CHAPTER 9: Saved

33 3 0
                                    

"Woah! This is it!"

Nakasakay kami sa isang ride na kanina pa kinukulit ni George sa amin. Hindi kasi siya tumigil sa pangungulit sa amin hangga't hindi kami pumapayag na sumakay sa paborito niyang Roller Coaster ride dito sa city. Matagal na raw kasi magmula noong huli siyang sumakay dito.

Hindi ko pa nasusubukang sumakay sa ganitong klaseng ride, dahil wala namang ganito sa bayan namin. Kaya hindi ko alam kung anong pakiramdam kapag nagsimula na itong umandar. Sabi niya, magiging masaya raw ako sa karanasang ito kaya pumayag ako, pero mukhang nagkamali ako ng naging desisyon. Mabilis na umarangkada itong sinasakyan namin, at tila mahihiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan. Kasabay ng malakas na hangin sa itaas, bigla na lamang itong bumaliktad. Mabilis ang mga pangyayari. Gusto kong sumigaw, pero hindi ko magawa.

"Let out a shout," sabi ni George sa tabi ko. "You'll enjoy it better that way."

Rinig na rinig ko ang malalakas na sigawan at tilian ng mga taong nakasay din dito kasama ko. Kaya sinubukan ko na ring sumigaw, sabay taas sa ere ng aking mga kamay.

"Waaahhh!"

Tama nga si George. Sa pamamagitan ng pagsigaw, tila nawala ang tensyong naipon sa aking katawan. Para kasing may paru-paro o anong kumukulo sa tiyan ko kaninang hindi pa ako sumisigaw. Matapos ang mahigit tatlong minuto ay natapos din ito. Bumaba kami at kapansin-pansin ang mga taong nakasabay namin na tila nahihilo at masusuka pa anumang oras ngayon.

"Yes! That was great!" komento ni Miguel.

"Do you want another one?" pagbibiro ni George.

"No way! Ayoko na ulit subukan iyan!" pagmamaktol ni Erica na nagpalit ng suot bago sumakay ng roller coaster ride dahil naka-dress siya kanina. "Para akong maduduwal."

"Hindi ka kasi yata sumigaw. Hindi sa lahat ng oras kailangan mong tiisin at kimkimin ang mga bagay na nagpapahirap sa iyo, dahil minsan kailangan mo rin itong ilabas para hindi ka maapektuhan sa huli," wika ni George.

"Actually, na-enjoy ko siya," komento naman ni Alice. "Ikaw, Alvira?"

Kung alam mo lang, halos isumpa ko na ang ride na iyan kanina, buti na lang nasabihan ako ni George kung anong dapat gawin para kahit papaano ay maibsan ang kabang naramdaman ko.

"Masaya naman," sabay tumingin ako kay George at napangiti.

Hindi kasi nila nakita ang reaksyon ko kanina dahil abala sila sa sarili nilang pagtatangka na labanan ang kakaibang pakiramdam na dulot nito. At isa pa, nasa likurang bahagi sila, habang nasa unahan naman kami ni George.

Sa kabilang banda, tila nakatatak na sa aking isipan ang kagandahan ng lugar na ito lalo na noong sumakay kami kanina sa Ferris Wheel. Magkakasama kami sa iisang cabin or passenger car. Inilabas ni Miguel ang dala niyang camera at kinuhanan ng imahe ang magandang tanawin. At bago kami bumaba ay pinakiusapan niya ang isang staff na kuhanan kami ng litrato nang magkakasama.

"Sayang wala ang team captain," komento pa ni Erica.

"Makukumpleto rin tayo balang araw," wika ni Alice.

~•~

Bago kami umuwi ay kumain muna kami sa isang restaurant malapit sa dagat. Masarap ang mga pagkain doon, puro seafoods. Halos hindi magkamayaw ang mga tao na kuhanan ng litrato ang papalubog na araw kasama sila dahil sa magandang lighting na ibinibigay nito. Ganoon din ang ginawa ni Miguel, kinuhanan niya ng litrato ang sunset habang ang liwanag nito ay nagre-reflect sa tubig ng dagat. I bet he's into photography. The way how he looks for the right angle and capture its extravagant beauty, he's a pro.

Eukrania AcademyWhere stories live. Discover now