a good idea," Alice commented on my right side.

I didn't know what to respond. I was shocked. Why would he do that?

"Talaga? Bakit naman?" tanging nasambit ko.

"Hindi rin namin alam pero gusto ko ang bagay na iyon," Erica said. "I've never done that in my life, and I realized that it was something that I should have experienced doing before. Doing household chores."

They really took it as if it was a big deal. I couldn't say, maybe because they were really born to be elites, and let their wealth deal with everything around them.

"Oh. They're already here," sabi ni Miguel habang nakasandal sa likurang bahagi ng sasakyan ni George.

"Sorry for making you wait too long," Alice said. "You know, girl thing."

"We completely understand," George chuckled on the inside.

Tahimik lang kami buong biyahe. Nakarating kami sa safe house na tinutukoy nila. It may not be as huge as compared to what Tyrone has, but this place is enough. I mean, it's still big for them to live here. Houses here are just meters away from each other, and quite have similarities on its size and look. It is a two-storey house. From the modern structure and design up to the soothing interiors, it's indeed eye-catching. It just gives calm and comfort to anyone who stays in this place. I love how they blended the colors to suit with one another.

Eukrania AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon