CHAPTER 20: The Favor

28 3 0
                                    

Habang naglalakad ako patungo sa library, namataan ko si George na naglalakad na parang wala sa sarili. Nakalagay sa magkabilang bulsa ang kanyang dalawang kamay. Nakatingin sa ibaba na parang lutang.

"Hey, George!" tumakbo na ako palapit sa kanya, hindi ininda ang mataas na sikat ng araw. Nang makalapit ako sa kanya ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na magtanong. "Alam mo sa sandaling panahon na nakilala kita, kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko kung may problema ka ba o wala. Pwede ka namang mag-open-up sa akin, unless hindi mo ako pinagkakatiwalaan, okay lang naman."

Tumingin siya sa akin at ngumiti, pero kahit anong gawin niyang pagkukubli, hindi nawawala ang lungkot sa kanyang mga mata. "Let's have a coffee?"

Dahil doon din naman ang gawi ko, sinamahan ko na siya. Besides, sa tingin ko, kailangan niya ng makakausap ngayon at mapaglalabasan ng hinanaing sa buhay. At kaibigan ko siya, kaya kailangan ko siyang damayan.

There were few students at the shop, minding their own business as usual. Buti na lang at hindi ganoon ka-big deal ang presence namin para sa kanila. So, we could talk without bothering they would hear us.

"Spill the tea," I said as we were done on our orders.

"You know that I trust you so much that I would tell you what's been bothering me the past few days," he became serious, and that's the signal that it was going to be serious.

For a few moments, our orders came. Humigop ako nang kaunti sa aking kape, ganoon din naman si George. Ngayon ko pa lang siya nakitang ganito magmula noong nakilala ko siya dahil napakamasayahin niyang tao. Gaya nga ng sinabi ko sa kanya kanina, malalaman ko kaagad kung kailan siya may problema.

Naubos namin ang kape na inorder namin, at napagpasyahan namin na pumunta sa isang tahimik na lugar. Dumarami na kasi ang mga tao sa shop, at mukhang kailangan namin ng isang lugar kung saan magiging komportable siyang maglabas ng damdamin.

"Go ahead. Tell me."

"I don't actually know where to start," he said looking at the view at front of us. We're on the field beside a lake. "But, my parents want me to marry someone whom I don't love so does she for me. I know that it may sound absurd and ridiculous, but it just is. I could not afford to be with someone and spend my whole life with her without a genuine will to do so."

He looked at me.

"Alam ko na bago sa iyo ang ganito, pero kailangan ko ang tulong mo."

"Wait. Paano kita matutulungan? 'Wag mong sab-"

"I need you to be my girlfriend."

"W-What? Are you serious?" I chuckled.

"Alvira, listen to me, okay? They are so desperate to keep their wealth safe. Ayaw nilang lumabas ang pera sa pamilya namin kaya nakipagkasunduan sila sa pamilya na sobrang malapit sa pamilya namin. Mayaman sila, mayaman kami. Walang masasayang na pera, walang lalabas na kayamanan," he continued. "Ganoon sila makasarili. Iniisip nila kung ano lang ang makabubuti para sa kanila, ni hindi nila inisip kung magiging masaya ba ako sa desisyon nila."

"George, sa totoo lang, nabibigla ako sa mga sinasabi mo ngayon. Hindi ko alam na posible palang mangyari ang mga ganitong bagay na madalas nababasa ko lang sa libro. At dahil kaibigan kita, handa akong tulungan ka pero bakit iyon ang naisip mo? Sa tingin mo, magiging effective ba 'to?"

"You know what... all my life, sinusunod ko ang gusto nila. They want me to be a businessman like them, so I took a business course. I actually wanted to be a lawyer, but since it's not what they want, I did not take it. See, I did everything to satisfy them even if it means sacrificing what I really want, my own dream."

Eukrania AcademyWhere stories live. Discover now