CHAPTER 13: Festival Of Magic (Part Three)

32 3 0
                                    

Kinabukasan ay agad kaming nag-asikaso para bumalik sa academy at simulan na ang pag-aayos ng mga kakailanganin sa event. Nagpaalam kami kay Manang Josie, at nangako sila na babalik ulit dito sa ibang araw para naman maglibang. Sadyang kaunti lang talaga ang panahon namin dahil pumunta kami rito para mag-meeting, iyon lang at wala ng iba.

May mga kasuotan pala na nakalagay sa closet ng kwarto na tinulugan ko kagabi. At sabi ni Erica, sa akin daw ang mga iyon kaya pwedeng pwede kong gamitin. I had no choice, wala naman kasi akong dalang pamalit; hindi ko rin naman alam na sa bahay na ito pala kami magpapalipas ng gabi.

Bago kami umalis nagkatitigan kami ni Tyrone, at wala na namang emosyon na makikita sa kanyang mukha. Bumalik na siya sa dati. Naalala ko bigla ang nangyari sa pagitan namin kagabi, kaya ako na ang unang umiwas ng tingin. I felt awkward.

Inaya niya ang dalawa sa aming grupo na sumabay sa kanya. Sinabi niya na kaming dalawa ni Alice ang sasama sa kanya, pero agad namang nagsalita si George na sina Erica at Miguel na ang sasabay sa kanya. Hindi naman umangal ang dalawa kaya pumasok na kami ni Alice sa sasakyan ni George. Nakakapanibago kasi nasanay ako na lima kaming magkakasama sa biyahe. Ano bang nakain niya at inaya niya na makisakay ang dalawa sa ka-miyembro niya? It's very unusual.

"What's with Tyrone? Lately, napapansin ko na may nag-iba sa kanya," wika ni Alice na nasa unahan katabi ni George na nagmamaneho ng sasakyan. "He changed a little bit, but in a good way."

"May nangyari ba sa inyo ni Tyrone kagabi, Alvira?" tanong ni George na ikinabigla ko.

"W-Wala naman. Bakit mo naitanong?"

"Nothing," he smiled at the front view mirror. "I could just feel something strange between the two of you."

I did not clearly hear what he said, and I did not even bother to clarify it. Wala ng nagsalita sa amin. Nang makarating kami sa academy, kapansin-pansin ang mga estudyante sa labas. They're all busy. May kani-kaniya silang ginagawa. I guess it's related to the event. As we reached the parking lot, I saw Erica, Miguel, and Tyrone waiting for us on the side. Sabay-sabay kaming pumunta sa main building kung saan makikita ang mga estudyante na nag-aayos ng mga gamit.

Sina Erica at Alice ang naka-assign sa pag-aasikaso ng pageant na idaraos para sa mga lalaki at babaeng gustong i-showcase ang kanilang good-looking appearance, talents, abilities, and magics. Miguel, on the other hand, will lead the Magic Combat. While George and I will take the accountability with the circus and funfair or what we call perya. Our team captain will monitor each of the activities we have organized, and it perhaps means that he got this whole event all by himself being the leader.

"This would be fun."

"Yet it requires full effort and hard work."

~•~

Masaya ang mga estudyante sa kanilang ginagawa. Mapapansin mo ito dahil sa ngiting nakapinta sa kanilang mga mukha. Kung ganito lang naman ang makikita mo sa araw-araw, ewan ko na lang kung tamaan ka pa rin ng bad vibes. Excited sila sa festival na ito, iyon ang sigurado.

Nasa field kaming lahat dahil dito namin isasagawa ang lahat ng aktibidad ng event. Sa sobrang lawak ba naman nito, siguradong hihingalin ka sa paglibot nito. Sakto lamang ito na pagdausan ng gaganaping festival. Natatanaw ko sina Erica at Alice na nagbibigay ng instruction sa mga estudyanteng tumutulong sa kanila na i-set up ang mga gamit para sa pageant. Talagang mahilig sila sa mga ganitong klase ng bagay. Si Miguel naman ay ganoon din, humingi siya ng tulong sa mga estudyante para gumawa ng maliit na arena para sa battle na naisip niya. At kami naman ni George ay nandito at kinakausap ang mga estudyanteng maaaring magpakita ng kanilang kakayahan na magiging kapana-panabik para sa mga manonood.

Eukrania AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon