CHAPTER 25: An Attack

36 2 0
                                    

Parami nang parami ang halimaw sa harapan namin, at hindi na magkamayaw sila George sa paglaban sa mga ito. Saan ba kasi ito nanggagaling? Ito talaga ang pinakaayaw ko sa lahat, iyong tutunganga ka lang at maghihintay na humupa ang gulo dahil wala ka namang magawa. I feel useless and I hate it.

"Just stay here beside me."

"I will protect you."

Hindi na bago sa akin ang mga salitang iyon, pero may naramdaman akong iba sa paraan niya ng pagsabi nito. Para bang may takot. Parang may pangamba. Seryoso naman siya, pero bakit I felt a lot of emotions by the way he said those words.

Inilagay niya ako sa kanyang likuran, at nagsimula na siyang lumaban. He manipulated these dark creatures using his magic. He made these monsters explode themselves. But doing it once was not good enough, as the number of these creatures continuously increased. Marami na silang napatay na halimaw, pero tila wala pa ito sa kalahati ng bilang ng mga nabubuhay. Sino ba ang gumagawa nito?

Hindi na ako nakatiis at kumuha ako ng kahoy sa isang tabi. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatulong sa grupo. Hindi pwedeng wala akong gagawin, habang sila ay nagpapakahirap sa pakikipaglaban.

May naaninag ako sa likod ng puno sa di kalayuan. Pakiramdam ko may taong kumokontrol sa mga halimaw na ito, at siya iyon. Marahan akong tumakbo papunta sa direksyon niya, at mukhang natunugan niya ang kilos ko, kaya dali-dali siyang umalis doon. Binato ko ang hawak kong kahoy papunta sa kanya, at natamaan ko siya. Pero nang makarating ako sa kinaroroonan niya, wala na siya. Tila ba nag-teleport siya. Napansin ko na nawala na rin ang mga halimaw. Tama nga ako ng hinala, may taong kumokontrol sa mga ito.

"Alvira, are you okay?" George asked worriedly.

"Yes, I am okay."

"It suddenly stopped," Alice said confusedly.

"May taong nasa likod nito. Nakita ko siya kanina rito, pero bigla siyang nawala," paliwanag ko.

"Diba sinabi ko na manatili ka lang sa tabi ko? Paano kung may ginawa iyon sa'yo, may laban ka ba? Ang tigas ng ulo mo," Tyrone said furiously.

"Pasensya na. Gusto ko lang naman tumulong," I apologized.

"Tyrone, she saved us this time. We should, at least, thank her, right?" Erica said.

"Thank you, Alvira. We are all exhausted. Our magic seemed exhausted, too. Hindi namin alam kung hanggang kailan ang itatagal nito," Miguel said.

I just smiled.

"Next time, matuto kang sumunod sa nakaaangat sa'yo. Don't think na magkakapantay-pantay tayo rito," Tyrone said coldly. Tumalikod siya sa amin at naglakad palayo.

"Don't mind him. Nag-aalala lang iyon. He's our team captain kaya kargo niya tayong lahat kahit pa nasa labas tayo ng academy. He feels responsible for all of us," Alice said.

"Yes, Alice. I understand. And I am so sorry guys, gusto ko lang din talaga makatulong."

"Naiintindihan kita, Alvira. Naiintindihan ka namin. Malaki ang naitulong mo ngayon. You should be proud of yourself kasi we are so proud of you," George said.

"Thank you," I smiled.

We decided to call it a day. Nagpahinga muna kaming lahat. It has been a tiring day for all of us. Mula sa pagbiyahe, mountain hiking, hanggang sa pakikipaglaban sa mga halimaw, nakakapagod talaga.

Hindi ako makatulog nang maayos, kaya naisipan kong pumunta muna sa isang tabi. Tanaw ko ang bayan mula rito. Mga sasakyang umaandar. Mga taong naglalakad. Napakagandang pagmasdan.

Eukrania AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon