CHAPTER 16: Festival Of Magic (Part Six)

26 3 0
                                    

Bumalik ako sa pagkakaupo habang nilalapag naman nila ang tray ng pagkain. Hindi ko nagustuhan ang ginawa ni Tyrone sa lalaki na iyon kanina. He was being rude and it wasn't a good image for him. He's the leader of our team, and supposedly, he's the one who should make the group's reputation good. Pero sa ipinakita niyang iyon, mukhang hindi magiging magandang imahe iyon para sa aming grupo.

Tahimik akong kumain. Abala naman sina Alice at Erica sa pag-uusap. Tungkol siguro ito roon sa mga lalaking pumunta sa aming pwesto kanina. Hindi ko alam kung ganoon din ba ang nangyari sa kanila or what. Wala akong ideya kaya nakinig na lang ako sa pag-uusap nila.

"They're from Southwold Academy which is a school that is more nearer in our school if compared to other academies in La Mahika," Alice said.

"They were nice," Erica commented. "But I have my own standards when it comes to dating men. I don't easily give in."

"Yeah. Me too," Alice replied.

Tahimik lang din sa pagkain sina George at Miguel. Wala silang ideya sa pinag-uusapan nina Erica at Alice dahil hindi nila naabutan ang mga lalaking iyon. Si Tyrone naman ay ganoon din, tahimik pero alam kong nakikinig siya. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya nang tumingin siya sa gawi ko. Bahala siya sa buhay niya.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa dorm para magpahinga nang kaunti. Dumiretso ako sa kwarto ko at agad na humiga sa kama. Hindi ko alam pero parang nawala ako sa mood. Sila George naman ay nanatili sa sala.

Makalipas ang ilang minuto ay may kumatok sa aking pinto. Agad akong tumayo para pagbuksan kung sino man ito. Pagkabukas ko ng pinto, nakatitig ako sa paanan ng taong nasa aking harapan hanggang sa itinaas ko ang aking paningin sa mismong mukha nito. Doon ko napagtanto na siya ang kumatok sa pinto ng aking silid. Wala na naman siyang emosyon. Napaka-dark ng aura niya. Pero ang nakakapagtaka ay para bang nasasanay na ako rito. Nasasanay na ako sa presensya niya.

"Bakit?" malamig kong wika. Kung akala niya siya lang ang may kakayahang maging cold, nagkakamali siya dahil kaya ko rin.

"Why aren't you staying with us? Do you feel sick?"

Mukhang wala siyang ideya sa kung ano ang epekto sa akin noong ginawa niya kanina. Hindi ko alam kung manhid lang ba talaga siya o sadyang binabalewala niya lang ito gaya ng parati niyang ginagawa. Ano pa nga bang aasahan ko? Ganito na siya noong una pa lang.

"No, I am fine. I'm just taking a rest."

"Are you mad at me?" Hindi ko alam kung tama ba ang naririnig ko dahil nagkaroon ito ng kaunting emosyon, iyong nag-aalala.

"May dapat ba akong ikagalit?"

"Whatever it was, okay, I'm sorry," he said calmly.

Isang minutong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Hindi ako makapaniwala na humihingi siya ng sorry sa akin. Well, kahit gaano ka pa talaga kataas sa paningin mo, kailangan mo pa ring magpakumbaba lalo na kung ikaw ang may kasalanan.

"Okay, fine," isasarado ko na sana ang pinto nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko.

"I just want to protect you," seryoso niyang wika. Tumitig ako sa mga mata niya at tila nilalamon na naman nito ang kaluluwa ko. Ang perpekto niyang mukha ay unti-unti ko ng nakakabisado dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"S-Sige na, lalabas na rin ako. Mag-aasikaso lang ako."

Agad kong sinarado ang pinto, at sumandal dito. Hinawakan ko ang aking dibdib, malakas ang kabog nito at hindi ko alam kung bakit. Masyadong nakakapanibago ang inaasta niya, malayo sa ipinakita niyang ugali sa akin noong una kaming magkita rito sa academy. Pinaglalaruan niya ba ako? Kasi kung oo, wala akong panahon para sa kanya. At kahit hindi naman, hindi pa rin iyon ang prayoridad ko sa buhay dahil may mga bagay pa na mas dapat kong pagtuunan ng pansin.

Eukrania AcademyWhere stories live. Discover now